Fourty-One Part 2

242 16 2
                                    

SPOILER ALERT!

SA READERS KO SA "TAMING THE HEART OF STONE" ALAM N'YO NA...

****

SABRINA woke up and she feel different. Alam na niya kung bakit pero hindi pa rin tuluyang pinopo-proseso ng utak niya. Tila manhid ang pakiramdam niya. Nilingon niya ang bulto sa may gilid niya. Nanlalabo man ang mga mata ay nakilala niya agad ito.

"Katherine..."

May tipid na ngiti itong lumapit sa kanya. "How are you feeling?"

"Hindi ko alam..." Inamin niya ang totoo. Nang unti-unting ma-proseso ng utak niya ang huling nangyari. She was bleeding and her baby...Sam rushed her on the hospital... she lost consciousness...

"K-Kat..."

Hinawakan nito ang mga kamay niya. She shown her an sympathetic smile. "You will get through this."

"A-Ang baby ko..."

Wala sa loob na hinawakan niya ang ibabaw ng tiyan. Ngayon alam niya kung bakit may kakaiba sa kanya nang magising siya.

Napasinghap siya. "Hindi naman 'di ba..."

"It's okay, Sabrina. It's okay..." alo nito sa kanya.

Wala man itong sabihin, ramdam niya. Wala na iyong baby na dinadala niya.

"Oh God..." She cried. Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. "Ang pabaya ko... wala kong kuwenta..."

"Don't say that,"

"D-Dapat nag-ingat ako. D-Dapat inisip ko ang b-baby ko." nanginginig na sabi niya. She lost her baby... it is because of her. Buntis siya pero hindi siya nag-ingat. Hindi niya inisip iyong batang nakadepende sa kanya.

"Oh God, Katherine." Niyakap siya ni Katherine na naiiyak na rin. Nanlalambot ang pakiramdam niya pero hindi niya napigilan ang umiyak ng umiyak. Wala na siyang lakas pero sobrang sakit.

"Sshhh... everything gonna be fine, Sabrina. Please stop crying." Hinagod ni Katherine ang likod niya.

Isipin pa lang niya. Kerkie will be heartbroken once he found out what happen to the baby. He will hate her for not taking care of herself. Kerkie will never forgive her this time... Ano ang gagawin niya ngayon?

"K-Kerkie... I'll hurt him again. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko..." paulit-ulit na sabi niya sa sarili.

Katherine cupped her face and looked at her. "It was an accident, Sabrina. No one what's  it nor expected it. Huwag mo sisihin ang sarili mo."

She bit her lips to suppressed her cries. How can she face Kerkie now? Mahal na mahal nito ang batang dinadala niya. Sa oras na malaman nito na naging pabaya siya ay mamumuhi ulit ito sa kanya. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya magalit ito.

"K-Katawan ko ito kaya dapat nag-ingat ako. Dapat inalagaan ko ang sarili ko. Masama akong ina, buntis ako pero hindi ko inalagaan ang baby ko..." wala sa loob na sabi niya.

"I'll tell you my darkest secret, Sabrina." Katherine lips trembled when she said those.

Tulad niya ay punong-puno ng luha ang mga mata nito.

"I lost my baby years ago..."

Nagulat siya.

"You're not a bad mother because you raise the twins and loved Kerra unconditionally..."One tear escape on her eyes." I am. Am the bad mother... I got an abortion when I found out I was pregnant. Hindi ko kaya ang responsibilidad. I was too young back then to be a mother. I have so many dreams for myself. I need to take kuya's place because Dad need to retired."

"Kat..."

"I aborted it because I can't be hindrance to its father's happiness. I can't take away him from the only thing makes him whole..."

She catch her breath. Nakatitig lang siya sa mukha nito. They both cried.

"But every fuckin' day I regret I aborted my child, Sabrina. There are so many what if's in my life if I keep my baby. If I raised him or her. Ang dami-dami kong what-ifs."

"Katherine, I'm sorry..."

"I killed my own child, Sabrina. Napatawad ko ang sarili ko kaya ikaw din. Hindi mo ginusto mawala ang bata.  Baka hindi lang talaga siya para sa atin..."

Ang dami-dami rin nang pumapasok sa isip niya. Ngayon alam na niya kung bakit may nakita siyang lungkot sa mga mata nito nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam magbuntis. Because she lost one. 

"The father..."

"Sa oras na malaman niyang buntis ako iiwan niya ang taong nakakapagpasaya sa kanya. Hindi ko kaya agawin iyon sa kanya. Masyado ko siyang mahal para piliin niya ko... ayoko ng pagmamahal na pinipilit... ayoko maging second choice." He gives her a weak smile. "He will marry the love of his life back then. Sino ko para hadlangan ang kaligayahan niya."

She was eyeing Katherine all these time. Sobrang lungkot ng mga mata nito. Nawala ang kilalang aura niya ng kapatid ni Kerkie.

"Kerkie know that..."

Umiling ito. "No one knows except Mama. Nasa tabi ko siya nang mga oras na bagsak na bagsak ako."

Pinisil nito ang mga braso niya. "You see, I had my flaws. Kung ayaw mo ipaalam muna kay Kuya ang nangyari ay susuportahan kita. I'll be here for you, Sabrina. Like Mama did when I was on my darkest times."

Niyakap siya ni Katherine. "You will get through this, Sabrina."

Her tears fell. Hindi parin niya alam kung ano ang gagawin.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon