Nine

6K 161 0
                                    

Grade eight na ako nang magsimula ang aking menstrual period. Sabi ni tatay dalagang-dalaga na daw ako kaya ingatan ko daw palage ang aking sarili. Umuwi ako ng naayon sa oras ng uwian at magpaalam daw ako kong saan ako pupunta at sino ang mga kasama ko. Alagang-alaga at mahal na mahal ako ng nanay at tatay na siyang ipinagpapasalamat ko

Summer na nmn ulit at magbabakasyon na nmn ang mga apo ng senyora ermita. Hindi ko ba alam na sobra ko palang excited na masilayan ang ultimate crush ko. Syempre marami akong crush, sabi ni tatay paghanga daw iyon kaya nmn sinsabi ko kila nanay kong sino sino ang mga hinahangaan ko na tinatawanan lang nila.

Dumating ang magpipinsang Simon sakay ang isang hummer, ang astig nga. Naglalakad kame noon ng ilang kaibigan papunta sa ilog para maligo nang may rumaragasang sasakyan ang mabilis ang takbo tapos alikabok nalang ang iniwan sa amin. Bigla hinawakan ni nona ng mahigpit ang braso ko at kinaladkad ako samantalang papikit-pikit pa ako dahil sa usok.

"Bilis free, punta tayo sa bungad ng mansiyon ng senyora ermita. Malamang mga apo niya ang dumating. Kay gagwapo pa nmn nila. May crush nga ako doon, tara dali silipin naten" na ikinatango ng iba kaya ayun at hindi kame natuloy sa ilog. Sa hacienda simon kame dumiretso kong saan nandoon nga ang hummer sa labas ng mansiyon habang kakababa lamang ng mga sakay neto. Limang nagagwapuhang lalaki. Rinig ko ang impit na tili ng mga kasama ko. Ako nmn ay halos matulala. Panghuli na nmng bumaba ang crush kong si rave. Lumibot pa ang tingin neto bago huminto ang tingin sa amin ng mga kasama ko. Tapos biglang siyang ngumiti at kumindat

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon