Thankyou for the votes and comments
Two years ago
"Free, pa favor nmn, pwede bang pakigising ang senyorito rave. Nandoon siya sa bar area. Dumating siya kagabi tapos doon dumiretso, naglasing at may problema yata. Naiwan ko kasi yung pinabiling itlog ni manang sol. Pakiusap lang ha. Friends nmn kayo ng senyorito di ba?" mabilis na tumalilis si maya pagkatapos makiusap. Napaisip nmn ako. Hindi nmn summer kaya bakit nandito ang senyorito? Saka kainis yun si maya, may gagawin nga sana ako at inutusan lang nmn ako ni nanay mag-akyat ng malilinis na kurtina at punda. Ayoko nga magtagal sa loob ng mansiyon ng hacienda. Pakiramdam ko kasi may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Idagdag pa ang malaking portrait ng larawan ng Senyor Severino. Nanunuot ang bawat titih niya. Para siyang buhay na buhay sa napakalaking larawan sa may hagdan ng mansiyon. Kapag aakyat ako pakiramdam ko nakatitig siya sa akin. Nakakataas ng balahibo sa batok...
Huminga muna ako ng malalim bago dumaan sa malapit sa hagdanan at nang makalampas ay lumiko ako sa isang pasilyo saka huminto sa unang pintuan na nandoon na siyang bar area ng mansiyon
'Let him pore his all frustrations and pains. Hear him iha'
Nanginig ang binti ko. I heard his voice again. Brusko at nanggagaling sa hangin. Shit talaga! Kaya ayoko dito magtagal sa mansiyon ng mga simon. I heard a chuckle. Kaya mabilis kong binuksan ang pintuan at nagmadaling pumasok sa loob kipkip ang naghahabulang daga sa aking dibdib
That Old Senyor always talks to me when I'm around! Nakakapangilabot balahibo!
"Free, is that you?" Nakatayo ang senyorito habang kinukusot ang mata at sinisino ako.
Nakasuot siya ng kulay blue na polo at naka slacks pa na itim. Halata na galing pa siyang trabaho. Mas nagmature ang itsura ng senyorito rave. Hindi ko siya nakita ng isang taon mahigit dahil hindi nmn siya nagbakasyon noong summer. Inabot lang sa akin ni landon ang isang note. Rave wrote the note informing that his busy with projects and finals. Graduating narin kasi siya tapos magboboard pa siya para maging license engineer. Nakaka proud si rave. Kailan ko lang din nalaman kay nanay na pumasa si rave at nag top five sa licensure exam. Ang galing niya nga eii. Ako nmn ay kakapasa lang ng scholarship at magsisimula na akong mag college sa pasukan. Excited na nga din ako.
"Hey, why are you trembling?" Ni hndi ko namalayang nasa harapan ko na pala si ravr. Ginagap niya ang palad ko. Napasinghap ako sa bolta-boltaheng kuryenteng naramdaman ko. Maski si rave ay napaigtad sabay bitaw sa aking kamay. Nagulat ata siya. Kunot ang noo at seryosong nakatunghay sa akin
"What the hell is that? Did you feel it?" I heard the old man chuckle again.
Wala sa sa sarili tuloy akong napayakap kay rave. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Pero nahawakan niya nmn ako. Mabuti nga at nakabalanse siya ng maayos
"Are you okay free?"
"Senyorito,lumabas na kayo dito. Nakakainis ang senyor severino" mangiyak-ngiyak kong sumbong. I feel him stiffened
"You heard abuelo's voice?" Hndi makapaniwala niyang tanong.
"Oo, kaya umalis na tayo dito. Kailangan kong makalabas ng mansiyon ng buhay. Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral. Kapag kasi nandto ako sa loob ng mansiyon ninyo ay lage kong naririnig ang boses ng senyor. Kaya please lang senyorito. Baka magkasakit ako sa puso dahil sa takot" narinig kong humalakhak ang matandang senyor
"Ayan na nmn siya" mas humigpit ang kapit ko kay senyorito. Ramdam ko ang malakas na pintig ng kanyang puso
"You really heard him?" Hindi makapaniwalang tanong ni rave
"Senyorito bilis punta kana sa dining ha at kumaen" kumalas ako kay senyorito kaso nahawakan niya ang braso ko at salubong ang kanyang kilay
"That's unusual. Abuelo will talk to the person he only likes. So it means he likes you because you heard him talking to you. I've never heard abuelo talk to me and even my cousins. All i know is he talks to abuela" napalunok ako. Hindi ko na talaga kaya. Naiiyak na ako sa takot at kabang-kaba na ako
"Senyorito, sa labas nalang tayo mag-usap ha. Bye po" tumakbo na ako palabas at halos magkandadapa pa ako. Naririnig ko ang halakhak ng senyor sa isip ko. Pagkalabas ko ng mansiyon ay saka lang ako nakahinga ng maluwang.
Lumingon ako at anlayo na pala ng natakbo ko. Kitang-kita ko ang kabuuan ng napakalaking mansiyon at sa sa dulo ng bintana sa kanang bahagi at kitang-kita ang kurtinang sumasayaw at ang isang taong nakatayo doon na alam kong matalim ang titig sa akin. Ang senyora ermita. Napaiyak tuloy ako. Sumalampak ako sa damuhan. Kainis takot na takot talaga ako
Marami na akong naririnig na kwento tungkol sa mansiyon, noong una ay di ako naniniwala. Hindi ko nman narinig at nakikita so bakit ko paniniwalaan. Pero magmula ng araw na una kong masilayan at naging crush ang senyorito rave ay nag-iba ang pakiramdam ko kapag nasa loob ng mansiyon. Naririnig ko ang senyor sa isip ko. Sinasabi niyang 'ang may malinis na puso at kabutihan sa kanyang kapwa ay ang siyang magwawagi' hindi ko naiintindihan ang mga salitang binibigkas niya na nanggagaling sa hangin kaya hinahayaan ko nalang.
Minsan kapag gising ako sa madaling araw at natatanaw ko ang mansiyon mula sa bahay namin ay nakikita ko ang mga itim na anino. Kumakabog ang puso ko at sinasara ko na lamang ang bintana ng kwarto ko saka ako hihiga.
Nakikita kong nagroronda ang mga nakaitim. Hindi ko alam kong ano at sino sila pero nang minsang sinabi ko kay papa richard ang nakita ko, sabi niya
'Sila ang nagpapanatili sa kaligtasan naten anak. Mga mapagkakatiwalaang tauhan ng senyor sev'
'Pero hindi ko sila nakikita sa umaga papa'
'Nanjan lang sila anak, nagbabantay dahil hindi basta-bastang pamilya ang pamilya Simon. There is more to the eyes that the heart can see. Follow what your heart will tell you anak'
Kapag nag-eenglis na si tatay ay natatahimik na ako. Iba kasi pag nag eenglis siya.May kakaibang accent. Ano nmn kaya ang ibig sabhin ni tatay sa sinabi niya tungkol sa pamilya simon? Anong alam ni tatay?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
Genç Kız EdebiyatıThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...