Chapter 4
Sumapit ang ika-labing walong taong gulang ko. Dahil hindi na ako anak maharlika, sanay na akong ituring itong isang ordinaryong araw lamang.
Walang importante sa araw na ito at dapat kong lubos isipin ang mga trabahong naghihintay sa akin.
"Maligayang kaarawn, Kalla." Natutuwang yumakap sa akin si ina.
"Salamat po," hinalikan ako nito sa aking pisngi na nagpalaki ng ngisi ko.
"Sana ay magustuhan mo ang maliit kong regalo." May inilabas si inang maliit na kahon mula sa kanyang likuran.
"Ina, dapat ay hindi ka na po nag-abala pa. Naiintindihan ko po ang sitwasyon natin." Umiling ito sa akin.
Hinawakan ni ina ang magkabila kong balikat at pinaupo niya ako sa harap n gaming lumang salamin.
"Minsan lamang sumasapit ang kaarawan mo, Kalla. Simple lamang ito at hindi mahal kung ito ang pinag-aalala mo."
Karamihan sa ibang imperyo ay hindi na binibigyan ng halaga ang kanilang mga kaarawan, tanging ang mga taga Lodoss lamang ang mas nagbibigay pansin dito.
Binuksan ni ina ang maliit na kahon at inilabas nito ang isang laso na panali sa aking buhok.
"Babagay ito sa'yong buhok, anak."
Nakangiti akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ko ang pagtatali ni Ina sa aking buhok.
"Napakaganda ina,"
Yumuko si ina at bumulong ito sa akin.
"Nararapat lamang sa kagandahan mo anak. Sa paglipas nang panahon ay lalong ka nang namumulaklak, natatakot akong isang araw ay agawin ka na sa akin ng mga kabinataan."
"Hindi po ito mangyayari ina, mas masaya na po akong kayo ang aking kasama." Yumakap si ina sa akin.
"Napakaswerte ko sa'yo, Kalla. Mahal na mahal kita."
Dahil sa magandang salubong sa akin ni ina ay naging maganda ang takbo ng maghapon ko, kaya maaga rin akong natapos sa aking mga gawain.
Paggawa na lamang sa takdang aralin ni Prinsesa Theresa ang huling gagawin ko.
Nasa harap ako ng pintuan nito, ilang beses akong kumatok ngunit wala akong marinig na sagot.
"Prinsesa Theresa?" sinubukan ko muling kumatok pero wala pa rin.
"Prinsesa Theresa?"
Tatalikuran ko na sana ang pintuan para magtanong na lamang sa ibang mga tagasunod nang marinig ko ang mahinang boses ng prinsesa na parang tinatakpan ng kung ano ang bibig nito para hindi ito makapagsalita.
Agad akong kinabahan, hindi pwedeng bumalik pa ako sa ibaba ng palasyo para ipaalam ang narinig ko. Kaya nagmadali kong pinihit ang pintuan.
"Prinsesa The—" nalaglag ang balikat ko nang makita ko ang prinsesa.
She was naked on her bed with a male vampire on her top. Tumigil sa paggalaw ang kama nang mapansin nila ang presensiya ko.
Sabay silang lumingon sa akin.
"What the—get out! You rat!"
"I-I'm so-rry.." halos mangatal ang labi ko habang sinasabi ito.
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...