Thirty Two

292 15 1
                                    

"BASED on your results, you're three weeks pregnant." Nakangiting sabi ni Dr. Galvez sa kanya. Mukhang nasa 40's na ito pero maganda pa rin. Hindi niya napansin pero ilang linggo na rin siyang delayed kaya kalaunan ay naniwala na siya kay Kerkie. Well, at first she was skeptical pero ganoon rin naman siya sa kambal. Wala siyang naramdaman na kahit ano until her two months to the twins.

Napangiti si Sabrina at hinaplos ang tiyan. There is another angel growing inside her body. Kung kakalkulahin niya mabuti, she got pregnant the first time they made love. It was the time he was so gentle though he was drunk.

She sighed.

"Does the father knew you were pregnant?"

Nag-angat nang tingin si Sabrina sa doktora.

"Ho?"

"Mukhang malungkot ka, nasabi mo na ba?" Tinanggal nito ang gloves at bumalik sa lamesa nito. Kanina ay nagsagawa ito ng transvaginal ultrasound para malaman kung may heartbeat na ang baby niya. Tumayo na siya at sumunod rito. Umupo siya sa tapat nito.

"Kumplikado po kasi ang sitwasyon namin."

"But you had twins, right? Same father?" usisa nito.

Tumango siya. Bakit kasi niya ide-deny?

"Naku, dapat pakasalan ka na niyan at tatlo na ang magiging anak n'yo. Bakit kasal na ba?"

Umiling siya. "Hindi po sa akin pero malapit na siguro,"

Napasinghap ang doktora. "Ay gago! Tapos buntis ka na naman ngayon?"

Napangiwi siya. Medyo naiilang na siya sa topic nila. Mukha naman itong mabait pero hindi siya kumportable i-share ang tungkol sa buhay niya. Tila napansin naman nito iyon dahil ngumiti ito at iniba ang topic.

"Don't mind me, hija. Minsan talaga matabil ang dila ko pagpasensiyahan mo na ko."

Pilit siyang ngumiti. Kapagkuwan ay niresetahan siya nang doktora ng mga vitamins na puwede niya inumin. Nag-set rin ito ng another appointment nila. Nang matapos ay nagpasalamat na siya at umalis na rin. Kailangan niya sunduin ang kambal. Sakto pagkarating niya sa school ng mga ito ay palabas na ang mga bata.

It has been three days, nang mag-alsa balutan sila ng mga anak niya. Ginalang naman ni Kerkie ang desisyon niya dahil hindi ito pumunta kina Ricky para sunduin siya. Nagtanong lang ito sa text kung nasaan sila pero hindi ito nagbalak sunduin o kunin sila. Mabuti nga at marunong na ito makinig. Hindi na nito ipinipilit ang mga gusto sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa schoolm Pi-nark niya agad ang kotse at pinuntahan ang mga bata. Ito ang unang beses niya makikita ulit si Kerra. Miss na niya ang batang iyon, sana lang ay hindi na ito galit sa kanya. Malapit na siya sa room ng mga bata nang makita niya si Abby-- ang taga-alaga at tutor ni Kerra. Mula nang tumira sila sa bahay ni Kerkie dalawang beses lang nito pinuntahan si Kerra.

Nang makita siya ay lalong bumagha ang takot at pag-aalala sa mukha nito. Nakita niyang patakbo sa kanya si Nalena at tila paiyak na. Doon siya nakaramdam ng kaba.

"Mommy, si Ate Kerra nawawala po?"

Napakurap siya sa narinig. Lumapit siya kay Abby na mukhang paiyak na.

"Ano'ng nangyare? Nasa'n si Kerra?"

"Hindi ko po alam Ma'am Sab, kanina nakita ko pa naman siya sa may gate mukhang inaabangan kayo. Paglingon ko wala na po siya."

Nagsimula na siya mag-alala kay Kerra. Baka kung saan na napadpad iyong bata. Kinausap niya ang kambal na huwag hihiwalay kay Abby. Mabilis na nilapitan niya ang guard at tinanong kung may napansin itong batang babae. Minuwestra pa niya ang itsura nito para madali mahanap.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon