Eleven (Part One)

631 18 6
                                    


SHIT! Ano bang isusuot ko? aligaga na tanong ni Sabrina habang makailang palit na nagsukat ng mga dresses niya. Mamaya na iyong date nila ni Kerkie at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-aayos. Ni hindi nga niya alam kung ikukulot ang buhok o ilulugay lang.

Nang makita niya ang bagong dress na binili nila ng mga kaibigan. Ang plano niya ay isuot iyon sa graduation niya. Kinuha niya iyon at sinukat. Pinagkatitigan niya ang sarili sa salamin habang suot ang damit. Silk navy blue iyon na hanggang tuhod niya. Backless ang likod niyon na tinatali lang ang sa bandang leeg. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa damit.

Napangiti siya sa nakita. Iyon ang isusuot niya. Inayos niya ang buhok ng pa-bun kaya walang kahit na anong sagabal sa litaw na likod niya. Nag-vibrate ang phone niya. Tinignan niya kung sino ang nag-text.

Napangiti siya.

See u.

See you too. Reply niya.

Hindi siya marunong mag-make up kaya nag-lipstick lang siya. Sinuot niya ang heels na dapat din ay sa graduation niya. Nang makuntento sa nakikita sa salamin ay nagpabango na siya at inayos ang gamit na dadalhin niya. Nang may kumatok sa pinto ng silid niya.

Binuksan niya iyon, ang kuya Alden niya.

"Kuya, bakit?"

Alam ng daddy at mga kapatid niya na may-date siya kaya sa bahay mismo siya susunduin ni Kerkie.

"Nasa labas na ang sundo mo, bunso." Ngumiti ito. "Ganda natin ngayon ah."

"Salamat, kuya." Sumunod na siya sa kapatid pababa. Pagkarating sa salas ay nakita niya si Kerkie. Kausap nito ang isa pa niyang kapatid at daddy nila. Hindi agad siya napansin ng mga ito. Sa tingin niya ay nakuha agad ni Kerkie ang loob ng pamilya niya. Nang lumingon sa kanya ang lalaki ay tila wala sa sariling napatayo ito. Napahalakhak naman ang kuya Alden niya sa tabi niya.

"He was smitten to you, lil sis. Sa wakas, may love life ka na. Baka siya na ang sagot para hindi na kami mangunsume kapag may dysmenorrhea ka."

Inirapan na lang niya ang kapatid. Nang makababa ay nilapitan niya si Kerkie.

Ngumiti ito.

"Shall we?"

Nakalahad na ang kamay nito sa kanya.

She smiled and hold his hand. If Kerkie was smitten to her. Paano pa siya?

Her heart is on the happy place.

***

UNANG dumaan ang araw ng graduation ni Sabrina. Sa susunod na araw pa kasi ang graduation ni Kerkie. Naka-schedule kasi ang bawat courses sa iba't-ibang araw. Dahil sa iba ang courses nila kaya hindi nagkasabay ang graduation nila. Hindi man nakapasok ito sa venue ay nasa labas naman ito at hinihintay matapos ang graduation niya. Magka-text silang dalawa ng binata habang patuloy na tumatakbo ang okasyon. Pinanonood nila ng mga kaibigan ang ilang schoolmate na naglalakad sa stage. Nang tawagin na sila ay nag-reply siya kay Kerkie na sila na ang sunod sa pila na aakyat.

Pagkababa ay nag-picture taking siya kasama ang pamilya pagkatapos ay bumalik na sa upuan nila. Nang matapos ang graduation ay lumabas na din siya agad. Nagpaalamanan na sila ng mga kaibigan dahil hahanapin rin ng mga ito ang kapamilya.

Nang makaramdam ng init ay tinanggal niya ang suot na toga. Tinawagan niya si Kerkie na palabas na siya. Ang sabi naman nito ay magkita na lang diumano sila kapag nahanap na niya ang ama at mga kapatid na kasama. Nang makita naman niya ito na naglalakad patungo sa ibang direksyon.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon