"MASAYA ko para sa'yo, June." Ani Sabrina sa kaibigan habang nakamasid sila sa mag-ama nito. Ang buong akala talaga nila ay mawawala ang kaibigan sa kanila.
Nang maaksidente ito ay muntikan na itong mawala. Pangalawang buhay na iyon ng kaibigan. Hindi niya maiwasan ang mainggit nang nilingon niya ito. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito habang nakatingin sa mag-ama nito.
Dalawang taon na ito kasal kay Marlon na naging isa sa mga kaibigan nilang lalaki. Despite the fact, na hindi nga talaga nito anak si Jess. Kundi anak ito ni Marlon sa ex-girlfriend nito ay mahal na mahal ni June ang bata. Hindi na kasi puwede magkaanak ang kaibigan dahil sa aksidente nito noon. Yet the overwhelming happiness were visible on her eyes. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap.
Sa paglipas nang limang taon ay marami ang nangyari sa kanila. Pero isa lang ang sigurado, hindi na sila tulad ng dati. Naging malawak at mapag-unawa na sila sa bawat sitwasyon. Hindi na sila tulad noon na may pagka-impulsive at immature. They had successful career too. Sikat na fashion designer na ang kaibigan nilang si Ricky at si June naman ay ang General Manager ng kompanya ng pamilya nito. Siya naman ay COO sa isang pharmateutical company sa bansa. She had a better life with her twins.
Lumingon ang kaibigan sa kanya at ngumiti. "Ikaw din. Everyone deserves to be happy. It has been five years, Sab. Wala ka pa rin bang balak makipag-usap kay Kerkie at sa mommy mo?"
Napabuntong-hininga na lang siya. Alam nila na nasaktan ang ama pero maluwag na tinanggap nito ang mga nalaman. Para hindi na dagdagan pa ang sakit na iyon ay pinangako niya sa mga ito na kahit ano ang mangyari ay hindi na lalapit sa binata. May kapatid ang ama na naninirahan na sa New York kaya pinatungo siya ng kapatid doon. Alam naman niya ang dahilan nito. Ang ilayo siya kay Kerkie dahil tulad niya ay hindi nito matanggap ang nalaman. Pero hindi siya umalis tulad ng gusto nito. Hindi lingid sa ama ang ginawa niya kay Kerkie noon. Hindi kumbinsedo ang ama na manakit siya ng iba dahil lang nasaktan siya sa nalaman.
Hindi na naman mangyayari na lapitan siya ni Kerkie dahil sinaktan niya ito para kusa ng lumayo sa kanya. Mas nakabuti nga ang paglayo niya. Bumalik na uli sa dati ang lahat mula niyon... pero hindi sa kanya. May mga gabi pa rin na nanaginip siya na kasama ito. Mahal man niya ito pero nasa maling pagkakataon at panahon sila. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit ng pamilya niya.
Matagal na niya napatawad ang ina. Sa paglipas ng limang taon ay naisip niya na walang may gusto ng nangyari. Lahat sila ay biktima ng mapait na nakaraan. Pinalagay na lang niya na nangyari iyon nang mga panahon na hindi siya handa makita muli ang ina. Simula nang iwan sila nito ay nawalan na sila ng komunikasyon at tuluyang nawalan ng alam kung saan na ito. She was only twenty one years old back then, a carefree selfish person. Wala siyang ininda kundi ang mga saloobin niya. Hindi man lang niya nagawa isipin ang iba. Nagawa pa nga niya mag-rebelde noon but when she find out that she's pregnant. Nagbago ang lahat.
"In the right time, June. I'm not yet ready." Kaswal na sabi niya.
"Not ready? Hanggang kailan?" Tumingin ito sa kanya. "Siguro nga hindi ka pa handa harapin sila but after all, you owe that to him. Lalo na ang mga anak mo."
Nag-iwas na lang siya ng tingin kay June. Alam niya na kailangan niya humingi ng tawad kay Kerkie. Nasaktan niya ang taong walang ginawa noon kundi mahalin lang siya. Pero paano niya sisimulan? Hindi kasi niya alam.
-----
"DAD, why do you still love her?" tanong ni Sabrina sa ama nang maabutan niya ito na tinitignan ang lumang litrato nito kasama ang ina. May kung ano na namang humaplos sa puso niya sa nakita. Hindi na iyon tulad noon na may kasamang galit kundi pag-unawa. Lumapit siya sa ama at umupo sa tapat nito.