"A-agatha"
Nahinto ako sa paghakbang nang marinig ang pangalang binanggit ni rave.
Dalawang linggo ang matuling lumipas magmula noong prank incident na pinlano ni alba at kinasabwat ang buong pamilya
'You love him right?' Tanong ni alba nang kumatok siya at pumasok sa kwarto ko dahil gusto niya raw ako makausap ng masinsinan. Tumango ako at nag-iwas lang ng tingin. Totoo nmn at ayoko na din magdeny. Matagal ko ng mahal si rave. Unrequited na nga diba. Lipas na ng panahon.
'Then, gusto kong kompleto ang pamilyang kagigisnan ni riley. Dahil apo kong nabubuhay lamang ang iyong papa richard ay ganoon din ang gusto niyang mangyari. Mabuo ang pamilya ng kaisa-isa niyang anak na babae at natatangi niyang prinsesa. Nagkamali man siya ay alam kong nais niyang maituwid ang pagkakamaling iyon. Alam kong mahal na mahal niya kayo ng mama mo. Gawin mo eto para sa apo ko free. Kahit apo ko na sa tuhod si riley ay magiging masaya akong aalis sa mundong eto na makikita na magiging masaya ka at kuntento sa buhay'
'Paano niyo naman nakasisiguro na magiging masaya nga ako kay rave alba? Saka ganoon nalang ba yun? Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko at sakit na idinulot niya sa akin at ng kanyang pamilya ay patatawarin ko na lamang sila?at alba huwag ka nga magsalita na parang nagpapaalam kna! ' ginagap ni alba ang aking kamay at masuyo akong tinignan. Hinaplos niya ang aking mukha
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
Chick-LitThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...