Present
Get the broom of knowledge and sweep the cobwaves under the window and forget the unforgetfulness
"Free, tawag ka ni madam vanna" tumango ako kay george saka inayos ang mga papel na sinort-out ko at lumabas ng cashier's.
Pagdating sa manager's office ay tatlong beses akong kumatok bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng opisina. Nag-angat ng tingin si tita vanna saka tinanggal ang salamin sa kanyang mata at tinitigan ako ng seryoso
"You've been spacing more often freedom iha. Care to tell me what's bothering you" nag-iwas ako ng tingin at yumuko. Totoong palage akong wala sa sarili this past weeks. Bumabalik sa isip ko ang naging-usapan namin ni rave. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Lumipas man ang dalawang taon ay walang ibang itinatangi ang puso ko kundi si rave lang. I wanted to text him or call him. Pero natatakot ako. Idagdag pa ang ilang kurot sa puso kapag pabalik-balik kong binabasa ang huli niyang text sa akin. Yung feeling na hindi ko na talaga siya makikita ang mas nagpapasikip ng dibdib ko. Pero bakit ko ba naisip yun. Mas grabe pa nga kong tutuusin ang narinig kong binitawan niyang salita kay senyora. He doesn't love me and he will never love me. Naninikip parin ang dibdib ko kapag naaalala ko yun. Nag-init tuloy ang mata ko. Palage kong naiisip ang nangyari noon na parang kahapon lang. akala ko naka move on na ako, na wala na akong nararamdaman kay rave, kaso akala ko lang pala yun dahil the moment na nakita ko siya ulit ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik ang nararamdaman kong matagal ng nakatago sa kasuluk-sulukan ng aking puso
Hindi naman totoo na time heals all wound. Time may forget but feelings will always remain. Time may give you distance and can endure pain but still hindi mo parin makakalimutan ang nag-iisang tao at lalaking nagpatibok at nagpasaya sa iyong puso. Nagbigay kahulugan sa iyong buhay. We always choose what gives us certain happiness yet it's either we choose the easiest path or the hardest path. We choose to forget but in the end makikita parin naman naten ang sarili nating binabalikan ang nakaraan at mapapaisip. What if hindi nangyari ang noon, matututunan niya din kaya akong mahalin? What if mas nagtagal pa kame ni rave, will he choose me kong nalaman niya na buntis ako at dinadala ko ang anak namin? Maraming what if's but fate will always led you to what you are right now. Kasi naniniwala akong kong kayo talaga ang itinadhana, marami man ang magiging hindrance ay magiging kayo parin sa huli. That's what love conquers. God as what I believe has already written the story you are already in. It's just you who needs to choose at hindi talaga maiiwasan ang sakit. Hindi maiiwasan na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay mahuhubog ang iyong buong pagkatao dahil nasaktan ka. Your heart will toughen, your resolve will be strengthen. And forgiveness will always be the key to all happiness.
"we will be having dinner this evening with derricks family iha. Alba will be present later. I already talk to her. We also need you there freedom. Kailangan namin ang presensiya mo para kay aviona. Whatever will be the outcome of the dinner, we will accept it" nag-iwas ng tingin si tita vanna. Nakita ko pa ang pagpunas niya ng luha bago niya binalik ang tingin sa akin. Malamlam ang kanyang mga mata
"Aviona choose herself and her baby. She doesn't want to get married. Raul will be mad" hindi na nakayanan ni tita. She break down to tears. Mabilis ko siyang dinaluhan. Kahit ako ay nasasaktan. Avi is in love with Derrick Franco Simon but derrick don't do love. Ayaw matali ni derrick sa isang kasal. Such One-sided love gives pain and too much stress at bawal kay avi ang ma stress. Ni hindi ko akalain na parehas kameng magkakagusto ng pinsan ko sa magkadugo at hindi marunong magmahal na mga lalaki. How pathetic life can be.
I choose to wear a dress that suits for the occasion. Black dress na hanggang lagpas tuhod at close neck tapos mahaba ang manggas. Ewan at gusto kong samahan si avi sa kanyang pagluluksa.
![](https://img.wattpad.com/cover/143160746-288-k195996.jpg)
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
أدب نسائيThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...