One

10.9K 205 7
                                    

Tulala akong nakatitig sa puting bagay na nakapatong sa maliit naming lamesa. Halo-halo ang aking nararamdaman. Kaba, takot at kakaibang saya. Halos sarado ang utak kong mag-isip at nakatitig lang ako sa puting bagay na iyon

Humagulhol ang mama ko. Kanina pa siya umiiyak. Nang makita niya ang resulta ay humagulhol na lamang siya.

"ang senyorito rave ba ang ama niyang dinadala mo, freedom?" tulala akong bumaling ng tingin kay mama. Naiiyak ako. Naiiyak dahil hindi ko naisip ang posibilidad na mabubuntis ako

My conscience were eating me. Si mama na naghihirap sa paglalabada matustusan lamang ang aking pag-aaral at mga pangangailangan at ako na nangarap ng magandang buhay para sa amin. Sa isang gabi ng kapusukan ay nagresulta ng panghabang buhay na responsibilidad

I stared at my crying mother. Puno ng hinagpis at di mailarawan na pagod ang kanyang mukha. She's already old. I should've think of the consequences. Pero nabulag ako. Sarado ang isip at ginustong sundin ang nararamdaman at tawag ng laman.

"s-sorry m-mama. Sorry. _sorry po" I cried. I cried my heart out.

Hagulhol namin ang naging ingay sa katahimikan ng gabi. Tatlumpung minuto bago kame kumalma ni mama at tumitig sa kawalan

"anong plano mo? Isang taon na lang at gagraduate kana free at alam mo ang buhay naten dito sa probinsiya. Kinausap ako ng senyora anak. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero wala akong magawa. Kailangan nating umalis at lumayo sa lugar na eto. Para sa iyo at sa kaligtasan ng magiging apo ko" bumuntunghinga ako. Puro buntunghinga ang ginawa ko. Naninikip ang dibdib ko. Nag-aalala kong tinitigan ang nanay ko. Ginagap niya ang aking kamay at punung-puno ng pang-unawa akong tinitigan. Katatagan ang mababalatay sa kanyang pagod na mukha.

"makikipagsapalaran tayo sa maynila anak. Pilitin mong kayanin na bumyahe ngayong madaling araw. Nakiusap ako kay senyora na bigyan tayo hanggang alas singko ng umaga" tumango ako. Hindi na ako makapag-isip ng tama at tuwid. Idagdag pa ang patuloy na panghihina ng katawan ko dahil sa paglilihi.

Ayokong isipin ang mga kayang gawin ng Senyora Ermita Simon. Kilala siya sa buong lalawigan ng norte sa bayan ng Remedyos. Nagtatrabaho ang nanay sa hacienda Simon bilang labandera. Tuso at mapanganib kapag binangga ang patriarcha ng pamilya Simon. Idagdag pang walang lugar ang mga mahihirap na gaya ko sa pamilya nila. Nagkataong umibig ang hangal kong puso sa isa sa limang apo na lalaki ng senyora. Rave Matthias Simon,siya ang panganay na apo at ang siyang magmamana ng halos karamihan ng mga ari-arian ng kanyang pamilya. Alam ko ring ikakasal na siya sa babaeng pinili ng kanyang abuela para sa kanya. Business ventures and arranged marriage were always a thing for the rich like them. Kaya nman nang matunugan ng senyora ang nangyayari sa amin ng apo niya ay madali niyang akong kinausap, pinagbantaan. Marami na akong naririnig patungkol sa ilang tauhan ng senyora na kanyang inutusan upang ipapatay ang taong gusto niyang mawala sa kanyang landas. Matagal na kameng naninirahan sa remedyos kaso dahil sa makasarili kong hangarin at sa tanga kong nararamdaman ay hindi ko na naisip ang konsekwensiya ng ginawa ko.

Saan na kami ngayon pupulutin ng nanay ko. Wala pa akong ibang lugar na napuntahan maliban sa remedyos. Takot akong makipagsapalaran dahil wala naman akong ibang kamag-anak na kilala. Buong buhay ko ay sa remedyos na ako nagkaisip at lumaki. Ano na ngayon ang mangyayari sa amin ni nanay

Malakas ang ulan nang ginising ako ni nanay dahil nandoon na raw si mang kardo, iyong pinakiusapan niya na nagtatricycle para ihatid kami sa sakayan papuntang daungan ng barko pa maynila. Dalawang araw pa ang lalakbayin namin. Natatakot talaga ako. Pilit ko lang nilalakasan ang aking loob.

Sa huling sandali ay tinignan ko ang napakalaki at lawak na mansiyon ng mga Simon. Hindi ko naisip na aalis ako sa lugar kong saan ako lumaki at nagkaisip. Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako. Mali bang ibigay ang iyong sarili sa lalaking kusang itinatangi ng iyong puso. Nagkataon lang na mayaman ang lalaking minahal ko. Dapat talaga hindi ako palageng nanunuod ng cindrella na pelikula. Nangarap pa naman akong maging si Cinderella ang buhay na tatahakin ko. Sino ba ang hindi mangangarap na maikasal sa isang mayamang lalaki, lalo pa at yung lalaking yun ay mahal na mahal mo. Kaso mayroong wicked grandmother ang prince charming ko. At alam kong sa kabanata ng buhay ko ay napakaimposibleng maging kame ng lalaking itinatangi ko. Walang nagkakatuluyan na mayaman at mahirap sa totoong buhay. Sa kwento lang ni cindrella  nangyayari yun.

Pero kahit pa. Mayaman parin naman si cindrella kong tutuusin. Ako naman ay walang-wala talagang maipagmamalaki. Unti-unting tumulo ang luha ko at nanikip ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni nanay sa akin ng mahigpit. Wala na. Wala na talaga kameng pag-asa ni rave na magkatuluyan. 

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon