Twenty Nine

278 19 4
                                    

NANG maging maayos na ang pakiramdam ni Sabrina ay tinawagan agad niya ang mga kaibigan na si June at Ricky. Agad na nagpasundo siya sa mga ito at nang masalubong si Manang ay pina-impake niya ang gamit nila ng mga bata. Nagtataka man ay mabilis na sumunod ito sa kanya.

"Let's talk, Sabrina. Nagpapadalus-dalos ka na naman." May himig ng pakiusap na sabi ni Kerkie. Nakasunod lang ito sa kanya at hindi nagsasalita. Mukhang hindi na ito nakatiis nang sinabihan niya si Manang.

Lumingon siya at tinaas ang isang kamay hudyat na huwag itong sumunod. Nakuha naman nito ang senyas niya dahil huminto ito kaya bumaba na siya. Agad niyang nakita ang mga bata na kasama si Katherine. Nang makita nito na parating siya ay umasim ang mukha nito. Pero nang mapansin na walang emosyon ang mukha ay tumaas ang isang kilay nito. Wala siyang pakialam kung ano ang iniisip nito. Wala na siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay umalis sa lugar na iyon at lumayo sa kapatid nito. Kung hindi niya iyon gagawin ay mauubos siya. She felt shattered already. Hindi na niya hahayaan na pulbusin ng tuluyang ang puso at pagkatao niya sa poder nito.

"Okay ka na po, Mommy?" tanong ni Nathan nang makalapit sa kanya. Hinaplos niya ang buhok nito at marahan na ngumiti. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan magsalita pero hindi na talaga niya kaya manatili kahit isang araw pa doon.

Pumantay siya sa mga anak nang lumapit na rin si Nalena. While Kerra just staring at them. Alam niya na naintindihan nito ang mga sinabi niya kanina. Iiwan niya ang Daddy ng mga ito. Kailangan niya iyon dahil kung hindi baka hindi na niya kayanin.

"Help Nanay to pack your things." Mahina at malumanay na sabi niya sa mga ito. Ang tinutukoy niya ay si Manang, Nanay kasi ang madalas tawag ng mga ito. Mga walang muwang na nakatunghay sa kanya ang kambal. "M-Magbabakasyon muna tayo kina Tita Ricky."

"Ay, makikita ko na ulit si Baby Mara," inosenteng sabi ni Nalena.

Tumango siya. "We will be stay there for a while."

Napatayo mula sa pagkakaupo si Katherine dahil mukhang narinig nito ang huling sinabi niya. Sinabihan niya ang mga bata na pumunta sa silid ng mga ito. Nang umalis na ang dalawa ay inis na lumapit si Katherine sa kanya.

"What was that? Anong doon muna kayo? Aalis kayo?" Mahina pero may riin na tanong nito.

Walang emosyon na hinarap niya ito. Pagod na siya kay Katherine, kay Kerkie at Samantha. Kung hindi siya gusto nito wala na siyang pakialam. Kung magpakasal si Kerkie kay Samantha at buuin nila ang pamilya nila ay wala na rin siyang pakialam. Magsama-sama ang mga ito.

"Wala ka nang pakialam doon, Katherine."

Napakurap ito. "Ano kamo? Ang kapal ng mukha mo ipagdamot ulit ang mga bata sa kapatid ko."

Tumiim ang mga bagang niya. Namalayan na lang niyang umigkas ang kamay niya at dumapo sa pisngi nito. Nagulat ito sa ginawa niya kaya nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya. "How dare you!"

"Ikaw ang how dare you!" She hissed. Her heart racing so fast. "Huwag mong ipamumukha sa akin kung gaano kasama ang mga ginawa ko noon dahil sa totoo lang araw-araw ko pinagsisisihan iyon sa loob nang limang taon."

Binato niya ito nang masamang tingin. "My three weeks with him was pure hell. Anong akala mo sa piling ng kapatid mo, langit? Nakakaputang-ina kayong magkapatid. Magsama kayong dalawa."

Akmang gaganti ito nang mabilis na hinaglit niya ang kamay nito. "Pagod na ko sa inyo."

"M-mommy..." Mabilis na binitiwan din niya si Katherine nang marinig ang mga hikbi ni Kerra. Dinaluhan niya ang anak at kinandong ito sa kanya. Nawala sa isip niya na naroroon pa ito. Natakot yata niya ito.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon