Chapter 43
Dahan-dahan akong ibinaba ni Finn sa lupa at nang sandaling lumapat ang aking mga paa, hindi ko na mapigilan ang pangngangatal ng aking mga tuhod.
Ang panlalamig ng aking katawan at ang walang humpay ng paghataw ng aking puso.
"Finn.." tawag ko sa lalaking aking minamahal habang inihahakbang ko ang aking mga paa.
Tumigil sa paglalakad ang mga Gazellian at kapwa ang mga ito tumitig sa akin habang nasa paligid na ang aking buong atensyon.
"Finn.." nasapo ko na ang aking mga labi sa sobrang tuwa, hindi ko na magawang maawat ang walang tigil na pagpatak ng mga perlas mula sa aking mga mata.
Nakakapaglakad na ako sa lupa, nakakahakbang na ako malayo sa tore, nadarama ko na ang simoy ng hangin gamit ang sarili kong katawan.
"Finn.." muli akong lumingon sa kanya mula sa aking likuran.
I smiled at him with pearls flowing from my eyes.
Sa pagkakataong ito ay nanatiling nakatayo at nakatitig sa akin si Finn. And what my heart ached more was his eyes starting to watered while looking at me.
"I'm sorry for the long years of waiting, I'm really sorry Kalla." He uttered with his broken voice.
Ilang beses akong umiling sa kanya. Malalaki ang aking hakbang na bumalik sa kanya at muli kong isinubsob ang aking sarili sa kanyang dibdib.
"Y-You don't need to apologize, pinalaya mo na ako Finn. Ang kalayaan ko ay nagsimula nang dumating ka sa aking tore." Pilit akong ngumiti sa kanya.
Sa kabila ng kulambong nakapagitan sa aming mga mata, ramdam na ramdam ko sa kanyang mga titig ang kanyang matinding pagmamahal.
"You're beautiful," marahang hinaplos ni Finn ang aking puting buhok.
"Salamat Finn,"
Wala sa sarili akong muling humiwalay sa kanya at kusa kong ibinuka ang aking mga braso, ipinikit ang aking mga mata at sinimulan kong iikot ang aking sarili sa gitna ng kagubatan na hindi alintana ang mga mata ng Gazellian.
Gusto kong maramdaman ang lahat ng ito, gusto kong maramdaman na malaya na ako, hindi ito panaginip kundi isang katotohanan.
"Kalla," I heard his voice.
Nang sandaling marinig ko ang boses ni Finn ay tumigil na ako sa pag-ikot. Nakangiti akong humarap sa mga Gazellian.
"Mga mahal na prinsipe, kamahalan, Finn, Cora. Maraming maraming salamat," marahan akong yumuko upang magbigay galang sa kanilang lahat.
Ngumiti lamang sa akin si Cora, samantalang ang mga Gazellian ay sabay-sabay nagningas ang mga mata sa akin bilang pagbati.
Pansin ko na may inabot si Casper kay Finn at nang makuha na ito ni Finn ay nagsimula na itong lumapit sa akin.
He bowed down at me, marahan nitong nilabas mula sa telang kulay abo ang isang simpleng sapatos.
"Hindi na lang mga pakpak mo ang magbibigay sa'yo ng kalayaan Kalla, malaya na ang 'yong mga paang maglakbay kasama ko." Kanina pang hindi tumitigil ang pagtulo ng aking mga perlas dahil sa mga nangyayari.
Hinayaan kong suotan ako ng mga sapatos ni Finn.
At nang sandaling tumayo ito ay kusa nang pumikit ang aking mga mata.
Our lips met.
Isang maiksing uri ng halik ngunit punong-puno ng walang katapusang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...