Eight

6.2K 146 5
                                    


Pagkauwi at pagkapasok sa kwarto ko ay nanlalata at hinang-hina ako. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Sa totoo lang ay iniwasan kong makadaupang palad ang senyora ermita at si rave. Sila talaga ang nagbibigay ng problema sa akin. My life is fine and is already running smoothly as it is. Why the hell would they get-in on the picture. It's already two years dapat ay hindi nalang kame magkita-kita. Ayoko na. Ayoko ng maulit muli at maranasan ang sakit na nangyari noon. Baka hindi ko na talaga kayanin ang lahat. Huminga ako ng malalim at pinilit mag-asikaso sa aking sarili. I need my energy para bumalik ang naubos kong lakas at mawala ang lahat ng agam agam at mga kinatatakutan ko.

Paano kapag nalaman ni rave na may anak kame? What would he do? Kukunin niya ba sken si riley? Ilalayo niya ba sken ang anak ko? Hindi ko kakayanin kaya hangga't maaari ay ayokong malaman ni rave na nagbunga ang ilang beses na kapusukan namin. But he already know I was pregnant to that gardener. Hindi ba't gumawa ng kwento ang senyora? Imposibleng hindi eto paniwalaan ni rave!

Pagkatapos maglinis ng katawan ay pinuntahan ko sa kwarto niya ang aking anak. Mahimbing na mahimbing na ang kanyang tulog. Katabi niya ang nanay at si tita fiona. Napangiti ako ng matitigan silang tatlo. Malaki ang kama at pinagitnaan nila si riley

My son really resembles all his feautures with his father. Walang-wala man lang akong nakuha. Ganoon ko kamahal si rave. Sabi nila kong kanino kamukha ang anak mo ay iyon ang mas less na nagmamahal. Weh? May ganoon bang kasabihan?

Hinawakan ko ang paahan ng anak ko at bumulong

"Sana hindi na magpakita ang daddy mo sa akin anak. Ayoko na siyang makita ulit. Bumabalik lang ang sakit. Gusto ni mommy na ako at ikaw lang. I love you riley. Gagawin ni mommy lahat para sayo anak"

Pinunasan ko ang luhang tumulo saka bumalik sa aking kwarto at nahiga sa aking kama. Tulala ako makailang sandali habang nakatitig sa kawalan. Hanggang sa igupo na ako ng antok ay mukha ni rave na sumasamo ang nanatili sa balintataw ko

Pagtuntong ko ng grade seven ay nagsimula ang pagbabago sa aking katawan. Nagsimula rin akong magkaroon ng crushes. At natutunan ko ring humanga sa mga kaklase kong gwapo na ay mababait pa.

Isang araw ay inutusan ako ng nanay na mamalengke at ihatid sa hacienda simon ang mga gulay na pinabili dahil dadating daw ang mga apo ng senyora ermita at magbabakasyon sa hacienda. Kulang sa tao at ang iba ay naglilinis at nagpapalit ng kurtina at kubre kama. Kahit ayokong pumunta ay pinilit ako ng papa richard kaya wala tuloy akong nagawa. Kakaiba kasi ang senyora ermita. Yung mga matatamis niyang ngiti na binibigay sa kanyang mga tauhan ay nakakapangilabot. Marami na din akong naririnig patungkol sa senyora. Sa totoo lang ay ayokong pumasok sa mansiyon ng mga simon. Nakakatakot kasi ang katahimikan na para bang may nanunuod sa bawat galaw mo

Pangalawang beses ko pa lamang tutuntong ng mansiyon ng hacienda kaya nangangatog ang binti ko. Pagkahatid ko ng pinamiling gulay ay magpapaalam na sana ako kay nanay kaso ay tinawag niya ako at pinalinya kasama ng mga katulong. Dumating na daw ang mga bisitang inaantay ng senyora ermita. Isa-isang bumaba ang mga kabinataan.

At huling bumaba ay ang lalaking nagpabago sa ritmo ng tibok ng aking puso. He literally take my breath away. Umawang talaga ang labi ko at namilog ang mata. Unang beses kong makakita ng sobrang gwapo kaya nmn kumakabog ang puso ko ng sobrang bilis

"Takpan mo ang bibig mo free, lalangawin" humagikhik ang disisais anyos na si maya habang may pang-aasar parin sa kanyang mga matang nakatingin sa akin. Umirap lang ako at binalik ang tingin sa limang kalalakihan particularly sa gwapong binatang natipuhan ng mga mata ko at nagpakabog ng bata kong puso

At bigla bigla. Nagtagpo ang tingin namin. He smiled. He smiled at me! Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko ay pulang-pula ang aking mukha sa hiya nang marinig ko siyang humalakhak

"Cute" sabi pa neto. Siniko ako ni maya

"Babaero ang isang eto free. Huwag kang magpapaniwala sa matatamis niyang ngiti"

Pilit kong inabot ang alarm at pinatay. Antok na antok pa ako. Ni hindi ko alam kong anong oras na ako nakatulog. Wala nmn din akong klase kaya gusto kong matulog muna at magbabonding kame ni riley mamaya. Minsan lang maging bata ang anak ko at gusto kong sulitin ang bawat araw na kasama ko siya.

Tatlong magkasunod na katok bago bumukas ang pinto ng kwarto ko. Naunang pumasok si riley na malawak ang ngiti kasunod ang nanay ko

"Ma...ma" napangiti ako at gumaan ang pakiramdam

"Morning free"

"Ta..ta" nagpapakarga si riley kaya mabilis akong bumangon at sinabihan si nanay na saglit lang dahil maghihilamos at toothbrush muna ako. Pagkatapos maglinis ng mukha at bibig ay tumakbo ako papunta kay riley at pinugpog eto ng halik. Humagikhik ang anak ko. Tawa narin tuloy ako ng tawa dahil nahawa ako sa kanyang pagtawa. Kiniliti ko siya

"Ma..ma, da...da" natigilan ako at napatingin kay nanay. Tumaas ang kilay ni nanay

"Aba malay ko at palage niya yang sinasambit. Ipinapaliwanag naman namin sa kanya. Aba tumatango-tango kala mo nakakaintindi ang maliit na mama" nanay smiled. There's a pride in her eyes

"Kailangan mo ng makipagkita at makipag-usap kay rave anak. Para kay riley ay gawin mo ang sinasabi ko. Bali-baligtarin man ang mundo ay tatay parin siya ng apo ko" umiling ako. Nasasaktan parin talaga ako. Nahihirapan akong gawin ang nais ni nanay. Kasi ayoko talagang malaman ni rave na may anak kame dahil baka kunin niya sken ang anak ko

"Magtiwala kang magiging maayos ang lahat anak. Ipagdadasal naten ang bawat sakripisyong iyong ginawa. Dahil anak, ayokong manatiling komplikado ang buhay mo. Gusto kong magmahal ka ulit. Gusto kong makahanap ka ng lalaking mas karapat-dapat para sayo at yung mamahalin din ang apo kong si riley. Magpatawad ka anak at ang lahat ay maisasaayos ng naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Magtiwala at manalig ka lang Sakanya"

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon