Twenty Four Part 2

328 18 4
                                    

"MOMMY is lola pretty like me ba?" Nilingon ni Sabrina ang anak na si Nalena nang magsalita ito. Inayos niya ang buhok na tumakas sa mukha nito at inipit sa likod ng tainga nito. Nalena looks like Kerkie's girl version, kahit na sino ang makakita sa kambal na kilala si Kerkie ay hindi maitatatwa na anak nito ang mga bata. Nagbibiyahe na sila papunta sa bahay ng mga magulang ni Kerkie. Nauna na silang pumunta ng mga bata at susunod na lang siguro ito.

Hinaplos niya ang matambok na pisngi nito at ngumiti sa kanya. Lumabas tuloy ang dalawang walang ngipin nito sa harap. "Do you know that your second name was your lola's name." nakangiting sabi niya.

"Talaga po?" Nanlaki pa ang mga mata nito.

Natawa siya sa ka-cute-han nito. When she gave birth to the twins, Kuya Aldrin named her twin baby girl Nalena Josephine. Natunaw lahat ng kung anong negatibong emosyon sa puso niya sa pagdating ng mga ito. Doon na nagsimula humupa kung anumang galit niya bagkus napalitan ng hiya. How can she hurt someone she loves just to spite her mom? Pero bumalik lang sa kanya ang ginawa. Bukod sa sinaktan niya ang mga ito pati na rin ang sarili niya. The twins helped her to understand how to be a mother and to do so she needs to forgive her mom. Pero ano ba ang dapat niya ipagpatawad kung hindi naman ito ang nagsimula ng lahat?

"Mom, how about Daddy? Susunod ba siya sa atin?" Bumaling ang tingin nang lalaki niyang anak sa kanya mula sa paglalaro nito ng car toys na dala nito.

Ngumiti siya sa anak. "Oo naman. It's your Dad parents' house."

Napatingin na lang siya sa harap at napabuntong-hininga. Pagkatapos nang nangyari nitong mga nakaraan ay hindi pa sila nag-usap ulit. They were actually civil to each other for the sake of the kids.

Maybe it was her fault but she doesn't want it anymore--- not in the first place. Hindi niya kaya ipa-control ang buong buhay niya kay Kerkie para maging maayos sila. Nasasakal siya at hindi niya kaya ang ganoong setup nila. Ayaw niya mawala ang respeto niya sa sarili dahil kailangan niya sumunod sa kahit anong gusto nito kahit labag na sa loob niya. Nang hinatid siya kanina ni Kerkie ay walang imikan sa pagitan nila. Mas okay na siguro na ganoon muna sa ngayon.Kanina nang umuwe siya, ang driver ang sumundo sa kanya.They need both space to think and breathed-out. Naso-suffocate siya at tingin niya ganoon rin si Kerkie sa sitwasyon nila.

Hinaplos niya ang ulo ni Kerra na nasa kandungan niya. Mabilis na nakatulog ito sa kanya bago pa man sila makalayo sa bahay nila. Masaya siya dahil kumportable na ito sa kanya. Mukhang gusto rin naman ng kambal ito. Nang makarating ay sinalubong sila agad ng ama ni Kerkie. Mabilis na bumaba naman si Kerra nang magising at sinugod ng yakap ang lolo nito. Samantalang ang mga anak ay nahihiya pa lumapit sa matanda.

"You really look like your Dad," ani ng matanda at pumantay kay Nathan. Hinaplos nito ang pisngi ng anak niya at tumingin pagkatapos kay Nalena. "Come here, mga apo."

Lumapit ang dalawa at yumakap sa matandang Hernandez. Again she felt the lump in her throat the moment Kerkie's Dad face soften. Marami siyang nagawa na mali pero unti-unti niyang itatama iyon para sa mga anak nila. Naiiyak na natutuwa ang ekspresyon nito. "Where have you been all these years?"

"I'm sorry po," iyon lang ang tanging nasabi niya.

Tumingin ang matandang Hernandez at umiling. "I understand, hija. Hindi mo kailangan humingi ng tawad."

Nang inaya na nito ang mga bata ay naiwan siya doon. Iniisip niya kung darating pa ba si Kerkie.

***

"KERKIE, I thought you are on leave today? Bakit parang gusto mo magmukmok na lang dito sa boring na opisina mo." Ani ng kaibigan niyang si Daniel habang nakaupo ito sa couch ng opisina niya at nakataas pa ang mga paa. Hindi niya pinansin ito at tumingin lang sa relos niya, it is past 6pm. Kanina pa nandoon sa bahay nila ang mga bata at si Sabrina.

When he told his dad about the twins it makes him emotional.  Alam niya dahil ganoon rin ang naramdaman niya.  Hindi naman agad nag-demand ang ama na makita agad ang mga bata. Sinabi muna niya na aayusin muna niya ang sa kanila ni Sabrina para naman hindi mahirapan ang mga anak nila. Masyadong marami ang nangyayari at hindi basta ang adjustment ng mga ito sa biglang pagdating niya.

"Maaga ka kaya umuuwe simula nang tumira si Sabrina sa'yo. Why so sudden trouble in paradise, huh?" nang-aasar pa na tanong nito. Alas-tres pa lang ay umuuwe na siya para may time pa siya sunduin si Sabrina sa office nito.

Sa inis niya ay binato niya ito ng parker ballpen niya. Mabilis na nakaiwas naman ito sa kanya kaya lalo siyang nainis. Kung maloko si Wade, iba naman ang banat ni Daniel minsan. Nakapamulsa na tumingin ito sa kanya at tumaas pa ang isang kilay nito.

"Pikon ka ngayon, dude." Asar pa ni Daniel, prenteng umupo ito sa kabilang couch at pinulot ang ballpen niya bago tumingin ulit sa kanya. Nilaro nito sa daliri ang ballpen. "Not new if Sabrina is involved. Pero ang lihim n'yo talagang tatlo por que may mga babae na kayong sineseryoso."

He knew his friends have a lot on their plates too right now. Hindi na muna niya papansin ang mga ito dahil pati siya ay may problema din naman na iniinda.

Matalim na tinignan niya ito. "Bakit ba hindi ka pa umuwe kasya naman binu-buwesit mo ko dito."

"Then go home with your kids and Sabrina, Nash. Bumabalik ka na naman sa dating bisyo mo at hindi nakakatuwa makita 'yon." Seryoso ng sabi ni Daniel sa kanya.

Bumalik ang atensyon niya sa report na binabasa niya. For these past years, mas priority niya ang work higit sa ano pa man pero siyempre he makes time to be with Kerra. Nagtrabaho siya sa hotel chain ng pamilya nila sa loob ng dalawang taon pero hindi rin siya nagtagal doon. After ng graduation ng kapatid, naging trainee na si Katherine ng ama para pumalit sa posisyon nito sa oras na mag-retired na ito. Dahil sa galit niya sa stepmom niya binitiwan niya ang kompanya at lumipat sa kompanya ng kaibigan. Then Katherine fully take over the company, hindi na kasi kaya ng ama nila i-manage ang company dahil tumatanda na ito at gusto na lang magpahinga.

To be honest, ayaw niya umuwe. Hindi muna niya gusto makita si Sabrina pagkatapos nang nangyare kaninang umaga. Kapag naaalala niya ang sakit sa mga mata nito at ang mga impit na iyak nito bago niya iniwan ay nagagalit siya sa sarili. Galit nga siya kay Sabrina sa mga ginawa nito pero hindi naman niya gusto saktan ito.

Nitong mga nakaraan ay hinayaan naman nito kontrolin niya ang buhay nito. He felt so confident that he can make Sabrina agreed to him all the time. Gusto niya na siya ang may kontrol sa sitwasyon para hindi siya iwan nito. Para manatili ito sa tabi niya. He couldn't help it to demand on her. Natatakot na kasi siya na kapag pinagbigyan niya ito ay magkakaroon ulit ito ng pagkakataon na kumawala sa kanya. Masyado siyang mabait noon kaya saan ba sila dinala ngayon. Wade is right, dahil sa pagmamahal niya kay Sabrina kaunting bagay lang na magawa nito ay nasasaktan na siya. Kaya natuwa siya nang pumayag ito sa mga gusto niya. She agreed to quit her job, stay with him and the kids under the same roof and made love to him. But he ruined it this morning, hindi nga niya makilala ang sarili kanina. It is not him, hindi niya tatratuhin ng ganoon si Sabrina pero nagawa pa rin niya. Fuck him!

"I'm not, Daniel. Can you stop nagging me so I can concentrate?" Iwas niya sa usapan. Hindi na nito malaman ang mga nangyayari sa kanila ni Sabrina. Masyado ng kumplikado ang lahat at ayaw niya madagdagan pa ang mga komplikasyon na iyon.

"Your team has done it very good so far, Kerkie. Alam mo na alam ko na hindi mo na need i-review ang proposal na 'yan dahil approved na ni Dunhill." Hindi papapigil na sabi pa nito.

He hates most of the time this friend of him. Kung babae lang siguro ito daig pa nito ang kapatid niyang si Katherine. Hindi na niya pinansin ito at binalik ang tingin sa harap. Tinignan niya ang oras sa laptop niya, ilang minuto na lang at six thirty na. Hindi na siya nakatiis. Maybe he needs to go home and be with his family.

Nag-angat na siya ng tingin. "You won, Daniel. Get the hell out of my office now, will you?"

Nakangising lumabas ito ng office niya.

He sighed in annoyance.

+++

Thank you for reading, please follow me and vote each chapter!

Follow me in my Dreame Account: SweetLittleGrey

Very much appreciated your votes and comment. Adios!

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon