Fourty

218 12 1
                                    

BINUNDOL ng kaba ang dibdib ni Sabrina nang may marinig siyang tila bangganan ng kung anong ingay sa kabilang linya ni June. Sinubukan niya tawagan ito pero hindi na niya ma-kontak ito. Ilang beses niya sinubukan pero cannot be reach na. Napahawak siya sa dibdib dahil hindi mawala-wala ang kaba niya. Natatakot siya baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan.

"Aba Sabrina, namumutla kang bata ka." ani Manang nang makita ang itsura niya.

Nawalan ng kulay ang mukha niya. Inalalayan siya ng matanda umupo dahil pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya. Saglit na umalis ito para kunan siya ng tubig.

Pinakalma niya ang sarili at humugot ng ilang buntong-hininga. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya si Marlon pero hindi rin ito nasagot sa kanya. Ilang beses niya ito tinawagan pero wala pa ring sumasagot.

Napaiyak na siya sa pag-aalala. Alam niya ang narinig at baka kung napaano na si June.

Bumalik si Manang at inabot sa kanya ang isang baso ng tubig. Nanginginig ang mga kamay niya kaya ito na ang nagpainom sa kanya.

"Ano bang nangyari, anak? Kumalma ka at baka mapaano kayo ng dinadala mo." ani Manang at hinawakan pa siya sa braso.

Humugot siya nang ilang buntong-hininga dahil tama ito. Baka mapaano ang anak niya kung hindi siya kakalma. Uminom ulit siya ng tubig at tinignan ito. Hinagod nito ang likod niya para tuluyan siyang kumalma.

Nang marinig na niya ang ingay ng mga bata ay nagpanic siya. Ayaw niya makita siya ng mga ito sa ganoong estado.

"Manang, kunin ninyo po muna sila. Ayokong makita nila kong ganito baka magsumbong ang mga bata kay Kerkie."

Kahapon ay umalis si Kerkie sa business trip nito. Kapag napakuwento ang mga bata na nakita siyang umiyak ay baka bumalik agad ito. Ayaw naman niya maging istorbo.

"Osiya, siguraduhin mong kakalma ka. Hindi maganda ang itsura mo, Sabrina."

Tumango siya kaya iniwan na siya ng matanda. Ilang beses niya iwinaksi sa isip ang narinig. Baka kung ano lang iyon at maayos naman si June pero hindi niya mapigilan. Si Ricky na ang tinawagan niya.

"What? Baka kung saan mo lang iyon narinig, Sab. Birthday ni Jess ngayon kaya hindi aalis ng bahay sila Marlon at June." ani Ricky nang ikuwento niya ang narinig sa kabilang linya nang mawala si June. Sinabi rin niya na hindi niya ma-contact ang phone nito.

"Hindi ko alam Ricky... pero alam ko ang narinig ko." nanginginig ang boses na sabi niya.

Sinubukan naman niya ang kumalma pero hindi niya mapigilan ang mag-alala. "Okay, hang on right there. Malapit na kami sa kanila. Sab, please calm down. Don' t stress yourself. Buntis ka kaya huwag ka mag-isip ng kung ano-ano. Kumalma ka."

Nag-aalala na paalala nito sa kanya.

Nag-end ang call na iyon ni Ricky at hindi pa rin siya mapanatag. Inayos niya ang sarili at nakita ang mga batang nakabihis na. Pupunta sila sa birthday party ng anak nina June at Marlon na si Jess.

Dumiretso siya sa telephone para tawagan ang landline sa bahay ng kaibigan pero wala ring sumasagot kaya mas kinabahan siya. May nangyayari at hindi niya alam kung ano.

"Mommy, aalis na po ayo?" tanong ni Nalena nang lumapit siya sa mga ito.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Aalis muna si Mommy, okay
Babalik rin ako agad."

"Saan ka po pupunta?" tanong ni Nathan at lumapit na rin si Kerra.

Titig na titig si Kerra sa kanya kaya umiwas na siya ng tingin. Baka mahalata nito ang pag-iyak niya.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon