Seventeen

5.5K 145 1
                                    


"R-riley...rileyyy" hingal akong napabalikwas ng bangon sapo ang dibdib. Ang lakas lakas ng hearbeat ko. Pakiramdam ko ay putlang-putla ako. Wala sa sarili akong tumayo. Nanunuyo ang lalamunan ko. Hinanap ko ang kusina saka nagsalin ng tubig at mabilis etong tinungga. Nanghihina ako. I just have some nightmare. Pinapalibutan kame ng nga nakaitim habang hawak ako ng dalawang lalaki at si riley ay hawak ng isa at may nakatutok ditong baril. Gusto kong maiyak sa takot. Para bang makatotohanan ang panaginip na iyon

"Whose riley?" Napaigtad ako sa gulat. Nilingon ko si rave. Malamig siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip at nag-aantay ng sagot ko. Tinikom ko ang bibig ko. I don't want to tell him about our son. Not now. Not ever!

Bumuntunghinga siya bago siya lumapit sa akin. Aatras sana ako kaso wala na pala akong maatrasan.

"It's rafael's birthday today. I want you to come with me" he tucked my loose hair in my ear. Napalunok ako. Nanginginig ang kamay.

"No. A-ayokong sumama"

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang nanunuot niyang tingin. Salubong ang kilay na makapal at matalim ang mga mata

"Why?" Napapikit ako ng mas nilapit niya ang mukha sa aking mukha. Nag-iinit ang pisngi ko

"I'm sorry about earlier" kumislot ang puso ko. Napakasuyo ng boses niya. Hinawakan ni rave ang braso ko na nagpaigtad sa akin. Namumuo na nmn ang luha sa aking mga mata. I need to get out of here. Natatakot akong mapalapit ulit kay rave at malaman ng senyora ermita ang relasyon namin. Baka totohanan niya na at baka ipapatay na ako. Natatakot ako para sa anak ko. Ayoko siyang iwan mag-isa. Those dreams looks real.

"P-please rave. I-uwi mo nalang ako. Baka hinanap na ako ni mama fria" napalunok na namn ako. Kinakabahan talaga ako. Lalo at first time kong makita na nawala si rave kanina sa kanyang sarili. Kinakabahan ako sa maaari niya pang gawin kapag mas nanaig ang galit niya.

He snake his arms in my waist. Napalunok ako nang hawakan niya ang mukha ko at pinilit salubungin ang mga mata ko

"Baby" bulong niya. Umiling ako.

"Tapos na tayo rave. Two years ago I left you. You should be mad at me. Why are you like this!" Tinulak ko siya kaso mahigpit na nakalingkis ang braso niya sa bewang ko.

"No. No baby" hinapit niya akong lalo at sinubsob ang mukha sa aking leeg. And i can't stop my emotions. Ang luha ko ay unti-unting tumulo

"Rave. Stop please. Stop chasing me. Let's just end it here" pinilit kong magpakatatag. Hinawakan ko ang mukha niya at nagtitigan kame. His eyes were pleading. Punong-puno ng emosyon at mas nananalaytay ang sakit. Why is he hurt? He doesn't love me. He told me so.

"Rave, ayaw ng lola mo sa akin. At natatakot ako"

"I'll protect you, baby. Please" he whispered. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. I was hurt too. Nasasaktan din ako but i need to be strong. I need to be firm in my decisions. Baka hindi nalang pagpapalayas ang gawin ng lola niya, baka may mga nakaitim nang mga kalalakihan tapos ay papatayin na lamang kameng bigla ni nanay.

"Rave-" hinaplos niya bigla ang ulo ko. His gesture were soft. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Alam kong pag nagtagal pa ako sa harap ni rave ay bibigay na ako. Ayokong maulit ang nangyari noon. Pinalayas kame ng senyora, pinahiya at tinakot. I've got riley now at ayokong maranasan ng anak ko ang pinagdaanan ko. I will make him safe no matter the consequences. Even if giving up my love for rave.

"Please, kailangan ko ng umuwi" he didn't budge. He just hug me. Nanatili kame ng ilang minuto bago niya ako bitawan

He stared at me. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. He looks fragile. Halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. Masuyo ang tingin sa akin habang menememorya ang aking mukha. Nilapit niya ang aming noo hanggang sa madikit eto hampas ng kanyang hininga ang aking naamoy. Our breathings were hitched and uneven. Napalunok na nmn ako

Napapikit ako. Ramdam ko ang mabigat na atmospera. Hanggang sa pagdilat ko ng aking mga mata ay ang pagbitaw ni rave sa akin. And his eyes were now cold. Wala na ang nakita kong sakit at suyo kanina. Napalitan eto ng walang ekspresyong mukha. Malamig na malamig

"My driver will send you home" kumirot ang puso ko at naninikip.

I'm sorry baby.

Nakatitig lang ako kay rave. Menememorya ang kanyang mukha dahil hindi ko alam kong makikita ko pa siya ulit. I feel how far he is from me now. Unti-unti siyang tumalikod hanggang sa naglakad siya palabas ng kusina palayo sa buhay ko. Ang sakit. Namumuo na ang bara sa aking lalamunan. Ang gusto ko na lamang ay makauwi, makapasok sa kwarto ko, mayakap ang anak ko at umiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. Pinipiga ang puso ko habang patuloy kong tinatanaw ang unti-unting pagkawala ni rave sa paningin ko.

Nauupos na kandila na hinayaan ko ang sariling lamunin ng saki. Napaupo ako habang hawak ang aking dibdib at patuloy ang pagragasa ng luha sa aking mga mata

"Maam, ihahatid ko na po kayo" naangat ang tingin ko sa taong nagsalita. Hilam sa luha ang aking mata

"Ayos lang po kayo?" Nag-aalala netong tanong.

Kahit nanginginig ang tuhod ay pinilit kong tumayo at maglakad palabas. I need to get out of here. Paulit-ulit na mantra ko sa isipan.

Nasa loob na ako ng sasakyan nang makatanggap ako ng text message mula kay rave

Let's not see each other again. Goodbye freedom

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon