"Free, pwed pa favor. Can you take the order of the amethyst table. Ang sakit talaga ng tiyan ko" nag-aalala kong tinignan si lovely. Alas siyete na ng gabi at alas onse ang out ko. Nasa Fine dining restaurant ako na pag-aari ni tita vanna. Part time cashier at bawal akong magserve pero kapag may nakikiusap at kulang sa tao ay wala ding nagagawa ang manager pero kailangan parin magpaalam kasi baka hindi din ako payagan ni tita fiona at tita vanna
"Nagpaalam ka na beh?"
"Oo nasa office si madam Vanna. Hindi ko na talaga kaya beh, ilalabas ko muna etong sama ng loob ko, absent kasi yung dalawang bruhilda pasensiya na talaga" natawa ako sa tawag niya kay carol at bea. Lumabas ako ng pwesto ko at kinuha ang menu at notepad
Inayos ko ang suot kong white long sleeve na mismong uniporme ng restaurant at palda na lampas tuhod. Suot ang two inch high heels shoes ay naglakad ako papunta sa table na sinasabi ni lovely.
Nakasalubong ko tuloy ang nanlilisik na mata ng tanging taong nagpalayas sa amin ni nanay. Nang taong iniiwasan kong makadaupang palad. Tumaas ang sulok ng kanyang labi na may mapang-uyam na ngiti habang pinapasadahan ako ng tingin mula sa ulo pababa sa aking suot na damit. Nahiya tuloy ako nang maglingunan ang mga kasama ng senyora ermita.
Akalain mo nga naman. Sa lawak ng kamaynilaan ay talagang makakadaupang palad ko pa talaga ang pamilya Simon
Kasama niya ang kanyang dalawang manugang na babae at ang anak niyang lalaki. Lima ang anak ng senyora. Dalawalang babae at tatlong lalaki. Ang dalawang babaeng ksama ng senyora ay mga asawa ng anak niyang lalaki na parehas niya rin ng ugali. Si esmeralda at carlota.
Tumaas ang kilay ni esmeralda, ang asawa ng panganay na anak ng senyora habang nanliit naman ako kong paano tignan ng isa pa niyang manugang.
"If it weren't the bitch who seduce my son. I didn't know I would see you here freedom, iha" napakurap ako sa sinabi ni esmeralda. Napalunok at sa nanginginig na binti ay pinilit kong gampanan ang aking trabaho. Esmeralda Simon is Rave Matthias Simon's mother. Kaya sila magkasundo ng senyora ermita dahil magkaugali sila. Si carlota ay tahimik lang. Pilit ang aking ngiti saka ako tumikhim
"Can I take your order, mam, sir?" Mabuti at hindi ako nautal-utal na siyang ipinagpapasalamat ko
Umirap ang senyora at tumingin kay esmeralda
"Is rave coming ,alda? How about your son's carlota? Arthur, where is your wife and sons?"
"Rave and derrick is on the way, mom. As well as landon and rafael" napahinga ng malalim ang senyora. Kinakabahan na ako. Sa totoo lang ay wala sa isip ko ang magkita at magtagpo kame ni rave. Kong pwd lang hindi na kame magkita ay ipagpapasalamat ko talaga ng malaki sa Diyos. Ayoko ng ma link sa pamilya Simon. Hindi sila healthy sa pagkatao ko
Senyora ermita give me their order. Mabilis ko naman etong natipa sa notepad ko. Nakayuko lang ako buong durasyon at hindi na sila tinignan.
Pagkatapos makuha ang order ay tumalikod na ako na siyang nagpangyari upang mabangga ako at mauntog ang nguso ko sa taong salarin na nakaharang ngayon sa daraanan ko
"Oh, there you are rave, derrick. We were waiting for you" huminto na yata pati paghinga ko nang marinig kong magsalita ang taong nabangga ko
"Are you okay, miss?" His baritone voice that sent chills down my spine. Hanggang ngayon ay ganoon parin ang epekto ng isang rave matthias sa pagkatao ko. Pati galang-galangan ko ay kinakabahan at nakukuryente narin.
Hinawakan niya ang braso ko. Patuloy ang pagyuko ko sabay hinge ng paumanhin.
"Ayos lang po. Pasensiya na po talaga. Sorry po" iiwas dapat ako para makadaan kaso ay humarang siya. Kainis ha.
"Look at me" mahina at puno ng otoridad niyang sabi. Napapalunok na ako. Shit lang. Nag-angat nalang ako ng tingin at sinalubong ang mapanganib na tingin ni rave. Napakurap ako. Gone was his boyish look and boy-next-door personality. Naging mapanganib na siya. Mas sumeryoso ang kanyang mukha at punong-puno ng lamig ang kanyang mga mata. I saw flicker of emotions in his eyes nang magtagpo ang tingin namin. Alam ko nakikilala niya ako, pero mabilis etong naglaho at napalitan ng kawalang emosyong tingin
"My, have you recognize her rave, iho. Siya ang anak ng dati nating labandera. Sayang nga lang at nabuntisan ng hindi nakikilalang lalaki kaya sila umalis ng remedyos. Anyway, halikayo at umupo ni derrick. Minsan lamang ako mapadpad ng maynila kaya pagbiyan niyo ang lola mga apo" may pait sa laway ko habang naglakad papunta sa counter at binigay kay lovely ang notepad para ipaluto ang order ng table amethyst. Ni hindi ko naisip na gagawa ang senyora ermita ng paraan para kamuhian ako ni rave o para magalit siya sa akin. Nakakatawa kasi ang mga kasinungalingan niya. Kong makikita lamang niya ang anak ko ay baka maumid ang dila niya. Nabuntisan daw ako. E pinalayas nga niya kame ni nanay. Grabe talaga ang senyora magsinungaling masigurado lamang na hindi mauuwi sa isang katulad kong mahirap ang kanyang apo.
Hindi na ako lumabas ng pwesto ko. Hindi ko naman din trabaho ang kumuha ng order. Hinayaan ko na si lovely. Kaso bigla siyang bumalik pagkaserve ng order at namumutla
"Free, ikaw daw ang kailangan ng table amethyst. Sinabi ko na na may ibang nakatoka sayo kaso mapilit ang matandang babae at nakakatakot siya!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga ako titigilan ni senyora ermita hanggat di niya ako napapahiya. Halos mangiyak ngiyak na si lovely kaya tinanguan ko nalang para matapos na. Tiis pa more Freedom
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
ChickLitThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...