Fourty-One Part 1

235 15 2
                                    

SAGLIT na natigilan si Josephine nang makita niya hindi kalayuan sa kanya si Fernando, ang dating asawa. Nakaupo na ito sa wheelchair at kausap ang anak niyang si Aldrin. Fernando was her first love. Ito ang lalaking nagbigay sa kanya ng mga anak. Ang lalaking inalayan niya ng lahat mula nang minahal niya.

Inikot niya ang tingin sa loob ng kabahayan. Wala pa ring nagbago sa lugar na iniwan niya. It has been more than decade but the memories are still there. Naging masaya siya sa piling nito, kaya nga nagkaroon sila ng tatlong supling. Pero hindi pala sapat na mahal lang. Dahil hindi siya naging sapat.

Nang tumingin ito sa kanya ay nagkaroon ng emosyon ang mukha nito. Saglit na nagpaalam ito sa ama at nilapitan siya. Niyakap siya ng anak at hinalikan sa pisngi. Mula nang magkaroon ng komunikasyon ang pamilya nila ay naging maayos siya sa mga anak. Si Fernando lang naman ang hindi niya kinakausap. Marahan na lumapit siya sa puwesto ng dating asawa.

"Kumusta ka na, Nando?"

He gave her weak smiles. "Ikaw ba talaga 'yan, Josephine."

Tumango siya. Nakiusap ang anak niyang si Alden kung puwede siya dumaan sa bahay para makausap ang ama. Matagal na diumano nito gusto siyang kausapin pero ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob.

Matagal na walang umimik sa kanila. Ramdam niya ang titig nito pero ayaw na niya lumingon pa.

"Si Carlos..."

"Nasa labas at naghihintay." sagot niya.

"Patawarin mo ko, Josie." panimula nito. Hindi siya umimik kaya nagsimula ito. "Malaki ang pagkukulang ko sa'yo bilang asawa. Kung sana hindi ko kinarelasyon ang kapatid mo... sana buo tayo. Sana masaya pa rin tayo."

Nangilid ang mga luha niya. "Saan ako nagkulang, Nando?"

Sa tagal ng panahon ngayon lang niya nagawa itanong iyon. Sa loob nang maraming taon iyon ang bagay na hindi niya maintindihan. Naging mabuti siyang asawa at ina. Bakit siya niloko? Saan siya nagkulang?

"Naging si ina ka na lang sa mga anak ko." Nilingon niya ito dahil hindi niya naintindihan. "Hindi ko na naramdaman na asawa kita."

"Kaya kay Ashley mo kinuha ang mga pangangailangan mo?" hindi niya napigilan isumbat.

Nagbaba ito ng tingin. "Patawarin mo ko..."

"Dahil sa atin... sa akin nagkasakitan ang mga anak ko. Sabrina hurted Kerkie... my poor boy has broken for years, Nando. Hindi mo alam kung anong klase ng gulo ito dahil pati ang mga apo ko hindi nakilala ang ama nila. " Maisip pa lang niya na wala siya sa tabi ni Sabrina nang magbuntis ito. Nasasaktan siya. Sana nagabayan niya ito at natulong pero wala siya. Dahil hindi siya hinanap nito. Baka kung nagmakaawa ito sa kanya na bumalik siya ay baka iniwan niya si Carlos. Pero walang Fernando. Walang kahit na anino nito. Tila may bumara sa lalamunan niya. "Wala ko sa tabi ni Sabrina nang mga panahon na kailangan niya ko. Ni hindi ko man lang nakita ang paglaki ng mga apo ko."

"Hinanap kita... nang matauhan ako hinanap kita." ani Fernando.

Lalong bumukal ang mga luha niya.

"Pero masaya ka na... masaya ka sa piling ni Carlos. Mahal mo ang mga anak niya... natakot ako na masaktan kita kapag bumalik ako sa buhay mo."

Natawa siya ng pagak. Hindi niya matanggap ang sinabi nito.

"Galit na galit sa akin si Sabrina, Fernando. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na kamuhian ng sarili kong anak." sumbat niya.

Nagsimula na ito umiyak sa harap niya.

"Naging duwag ako. Ayoko mawala ang mga anak ko kaya hinayaan ko sila mag-isip ng masama tungkol sa iyo. Hindi ko sila tinama kahit kailan."

Nagalit siya sa narinig. Kung naiba ang pagkakataon ay baka nasampal na niya ito. Pero wala na silang magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nangyari. Hindi na nila mababago ang nakaraan pero kailangan nila ayusin ang kasalukuyan.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon