Chapter 30
With his confused eyes, Finn looked at me with pain. Alam kong posibleng hindi niya pa naalala at tanging ako pa lamang ang nakakaalala ng lahat.
But that doesn't give him an excuse. He shouldn't doubt his own mate, dahil kahit anong masasamang bagay na ibato niya sa akin noon siya lamang ang paniniwalaan ko.
Nagsimula nang magpaulit-ulit sa akin ang lahat. If he just trusted me and protected me during that time, hindi sana ako nakatanggap nang ganitong sumpa.
But among those vampires in Parsua, only Prince Rosh appeared. Pinagtanggol ako nito at pinagkatiwalaan.
Pero ang sarili kong kapareha? Nag-alinlangan pa ito sa akin.
Kaya ba hindi niya sinasabi sa akin na isa siyang prinsipe? Dahil sa posisyon ko? Dahil isa akong bampirang walang dugong maharlika?
"H-Haring Tiffon, please." Halos magmakaawa ako sa hari.
"K-Kalla, what is wrong with you? Hindi ako aalis na hindi ka kasama." Tinalikuran ko na ito.
Ramdam ko na nais niya akong abutin ngunit bigla na muling humarang si Haring Tiffon.
Bago ko pa man makita ang magiging labanan sa pagitan nila ay agad na akong tumakbo papalabas ng silid.
Walang tigil sa pagtawag sa aking pangalan si Finn pero hindi ko na tinangka pang lumingon pabalik sa kanya.
Sinalubong ako ng reyna at dito ko ibinuhos ang lahat ng sakit na dinadala ko. Walang humpay sa pagpatak ng mga perlas sa sahig habang inaalala ang nakaraan.
"He is my mate, siya ang lalaking itinakda sa akin." Naguguluhang tumitig sa akin ang reyna.
"What? Kalla, hindi ko maintindihan. Papaano?"
"I've seen the past, I whispered to my heart. Until it revealed everything." I told her everything from the past.
Suminghap ito sa sinabi ko.
"T-Then don't tell me, Finn is Tiffon's nephew. He's also a Gazellian." Tumango ako sa sinabi ng reyna.
"At hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung bakit niya itinatago sa akin ang katauhan niya. This isn't fair at all, I gave him everything I have. Ibinigay ko ang lahat-lahat sa kanya. But he can't even give me his real identity, na parang natatakot siya sa uri ko."
"That's why Tiffon was hesitant to hurt him, lukso ng dugo. Nakikilala niya ang sarili niyang kadugo, he's a Gazellian."
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang reyna nang biglang pumasok sa silid ang hari.
"Where is he?" tanong ng reyna.
"Unconscious, he tried to manipulate me with his ability. But it backfired, nawalan siya ng malay. He can't fully use his own power. Don't worry, I exiled him in somewhere safe. Sa ngayon ay hindi ka niya magugulo, Kalla."
Napayuko ako sa sinabi ng hari. I really don't know what to say anymore.
Pansin ko na nangangatal ang kamay ng hari habang nagsasalin ng dugo sa kanyang kopita.
Unconscious?
"What happened there, Kalla? You suddenly burst out, nagulat rin ako." Sa pagkakataong ito, ang reyna na ang nagkwento para sa akin.
"He's my brother's son. Matigas rin ang ulo, sa baba at itaas. Siguradong susunugin niya ang kahariang ito habang hindi ka namin ibinabalik sa kanya." Bahagyang tumawa ang hari.
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...