Chapter 23
Pansamantala, nakaramdam akong muli ng kalayaan. Pansamantala, hinayaan ko ang sarili kong sumayaw sa kaligayahan at pansamantala, kinalimutan ko munang isipin ang aking mapait na sitwasyon.
We danced in the middle of numbers of elegant vampires. We laughed, touched and even make out without minding the vampires around.
Kung sana ay totoo na lang ang nararanasan ko, kung sana wala na lamang itong katapusan. But I should accept the fact that everything has an ending.
Hindi itinigil ni Finn ang ilusyon hanggang sa hindi kami napapagod, gusto kong hangaan ang kapangyarihan niya dahil hindi ko man lang makita ang ilusyon dito.
"Are you happy now, Kalla?" I smiled at him.
"More than happy, Finn." I snaked my arms around his nape and kissed him on his lips.
Ngumiti siya sa akin, yumakap ang mga braso niya sa bewang ko at sinalubong niya ang mga mata ko.
"I hope I can stare with your eyes forever, without restrictions, without curse between us." Mahinang sabi ko.
His face softened, umangat ang kamay niya sa mukha ko at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko.
"We'll fight the curse, Kalla. We'll fight."
Hindi rin nagtagal ay unti-unti nang nawawala ang buong ilusyon. The beautiful place, the lightings, my dress, the music and the vampires around us are slowly fading away.
Sa kabila nang sayang naramdaman ko sa kaunting oras, hindi ko mapigilan ang kirot sa dibdib ko.
Sa huli, maiisip ko na lang na tanging ilusyon na lamang ang maaaring kapitan ng aking kaligayahan.
Magkahawak ang mga kamay namin ni Finn nang sandaling bumalik ang buong kaanyuan ng madilim na tore. And the moment my eyes opened to meet my original place, I saw him with his eyes closed.
Binitawan ko ang kanyang mga kamay at mapait ko nang ibinaba ang kulambo sa aking mga mata.
I tiptoed my feet and cupped his face. The tips of our nose met and I whispered at him.
"You may open your eyes, Finn. Thank you so much, I had fun." Sa sandaling nagmulat siya ng mga mata ay may itim na kulambo nang nakapagitan sa amin.
After the long party of illusion, we decided to rest. I never initiated another lustful conversation with him.
Hindi ko naisip ang magiging sitwasyon ko sa sandaling may mangyari sa pagitan namin. We don't have any kind of protection, ayokong magdalang tao ako sa ganitong sitwasyon.
Ayokong kasama kong makulong sa toreng ito ang aking magiging anak.
Sa huli, nagpasya na lamang kaming humiga sa kama at magpahinga. Just like the usual, I covered my eyes with blindfolds as our arms are locked together.
Hindi man aminin sa akin ni Finn, alam kong maraming kapangyarihan ang nagamit niya sa matagal na ilusyon. Sa sandaling lumapat ang likuran nito sa kama, ramdam ko ang kanyang malalim na pahinga.
He's exhausted.
"Magpahinga ka na, Finn." Kahit nakapiring ang aking mga mata ay sinikap kong kapain ang kanyang mukha.
I caressed his face with smile on my face.
"Let's rest together, Kalla." Mas kinabig niya pa ako papalapit sa kanya kasabay nang paghigpit ng yakap niya.
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...