Eight (Part Two)

551 17 1
                                    

***

PAGKATAPOS kumain nila Kerkie at Sabrina ay umalis din sila agad sa fast food chain. Pinigilan niya ang sarili matawa nang makita kung paano tignan nito ang mga estudyante na nakatingin sa kanya ng huli. May nagbaba nang tingin at ang iba ay sa ibang direksyon tumingin. Hinawakan niya sa braso si Kerkie para makalabas na sila. Nang makalabas ay pinakawalan na niya ang tinitimping tawa.

"Tinakot mo 'yong mga bata. God, Kerkie they looked high school students."

Umismid ito. "Bata? Kung wala nga siguro ko baka pinormahan ka na ng mga 'yon."

Naglakad na sila palapit magkasabay. "Grabe, seloso ka pala."

Huminto ito at hinarap siya. "Hindi ako nagseselos."

"Sinungaling. Ang grumpy mo kaya simula kanina pa at kaya ka nagkakaganyan kasi nagseselos ka sa mga batang 'yon." Asar pa niya.

"Shut up or else I'll kissed you." Banta naman nito.

Pinamaywangan niya ito. "Akala mo naman matatakot mo ko ng kiss-kiss na 'yan. Ang sabihin mo, seloso ka talaga."

Napansin niya na namumula na ang tainga ng binata. May kasama ng banta ang tingin na binibigay nito sa kanya. "I'm not, Sab..."

"Umamin ka na kasi. Promise, hindi kita pagtatawanan." She teased.

"Stop that," Suway nito.

"Seloso talaga," Patuloy na kantiyaw niya.

Nang makita niya ang seryosong mukha ni Kerkie na lumingon sa kanya ay mabilis na naglakad siya pauna. Mahirap na at baka tototohanin nito ang sinabi sa kanya na hahalikan nito sa harap ng maraming tao. Nakakahiya!

Nang makarating na sina Kerkie at Sabrina sa may Grand Canal ay agad siyang nagpakuha ng picture sa lalaki. Ang ganda ng lugar pati na rin ang mga nagtatayugan na mga building. She really loved that place. Maliit pero malinis. Ang main attraction talaga ay iyong tulay na marami din ang nagpapa-picture. Kahit saan siya tumingin ay parang nasa ibang bansa siya. May mga foreign restaurant din na puwede kainan. Sumilip siya sa tubig ng tulay at nakita niya ang maraming coins. Ginawa na rin pa lang wishing well ng mga bisita iyon. Kumuha siya ng barya at nag-wish din bago ibinato sa tubig ang barya niya.

"What was that?"

Nakangiti na nilingon niya ito. Nakatayo si Kerkie sa tabi niya at nakatitig sa kanya. "Ginawa na kasi nilang wishing well itong tulay. So sinubukan ko rin na mag-wish,"

"Do you believe on such thing?"

Tumango siya. "Oo naman. Wala naman mawawala kung susubukan mag-wish eh." Kumuha siya ng barya sa pitaka at inabot iyon kay Kerkie. "Subukan mo din,"

"I'm fine. Wishing are just wishes."

Sumimangot siya. "Grabe siya. Wishes are the things you wanted to happen or you like to have or maybe for others. Wala naman masama kung humiling ka at ipagdasal na sana ay magkatotoo ang mga iyon." Humarap na siya. "Ganito na lang. Ako na ang hihiling para sa'yo."

Pumikit na siya at inusal sa isip ang hiling niya para kay Kerkie.

"Carpe Diem," Nagmulat siya ng mga mata at nilingon si Kerkie.

"Huh?"

"Let's enjoy the moment without concerning the future. I do not believe in wishes but for you I will,"

Her heart pounded.

***

WALA namang pasok sina Sabrina kaya tumulong sila ng mga kaibigan sa pagre-repack ng mga groceries na ipapadala sa lugar na sinalanta ng bagyo. Nasalanta ng malakas na bagyo sa may Bicol area at nangangailangan talaga ng tulong ang mga tao doon. Lahat ng volunteer na katulad niya ay busy para sa mga ipapadala na relief na kailangan ng mga biktima ng bagyo. Next week ay matatapos na iyong pagbo-volunteer niya pero gusto naman niya ang ginagawa.

Sa loob nang halos ilang linggo ay palagi na lang sila magkasama ni Kerkie. Hindi man aminin ni Sabrina ay naa-appreciate at natutuwa siya sa atensyon na binibigay nito sa kanya.

"Siya pa talaga ang personal na pumunta rito para i-abot ang mga tulong na maibibigay nila sa mga typhoon victim." ani ng isa sa kapwa volunteer niyang si Kai.

"Sino ba ang pinag-uusapan n'yong dalawa?" singit ni June sa tabi niya.

"Iyong may-ari ng Hernandez Chain of Hotels mismo." sagot ni Kai. "Iyong nanay ng schoolmate natin si Nash Kerkie Hernandez ng BusAd."

Binunggo siya sa balikat ni June. "Ang bait pala ng mommy ng syota mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy!"

Tumawa nang mahina ito. "Hindi ko gusto ang lalaking 'yon pero mukhang mabait ang mommy niya."

"It's her stepmom. Namatay na ang biological mom niya."

"Hmm... mukhang maraming alam. Syota mo na?"

"June ha!"

Nang tumunog ang cellphone niya. It's Kerkie. Tumayo muna siya para makalayo. They were just talking some things. Nang maalala niya ang narinig na usapan bago tumawag si Kerkie. "Your mom donated some relieve goods and personal necessities."

"Yeah, Mama has told me yesterday. Hindi ko lang alam na sasama ka para sumama din ako sa repacking."

"No need na, patapos na rin kami. Pero sayang, mabilis umalis ang mommy mo."

No doubt, Kerkie was raised by two wonderful woman.

"Are you still in the gym?"

"Uh-oh."

"I'll pick you up after, okay?"

Hindi pa man siya sumasagot ay nawala na ito sa kabilang linya. Hindi na siya makakatangi kaya hinayaan na lang niya.

Pagkatapos niya tumulong doon ay dumeretso sila ni Kerkie sa isang ice cream shop. Iyon diumano ang reward na bibigay nito sa kanya sa pagiging mabait niya. Para itong sira pero pumayag na lang siya. Hindi nagtagal ay dumating na ang order na ice cream niya.

"Palagi ka ba talagang nagbo-volunteer?" tanong ni Kerkie.

Nag-angat siya nang tingin mula sa kinakain. "Oo naman. Kahit pang-labas na mga volunteer activities." Sumubo siya ng ice cream. "Ikaw ba naman magkaroon nang mga kaibigan na role model. Ewan ko na lang kung hindi ka mahawa. Isa pa, masaya kaya tumulong sa iba kasi nakakagaan ng loob."

Humalukipkip ito sa harap niya. "You're really amazing,"

Nakagat niya ang kutsara at kapagkuwan ay tumikhim.

"How about you? Ano ang mga extra-curricular activities mo." wala sa loob na tanong niya.

May gumuhit na nakakalokong ngiti sa labi nito.

"Hindi mo gugustuhin malaman," ani Kerkie sa kanya.

Napatango na lang siya. May ideya na siya kung ano iyon at wala nga siyang balak malaman. Bakit ba kasi nagawa pa niya itanong. Minsan talaga ay hindi niya maiwasan ang hindi maging madaldal.

Nang dumukwang ang kamay nito at may pinunasan sa ibabaw ng labi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang isubo nito ang dariling pinunas sa kanya.

"Sarap," Dinilaan pa nito ang daliri sa harap niya kaya dumukwang siya at hinampas ito sa balikat.

"Hoy, ang laswa mo talaga. Tumigil ka nga," nanlalaki ang mga mata na pigil niya dahil baka may ibang makapansin.

He chuckled. "Why? Masarap ka naman talaga."

Namula ang mukha niya nang maalala kung ano ang ginawa nito sa kanya nang may mangyari sa kanila. Inapakan niya ito sa ilalim ng lamesa.

"Buwesit ka talaga, Hernandez. Ang libog mo." Inis na bulong niya.

He laughed.

Sabrina just sighed.  

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon