Five

6.7K 152 0
                                    


"green tea, two for table B, free" kinuha ko ang order ni myrna at ginawa , pagkatapos etong gawin ay pinatunog ko ang bell hudyat na e-serve na ang inuming inorder. May kasamang dalawang strawberry chiffon cake ang order. Pagkatapos ay nagmadali akong pumasok sa loob ng pintuang may nakalagay na Staff only saka nagbihis. Sa likod na ako dumaan, saka sumakay sa kotseng pula na nakaparada sa gilid ng daanan palabas.

"you are so tagal" si ava na siyang nasa likuran at si aviona na nagdadrive. Excited ako dahil mag ma-mountain climbing daw kame. Ready na nga ako sa suot ko. Aviona would always end up dragging me and ava sa mga trip niya sa buhay pag stress siya. At tingin ko ay stress siya ngayon dahil kunot na kunot ang kanyang noo at di maipinta ang kanyang mukha

"what happen to avi, ava?"

"because Derrick, her long time crush just ignored her. Kaya ayan at hindi maipinta ang mukha ng kapatid ko" humagikhik si ava

"shut up" angil ni aviona. Nagtinginan kame ni ava at sabay na tumawa. Kinuha ko ang celfone ko at nagvideo call kay nanay. And my son's face was now on the screen. Kaso ay bigla etong hinablot ni ava

"hello to you too baby boy. Tita ava maganda misses you. See you in three days. Hiram muna namin si mommy mo, okay" at nagflying kiss pa ang gaga bago binigay sa akin ang fone ko. Pinakita ko kay aviona si riley. Nawala ang simangot ng huli at ngumiti na ng matamis tapos ay nag iloveyou na sa anak ko. He's turning two. At lumalaki siyang nagiging kamukha ng tatay niya.

Pagkatapos kong magpaalam kay nanay at riley at binaba ko na ang fone at pinatunog ang sounds sa loob ng napakatahimik na sasakyan.

"gumagwapong lalo si riley. Kamukhang-kamukha niya na ang daddy niya free. I bet pag nagbinata na si baby boy maraming babae ang paluluhain" nakangiti lang ako. All of them knows who riley's father is pero parang alam ng bawat isa na complicated topic kaya hindi nalang pinag-uusapan

"anyway, paano kapag nagkita kayo ulit? Of course alam namn natin na may nararamdaman ka pa sa daddy ni riley. What would you do free?" and ava just asked the question I can't seem to answer. Ang hirap kayang sagutin kong hindi ko naman din talaga alam ang isasagot ko. First year highschool pa lamang ako ay gusto ko na si rave. Hindi ko ikinakaila yun. I even told them about what I feel and how I felt. Si ava mahilig talaga siyang mang intriga kaya journalism ang course na kinukuha niya. Ako naman ay kumukuha ng units sa business ad. I want to try directing pero sabi ni tita Fiona ay saka na lamang daw. I already finished my four year course which is education. Tinapos ko talaga kasi sayang at kumukuha ako ng kurso ngayon na business administration na siyang gusto at nais ni tita Fiona. First year college pa lamang ulit ako kaya balik ulit sa simula idagdag pa na ilan lang sa subject ko ang na credit.

Sa Mt. Pulag ang destinasyon namin. Iniwan lang ni aviona ang kotse sa isang pinagkakatiwalaang tauhan saka kame gumayak. The walk is exhausting and super tirable pero worth it kapag nasa ituktok kana. Nawawala ang pagod at stress mo kaya nga parehas kameng tatlong napahiyaw at napasigaw pagdating sa tuktok. Tinawanan lang kame ng mga taong kasama namin sa hiking na iyon. We put some tent dahil magstay kame ng one night. Bonfire and gossips about actresses at kwento ng buhay-buhay at crushes. Nakakatawa dahil kahit papaano ay kilala na namin ang tour guide at admin na nag-asikaso at kasa-kasama namin sa hike. Pang ilang beses narin kasi namin tong ginawa. Puro hike lang ang sinasamahan ko. Kapag swimming na ay tinatanggihan ko na. Mas type ko lang talagang umakyat ng bundok.

Kinabukasan ay bumaba na kame. Pagdating sa bahay ay pagod na pagod ang pagal kong katawan sa biyahe. Yet I find myself energize noong makita ko ang mahimbing na tulog ng anak ko. Ang sarap niyang panoorin habang natutulog. Ang sarap kurutin at panggigilan. I kissed his forehead and mouth I love you before ako maglinis ng katawan at humiga katabi ng anak ko. Minsan ko lang siya makatabi dahil si nanay o kaya si tita Fiona ang palage niyang katabi.

Busy kasi ako sa part time sa coffee shop, dining restaurant at pag-aaral. Kahit ayaw ni tita ay nag enroll ako sa online for directing. Ewan ko ba at feeling ko magugustuhan ko siya. Parang may humahapit sa puso ko na dapat kunin ko eto kaya ayun nga at kumuha ako ng units pero mas priority ko parin ang business ad. Siningit ko lang ang directing sa free time ko. 

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon