Twenty Seven Part 2

255 16 2
                                    

IT HAS been more than a week the last time they talked. Mula niyon ay hindi na nila pinag-usapan ang lahat. After they talked he stormed out to the room. Hindi niya ito sinagot sa tanong nito na "Is he not worth fighting for" dahil hindi rin niya alam kung sasagot siya ng oo dahil sinisigaw ng buong sistema niyang hindi. The way he treated her this past week and those words she heard is enough to stop whatever they had right now. Hindi siya martir, lalo na ang isiksik ang sarili niya dito samantalang hindi na siya mahal.Nasaktan rin naman siya, hindi lang naman ito. Tatanggapin na lang niya na hindi nga talaga siguro sila para sa isa't-isa. Baka nga hindi talaga sila.

Nilayo na ni Sabrina ang sarili kay Kerkie para wala ng gulo. They were civil to each other now. Hindi na rin niya binibigyan pansin ang mga ginagawa nito. Mas focus na siya sa mga bata. Ganoon lang sila walang imikan na dalawa. Ni hindi nga sila nag-uusap. Magkakatinginan lang sila at iiwas. Mas mainam iyon kaysa magsumbatan na naman sila.

Hindi rin siya sanay na walang ginagawa ngayon. She quit her job for the sake of Kerkie's damn rules. Umalis siya sa poder ng ama at hinayaan siya tratuhin na parang bayarang babae. Hindi ito ang buhay na gusto niya. Lalo sa piling ni Kerkie. But she agreed to everything just to pleased him. Pero wala talaga.

Nag-bake na lang siya ng cookies para sa pagdating ng mga bata ay may makain ang mga ito. Nalena loves pastries kaya inaral niya ang paggawa niyon.

Nang tumunog ang doorbell ay siya na mismo ang nagbukas ng gate sa bisita. Nagulat pa siya nang makita ang kaibigan ni Kerkie na si Daniel. May bitbit pa itong mga envelop.

"Pasok ka," aya niya, sumunod ito sa kanya sa loob.

"Where's Kerk?"

Nilingon niya ito. "Hindi ba siya pumasok?"

Tumaas ang kilay nito. "He's not here? But he has been absent for almost one week. He didn't went to office to report or reply to our emails. Ni hindi ko nga alam na nag-leave ang lalaking iyon."

Siya naman ang nagtaka. Araw-araw ay umaalis ito at babalik din ng hapon. Kung ganoon saan ito pumupunta? They never been talked so she knew nothing.

Daniel took a long deep breath and looked at her knowingly. "Did you two fight?"

Nag-iwas siya nang tingin. "H-hindi naman malala."

"Kung hindi busy sa trabaho ay hindi naman nagpapasok." Napatango ito at napapalatak. "Maybe he is thinking and digesting everything right now. Don't be hard on him."

He sighed. "Alam kong wala ko sa posisyon para magsalita para kay Kerkie pero hindi madali ang lahat ng ito, Sabrina. For the past years, he did everything to be okay. Kerkie's life is so perfect before you came, I dreamed to have a mother like your mom. The way your mom loves them made me envy him. Pero lahat iyon nasira dahil sa koneksyon mo kay Tita Josie. It is really hard for him."

Sa totoo lang pagod na siya makinig sa lahat nang sasabihin ng mga ito tungkol kay Kerkie.

"Did he told you before that you are his first true in everything?"

Hindi siya umimik pero tanda niya iyon. When he kissed her and make love to her. Napangiti siya nang maalala ang dating Kerkie na kilala niya.

"Noong college tayo naghahabulan kami sa paramihan ng babae pero nang makilala ka biglang nagbago." Daniel starting to laugh. "Jeez, halos itulak noon ang mga babaeng lumalapit sa kanya kasi sa takot sa'yo. He really loves you back then."

Her smiles turned into smirked. Hindi na kasi siya ngayon.

"Alam mo sa aming magkakaibigan si Kerk ang mas transparent sa kung ano ang nararamdaman niya. Madali siyang mabasa pagdating sa'yo kaya sobrang laking impact na naman nitong pagbalik mo sa buhay niya. Sometimes he made stupid things because of you. Just be patient to him, Sabrina."

Napalunok siya. Sinubukan alisin ang namuong bikig sa lalamunan. This is the first time she heard someone not blaming her. Na pinaiintindi nito kung saan din ang pinanggalingan ni Kerkie.

"Alam kong sobra-sobra ang hinihingi ko sa kanya pero gusto kong itama ang lahat. Gusto ko maging maayos kami pero ang hirap lang. Sa araw-araw pakiramdam ko pinamumukha ng lahat at nang pagkakataon kung gaano ko naging masama sa kanya." A tear escape on her eyes. "But I deserve to be treated right, 'di ba? Nasasaktan rin naman ako sa sitwasyon namin. Nahihirapan ako pero mahal ko kasi siya."

Napakamot ito sa likod ng ulo nito. "Naku po, napaiyak kita. Dali ko kay Kerkie nito."

Umiling siya. "Okay lang, pero thank you. I'll try my best to understand him again."

Tinapik nito ang balikat niya. "Tahan na, magiging maayos din ang lahat sa inyo."

Tumango siya. Nang marinig niya ang boses nang mga bata ay mabilis na pinahid niya ang luha. Nang makapasok ang mga ito ay may ngiti na sa mga labi niya.

"Mommy!" Sigaw ni Nathan at mabilis na yumakap sa kanya. Kasunod nito ang dalawang batang babae.

Manghang nakatingin lang si Daniel kay Nathan.

"Ninong Dan!" Kerra's exclaimed.

Tumakbo pa ito sa lalaki at nagpakarga. Mabilis na kinarga nito ang bata at hinalikan si Kerra. "How are you baby girl? Tagal din kita hindi nakita."

Humagikgik lang ito at yumakap sa lalaki. "Okay naman po. Marami nga po kong stars eh, look oh." Pinakita nito ang mga nasa kamay nito.

Ngumiti si Daniel. "Very good naman."

Kaka-start pa lang naman ng pasok kaya minabuti nilang ilipat si Kerra sa school ng mga kapatid para magkakasama ang mga ito. Kerra is a smart kid and friendly too, hindi naman ito nahirapan sa pakikisama sa ibang bata.

"Marami rin naman aking stars! Pabida ka na naman. " bilang sabat ni Nathan.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Kailangan pa natuto ito ng ganoon?

Bumalik ang tingin nito sa mga anak niya. Nasa tabi na niya si Nalena, nakatingala ang dalawang bata kay Daniel. Tumingin ito kay Nathan na nakangiti.

"Kamukhang-kamukha nga. Hindi mapagkakamali." anito at ngumiti sa mga anak niya.

"I'm Daniel, your Dad's friend. Inaanak ko rin itong pretty baby dito."

Humagikgik na naman si Kerra kaya napangiti siya. Daniel must be a good guy.

"'Di naman siya pretty." Ani pa ni Nathan.

Nakasimangot lang si Kerra pero natawa naman si Daniel.

"Nathan, ano 'yan?" Tawag niya sa anak, malungkot na tumingin ito sa kanya at humingi ng tawad.

Hindi ito dapat ganoon kay Kerra, they will raised as siblings. Kapag ayos na ang lahat gagawin niyang legal ang adoption ni Kerra as her mom kung-- magiging maayos pa sila ni Kerkie. Pero kung hindi ayos lang din na tawagin siyang mommy nito. Kerra will be always be her child.

Binaba na ni Daniel si Kerra at pumantay sa mga anak niya.

"You can call me Tito Dan, bata pa lang kami ay kaibigan ko na Daddy n'yo." Tumingin ito kay Nathan. "Kamukha mo siya sobra."

"Ako po si Nalena," pakilala ng babae niya.

Nagtago si Nathan sa likod niya pero sumagot din. "Nathan po,"

Ginulo nito ang buhok ni Nathan at bahagyang pinisil ang pisngi ni Nalena.

"Daniel." Napatayo si Daniel at napatingin sa bagong dating. Ganoon rin siya na mabilis na nag-iwas nang tingin ng masalubong ang mga mata nito.

Nagsilapitan ang mga bata kay Kerkie at niyakap ito.

***
Hi, this is supposedly to be posted yesterday, pero sumama ang pakiramdam ko. (Wala kong COVID, ha! Hahaha) Balikan kasi ko ng Lemery, Batangas kahapon kaya napagod ako sa biyahe. Anyway, since nasa Twenty chapters na ito, I think aabot ito ng 40's so sabi ko nga, marami pang ganap.

I'll not spoiled you but maguguluhan din kayo sa mga next chapters hahaaa.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon