Forty-Four Part 1

261 17 1
                                    

GABI na nang i-uwe sila ng Kuya Aldrin niya sa bahay. Nakatulog na nga iyong mga bata sa sobrang pagod ng mga ito. Wala kasing ginawa ang tatlo kundi makipagkulitin sa mga kapatid. Dumaan muna sila ng Jollibee at pinakain ang mga bata. Tuwang-tuwa na naman si Nalena. Halos kasama niya ang mga kapatid sa pagpapalaki sa mga bata. Sa sandaling panahon ay minahal rin ng mga ito si Kerra at wala na siyang mahihiling pa.

Naalimpungatan ang mga bata nang huminto sila.

"Bahay na tayo, Mommy?" Inaantok na tanong ni Nathan.

Tumango siya. Agad na ginising ni Nathan ang mga kapatid na babae. Humikab si Nalena nang magising ito at nag-stretch naman ng mga kamay si Kerra. Mabilis na pinagbuksan ni Nalena ang pinto ay nagmamadali na pumasok sa loob ng bahay.

"Salamat, kuya."

Tumango ito at ngumiti. "Whatever happens say yes, okay."

She arched her brows. "Weird ha,"

Tumawa ito.

Bumaba na siya at pumasok sa loob ng bahay. Natigilan siya nang mapansin na sobrang tahimik ng lugar.

"Mommyyy! Dali tito tayoo!" Tumakbo si Nalena sa kanya at kinuha ang kamay niya. Natatawang nagpatianod siya sa anak hanggang lumabas sila sa hardin.

Natigilan siya nang makita na puno ng red at white rose petals ang daan patungo sa may swimming pool. Bigla ay kumabog ang dibdib niya kaya inikot na niya ang tingin sa paligid. There are many
colorful lanterns and fairy lights hung anywhere. Scented candles where place in the side of the pathway. The scent of jasmine and honeysuckle creates romantic atmosphere around her.

Huminto siya nang makita si Kerkie hindi kalayuan at may hawak na bungkos ng bulaklak. Abot hanggang tainga ang ngiti nito.

"Mommyy! Dali lapit tayo!" Hinawakan muli ni Nalena ang kamay niya at hinatak. Tumakbo na rin sina Kerra at Nathan para kunin siya. Habang palapit ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya.

Tumigil ang mga bata sa paghatak sa kanya. Huminto sila sa harap nang ama ng mga ito na titig na titig sa kanya. Tila may bumara sa lalamunan niya habang nakatingin kay Kerkie.

"Sabrina..."

She gulped.

"K-Kerkie..."

Nilingon niya ang mga taong naroroon hindi kalayuan sa kanila. Napahikbi siya nang makita ang Mommy at Daddy niya kasama ang kuya Alden at si Ate Barbara. Mula sa labas ay pumasok ang kuya Aldrin din niya. Even Kerkie's Dad and Katherine was there.

It was a planned. Kaya pala nang mag-aya siya kanina sa kapatid ay ayaw pa nito umalis. Kaya pala busy ang mommy niya sa pagluluto kanina bago siya umuwe sa kanila. Kaya pala excited ang mga bata nang malaman na nasa bahay na sila. That is why his kuya talked in riddles earlier. They all knew it. Kerkie planned it.

She literally trembling. Pinagpapawisan rin ang mga kamay niya. Sa gulat niya ay lumuhod ito sa harap niya at may binuksan na kaheta. It was a silver diamond ring. Sa itsura nito ay mukhang mamahalin.
Her tears shed not because of happiness but on extreme fear. Paano kapag nalaman nito na nalaglag ang baby... gugustuhin pa rin siya makasama nito?

"Kerkie..."

"I don't want to waste any of my time. Marry me, Sabrina. I'll give you my world, my life and my love. Hindi ba nasabi ko sa'yo na hindi ako nakalimot at hindi naman nawala. Gusto ko kapag minulat ko ang mga mata ko ay ikaw ang una kon
g makikita."

Naging masagana ang pagluha niya.

"I want to spend my days with you and the kids. I want to raise Bennett..."

Hindi na niya puwede itago ang lahat. It will hurt him more. This is the hardest question of all, how can she tell him?

"Gusto ko maramdaman iyong mga hindi ko naranasan sa kambal. I'll try my best to be the baby's father. Sisiguraduhin kong hindi ka mahihirapan. Ako naman ang mag-aalaga sa baby natin like what you did to the twins."

He had this anticipation and love reflecting through his eyes. How can she disappoint him?

"Mamahalin ko kayo ng higit sa kaya kong ibigay."

She burst into heartbreaking cries. Tila may tumutusok sa puso niya. How can she said yes after what happen?

"Sabrina, love..."

Tumayo ito at akmang hahawakan siya nang humakbang siya patalikod. Umiling siya at walang salit na tinalikuran ang mga ito. Tumakbo siya palabas pero bago tuluyang makalayo ay napigilan siya ni Kerkie. Hinawakan siya sa mga braso nito at hinarap. Hindi niya magawa tignan ito dahil sa hiya.

"Love..." The sadness on his voice make it worse. "Masyado bang mabilis? You don't want yet to marry me... It's okay, Sabrina. I'll wait you once you are ready."

"I'm sorry..." Malat ng sabi niya.

"It's okay, I can wait--"

Umiling siya at nasapo ang tiyan. She wanted to feel again that tiny little thing inside her. She was four months and three days when she lost it.

One week and five days from now when she had the miscarriage.

"I-I lost it..."

Nagtataka na tumingin ito sa kanya. Partikular na bumaba ang tingin kung nasaan ang mga kamay niya.

"I l-lost our b-baby, K-Kerkie. Hindi na ko buntis..." Halos pabulong na sabi niya sa huling sinabi.

Pero alam niyang narinig ni Kerkie iyon dahil lumuwag ang hawak nito sa kanya.

"Sabrina..." His voice was cracked.

"Hindi ko sinasadya... I was too emotional... I was so angry... I don't think about the baby..." Nanghihina ang mga tuhod niya kaya napaupo siya sa sobrang pag-iyak. "I know it is all my fault, Kerkie. Alam kong hindi mo ko mapapatawad dahil naging pabaya ako. Ni hindi ko nga magawa tumingin sa'yo sa sobrang hiya..."

Humigpit ang kapit niya sa tiyan.

"Alam ko kung gaano mo kamahal ang batang iyon. Binigyan mo ng pangalan na hindi mo nagawa sa kambal. You emotionally invested your love and affection to my pregnancy. I can't hurt you...God knows I can't disappoint you..."

She keep on whimpering. Now he knows everything she hid from the day he came back. Tila natanggal na ang bigat na nararamdaman at pinakatatago niya. Pero napalitan naman agad iyon ng katakot-takot na pagdududa. Pagkatapos ba niyon ay matatanggap pa siya ng lalaki?

Walang salita na binuhat siya ni Kerkie at diniretso siya sa silid nila. Walang imik na umupo ito at sumandal lang sa headboard ng kama. He scooped her from his lap and caressing her back.

No words escaped from his lips. He was just there kissing her forehead and temple, and holding her hand. Lalo lang siyang nasasaktan sa ginagawa nito. Wala siyang kahit na anong ideya kung ano ang nasa isip nito.

Now, she wasn't sure anymore what future holds on them?

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon