Twenty

299 14 3
                                    

NAKATINGIN lang si Sabrina sa laptop niya nang hapon na iyon.  Hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Kerkie dictating her life right now but she can't do anything about that.  Bigla ay nagbago ito at alam niyang kasalanan niya iyon. 

"We are all going to live in my house in Alabang.  After ako makilala ng mga bata uuwe na kayo sa'kin.  I also want you to resign, Sab.  Ayoko na nagtatrabaho ka pa samantalang kaya ko naman kayo buhayin."

Nag-angat ng tingin si Sabrina sa narinig.  He is asking her to resign?  Bakit pati iyon? 

Malamig na tumingin ito sa kanya.  Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang dibdib niya.  She worked hard on that position.  Pati ba naman...

"You can't say no,  you know that.  File an immediate resignation,  Sabrina.  I don't want to repeat myself."

With that,  he left her there.  Gustong-gusto niya magsalita pero parang wala siyang karapatan.

Magi-isang taon pa lang siya sa posisyon niya.  She love her worked and the people around her there.  Pero pati iyon ay gusto nito kunin.

Umuwe muna siya bago pumasok sa opisina. Sobrang nag-alala pa naman siya kay Nathan but his brother handle it already. Napailing na lang ang kuya Aldrin niya nang malaman na kasama niya si Kerkie.  Wala siyang sasabihin na kahit ano.  Hindi na nito kailangan malaman ang nangyari.  Ang mga gusto nito at ang mga pagbabago na magaganap sa buhay niya. 

Napabuntong-hininga na lang siya at tinitigan ang resignation na pinasa niya.  She already talk to the owner of the company. Nagulat ito pero ginalang ang desisyon niya.  Ang pamangkin nito ang magte-take over ng posisyon niya simula next week. Alam naman na nito ang pasikot-sikot sa kompanya.  Ito ang manager niya sa operation.

She sighed again.  Masakit lang sa kanya dahil kailangan niya gawin iyon dahil gusto ni Kerkie.  Isa pa,  baka kung nagmatigas ito ay kung ano ang gawin nito.  Ayaw niya pagsisihan iyon. Sana lang talaga ay tama ang desisyon niya. 

She texted him.  Til next week,  Kerkie.  I need to turn over everything before I go.

Nag-vibrate ang phone niya. Good. See you later I'll pick you up.  Ipakilala mo na ko sa mga anak ko.

She just sighed heavily.

***

WALANG imikan sina Sabrina at Kerkie sa sasakyan.  Sinundo siya ni Kerkie sa opisina niya tulad ng sabi nito.  Nakatingin lang siya sa labas the whole time.   Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o kung meron nga ba. 

"We will buy toys for them." Basag nito sa katahimikan. "I asked my secretary to deliver their favorite foods too. Tell me,  if I miss something."

Nilingon niya ito. Ni mukhang niya siya tinapunan ng tingin nito. 

"Just don't spoil them too much,  Kerk.  Ayokong lumaki ang mga bata na maluho." Malumanay na sabi niya. 

Saglit na tumingin ito sa kanya. He smirked. "I'm not going to spoil them.  Ibibigay ko lang yong mga pinagdamot mo sa akin."

Nanuot ang lalamunan niya.  Ito na naman sila.  Nag-iwas siya nang tingin at hindi na ito inimik.  Hindi nagtagal ay huminto sila sa mall.  Hindi na siya nagsalita nang halos hakutin nito ang lahat ng brats doll at kung ano-anong remote control na sasakyan.

Mabilis na umuwe din sila.  Hindi pa man siya nakakababa sa sasakyan ay nakita na niya ang nakaparada sa labas nila. Natigilan siya nang makita ang mascot ni Jollibee.  Masayang-masaya naman ang mga anak niya. Lalo na nang makita ang baby girl niya. May sauce pa ng spaghetti sa labi nito. 

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon