"ARE you done packing?" Nilingon ni Sabrina ang kuya Alden niya na nakatayo sa pinto ng silid ng mga anak niya. Ngumiti siya at sinilid sa luggage niya ang ilang gamit na naiwan ng mga bata. Susunduin sila ni Kerkie mamaya. Nakapunta na siya isang beses sa bahay nito nang una niya makilala si Kerra. Iniisip rin niya ang batang iyon, matatanggap kaya nito ang mga anak niya? Ayaw niya isipin nito na aagawin ng mga bata ang Daddy nito.
Ngumiti siya. "Nand'yan na ba siya sa baba?"
Umiling ito at lumapit sa kanya. Umupo ito sa kama. "Tinakot ka ba niya na kukunin ang mga bata kung hindi ka titira kasama siya?"
Napabuntong-hininga siya. Gulo niya ito, hindi niya isasali ang kapatid.
"Hindi. Desisyon ko ito para sa mga bata. Ayoko lumaki sila na hindi nila kasama si Kerk." Half of that is true, gusto niya makasama ng mga ito si Kerkie. Sigurado siya na magiging mabuti itong ama. Like to Kerra, she adored that kid so much kahit hindi galing sa kanya. Anak ito ni Kerkie, tanggap niya ito ng buong puso.
"Kung payag na si Aldrin at Dad, hindi pa rin ako kumbinsedo dito, bunso." Ani ng kuya niya at ginulo ang buhok niya. Nakapagpaalam na rin siya sa Daddy niya at pumayag naman ito agad. Nilingon niya ito at sinuntok sa tuhod. "Kuya naman, hindi na ko bata hah."
Tumawa ito. "Alam ko, pero mami-miss ko ang mga bata."
"Mami-miss ka rin namin, Deden." Ginawa niya kung paano tawagin ng kambal ang kapatid. Mula bata pa ang mga ito ay consistent na ang tawag ng mga kambal rito at sa kapatid niya. It sounds funny pero tila endearment na iyon sa mga kapatid niya.
"Si Kerkie na ba ang susundo ng dalawa?" ani ng kapatid.
Nagpaalam si Kerkie sa kanya na susunduin ang mga bata sa school ng mga ito. Kinder na ang kambal at si Manang lagi ang nasundo sa mga ito kapag nasa trabaho silang lahat. Isasama din niya si Manang dahil hahanapin din ito ng mga anak niya.
"Malapit na agad ang loob ng dalawa sa kanya. Masaya ko dahil hindi ko nahirapan na paglapitin sila." Sabi niya sa kapatid.
Unti-unting nababago ang buhay ni Sabrina bawat araw na dumaraan. Kerkie is controlling her around but she can't complain. Lahat ng gusto nito ay susundin niya labag man o hindi sa loob niya. Ito lang ang nakikita niyang paraan para kahit paano ay makabawi at humupa ng kaunti ang galit nito. She wants her old Kerkie back. Iyong mahal na mahal siya.
Tinapik siya ng kapatid sa balikat at umalis na. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang boses ni Nathan. Ito talaga ang pinakamaingay at bibo sa dalawang bata. Napatayo siya nang makita na tumatakbo ito patungo sa kanya.
"Nathaniel, be careful." Paalala niya.
Sumugod ito ng yakap sa kanya at pinakita ang braso niya. Tinuro pa nito ang mga star marks sa kamay nito. "Look Mom, I got 2 stars."
She smiled widely. "Galing naman ng baby boy ko."
"Sabi ni Daddy, mana daw ako sa kanya." Pagmamalaki nito.
Tumawa siya. "Oo naman. Lahat halos, anak."
Inosente itong tumingin sa kanya. "Mahal mo po ba siya?"
Tinignan niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tulad ng pagmamahal ko sa inyo. Bakit mo naitanong?"
"Tinanong kasi ni Len-Len si Daddy kanina kung bakit ngayon lang namin siya nakilala. Ang sabi ni Daddy, nagalit ka daw sa kanya kaya nawala siya pero ngayon bati na daw kayo. Hindi mo ba siya love kaya nagalit ka sa kanya?" inosenteng tanong nito, petname ni Nalena ang Len-Len.
Napalunok siya. Hindi dapat sinabi iyon ni Kerkie sa mga bata.
"H-Hindi por que nagalit si mommy kay daddy ay hindi ko na love ang daddy n'yo. Mahal ko siya anak at hindi mababago iyon kahit ano ang mangyari." Ginulo niya ang buhok nito. "Tara na, gusto mo ba makita ang kuwarto mo sa bahay ng daddy?"