Chapter 44

191K 10.8K 3.3K
                                    

Chapter 44


"Unibesidad ng Ombre Inconnue," panimula ni Casper.

Minsan ko lamang narinig ang tungkol sa unibersidad na ito, pero wala akong masyadong impormasyong natatandaan na maaari namin magamit.

"I've been there, but I never tried knowing the university's name."

Lahat kami ay napalingon kay Finn. Kahit ako ay napapahanga sa kanya, ganito ba talaga ang takot niya na manatili sa loob nito na kahit ang mismong pangalan ng unibersidad ay hindi niya alam?

Nang sulyapan ko ang reaksyon ng kanyang mga kapatid ay halos hindi maipinta ang mga mukha ng mga ito.

Kahit si kamahalan ay nakakunot ang noo sa kanya.

"Walang kwenta," kumento ng prinsipe ng mga nyebe.

"Hindi na nakakagulat," ngising sabi ni Caleb. "Proud na proud sa'yo si kamahalan, Finn." Pahabol nito.

"Gusto mong ikaw ang ipadala ko sa unibersidad, Caleb? O sabay ko kayong ibalik ni Finn sa unibersidad?" tanong ni kamahalan.

"No way," ilang beses na umiling si Finn na parang mamamatay kapag ibinalik sa unibersidad.

"I was just kidding, brothers come on. Bakit ang seryoso nyong lahat? We find the university, have our brother reunion, we check if Evan is doing good, beat the curse and we go home." Sa halip na may sumang-ayon kay Caleb ay nabalot lamang ng katahimikan ang lahat.

"It is not as simple as that Caleb, didn't you know anything about the Ombre Inconnue?" tanong ni Casper.

Halos hindi na ako makapagsalita dahil napupuno na ito ng usapan ng magkakapatid.

"A place to study?" sagot ni Caleb.

"That university isn't as normal as you think." Bumuntong hininga si Finn. "And until now I can't really imagine myself staying inside that hell of place. Si Evan lang talaga ang makakatagal sa lugar na 'yon."

"What do you mean isn't normal?" tanong ko.

"Kung ang tore ay may buhay, higit na may buhay ang unibersidad."

Nanatili kaming nakaupo ni Cora sa tabing ilog, habang nakahiwalay na ang magkakapatid na Gazellian.

Katabi ko pa rin si Finn, nakatayo si kamahalan at si Zen habang nakaharap sa amin. Habang nakasandal sa magkalapit na puno si Caleb at Casper.

"Is it because of the tower?" tanong ko.

"Probably," sagot ni Cora.

"But there's a huge problem," sabat ni kamahalan.

"Yes," sagot ni Finn.

"Isang beses lamang sa bawat sampung taon, nabubuksan ang unibersidad. Kung sinasabi mo na tumakas ka mula rito, Finn. Isa nang himala ang nagawa mong pagtakas o tamang sabihin na sadya pa itong nakabukas dahil kasalukuyan pa rin itong tumatanggap ng mga mag-aaral ng mga panahong 'yon." Mahabang paliwanag ni Cora.

"Or probably, it was just the beginning of the ten years running time. Hindi ba at sa unang taon pa lamang ay tumakas ka na Finn?"

"Yes," sabay sabay ngumiwi ang magkakapatid na Gazellian kay Finn.

"Ilang taon na ba ang nakalilipas simula nang lumabas ka Finn?" tanong ko.

"One year,"

"Eight damn years," sabay sabay na sabi muli ng kanyang mga kapatid.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon