Thirty

298 21 3
                                    

THOSE WORDS break Sabrina's heart. Siguro nga hindi niya anak si Kerra pero nitong mga nakaraan ay natutunan niya itong mahalin mula sa puso niya. Like how she loved the twins. Siguro ganoon ang pakiramdam ng mommy niya kina Kerkie at Katherine. Loving them like her own flesh and blood.

She took a deep breath and lovely looked at her Kerra.

"I understand, anak. But you can came with us anytime." Masuyong sabi niya. Akmang lalapitan niya ito nang sinubsob nito ang mukha sa leeg ng ama nito. Tumayo na si Kerkie at binuhat si Kerra sa bisig nito.

"Hindi ko na ipipilit na isama siya." Binasa niya ang ibabang labi at pilit na ngumiti. "Pero hindi mababago ang desisyon ko. Aalis kami ng kambal."

Narinig niya ang mahinang mga hikbi ni Kerra. Gusto niya aluin ito muli pero baka lalo lang niya masaktan ang bata. Hinagod ni Kerkie ang likod ni Kerra at hinili ito.

Truth to be told, wala siyang masabi sa pagiging ama nito sa mga bata. Pero kung sila ang pag-uusapan? May lamat na talaga at hindi niya alam kung maaayos pa nila iyon.

"I need time, Kerkie. I hope you understand. Hindi ko ipagdadamot ang mga bata. Puwede mo sila bisitahin  kapag gusto mo." Malumanay na sabi niya, malungkot ang mga mata na nakatingin lang sa kanya si Kerkie. Bakas pa sa mukha ang mga luha ng huli. "But this... Us. We won't work out anymore. Hindi ito ang gusto kong kalakihan ng mga bata."

Tinignan niya ang likod ni Kerra na nakasiksik ang mukha sa leeg ni Kerkie. "Nasasaktan sila sa ganito kaya mas mabuti na huwag na muna natin ipilit."

Kerkie didn't say a word. Sinubsob lang nito ang mukha sa balikat ni Kerra. Nasasaktan siya na tila sa isa't-isa nito kinukuha ang lakas ng loob. Kinuha na niya ang luggage ng mga anak. Naabutan siya ni Manang na pababa kaya tinulungan siya ng matanda ibaba ang gamit.

"Nariyan na sila Ma'am Ricky at June." Ani Manang habang katulong niya na ibaba ang bagahe.

Tumango siya. "Ang mga bata po?"

"Kasama na nila," sagot nito.

Nang makita niya sa bukana ng living room si Ricky at June. Kasama ng mga ito ang asawa. Mabilis na nilapitan siya ng mga kaibigan at kinuha ni Conrad-- asawa ni Ricky ang bagahe na dala nila ni Manang. She tried to smiled to them but it turns out to be smirked. Hindi kasi siya okay pero sinusubukan niya.

"It's okay, Sab. Nandito na kami." Niyakap siya ni RIcky at hinagod ang likod niya.

She tried to suppress her sob but she couldn't. Ayaw niya nitong nangyayari pero hindi na niya kaya talaga. Walang kahit na anong salita na sinabi si June pero hinawakan nito ang mga kamay niya. Naiwan ang mga bata kay Marlon-- asawa ni June.

"Bakit naiyak na naman po si Mommy, Tito?" Inosenteng tanong ni Nathan.

Ginulo nito ang buhok ng anak niya. "Masaya lang ang mommy n'yo makita ang mga Tita mo."

Tinignan niya si Marlon at ngumiti. Alam niya na malaki ang pagpapasalamat niya sa lalaki. Mula nang una ay tumulong na ito sa kanya makita muli si Kerkie.

"You can't leave with the twins, Sabrina. Hindi ko hahayaan na ilayo mo na naman ang mga anak ni kuya sa kanya." Bigla ay sulpot ni Katherine.

She can't deal with her anymore. Hindi na niya ito pinansin.

Humarang si June sa daraanan nito. "You can't decide for them. Si Sabrina ang nanay siya ang magdedesisyon kung ano ang tama para sa mga anak niya."

"Anak nila ng kapatid ko?"

Nilayo na ni Marlon ang mga bata at nilabas. Akmang susunod si Katherine nang pigilan ni June.

"Alam mo, sabi ni Marlon sa akin mabait ka naman daw. Pero sa nakikita ko ngayon, you're a real bitch. I hope makatulog ka nang mahimbing dahil puro galit na lang ang laman ng buong katawan mo."

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon