Chapter 33

186K 9.8K 865
                                    

Chapter 33


Nagdilim ang paningin ko sa sinabi ng babaylan. How could she easily play with the life of an unborn child? And it was not just once, she even included our future child!

Hindi ba nito naisip na sa hinaharap ay magiging isa rin siyang ina? Hindi niya ba sinubukang ilagay ang kanyang sarili sa mga babaeng katulad ko na bibiktima sa kanyang kapagyarihan?

Now another unborn child? Una ay ang sanggol na bibiktimahin ni Finn, ngayon naman ay ang magiging unang anak ko?

Ang lahat ng galit na unti-unti nang nawawala kay Finn ay bigla na namang nabuhay. What the hell is wrong with him?

Nasisiraan na ba talaga ito ng bait?

Alam kong naaawa siya sa akin, dahil sa ilang taon kong pagdala sa sumpang ito. Pero ayokong dumating ang araw na halos wala nang makita si Finn kundi ang pangangailangan ko, na gagawin niya ang lahat para kuhanin ito at hindi na naiisip ang mga nilalang na posibleng mabangga sa kanyang bawat aksyon.

That kind of love is not ideal, it will make him destruct.

At ayokong dumating ang araw na ang pag-ibig sa akin ni Finn ang tuluyang sumira sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahas kong nasakal ang babaylan. This is the first time that I used my bare hands to someone, kailanman ay hindi ako gumamit ng dahas. Pero ibang usapan na kung ang magiging anak ko ang idadamay.

Marahas kong inihampas sa malamig na pader ang katawan ng babaylan, kusang lumabas ang aking mga pangil at ilang beses kong pilit tinititigan ang mata ng babaylan at nagbabakasaling magagawa ko itong bato.

But the woman is a psychopath. Nakahawak ito sa mga kamay kong nakasakal sa kanya habang tumatawa.

I'll choke her to death.

Lalong dumidiin ang mga kamay ko sa leeg niya at buong pwersa ko na sana itong gagawin nang pigilan ako ni Haring Tiffon. Mabilis nakalayo ang babaylan habang hinihimas ang kanyang leeg.

"Why did you help her?!" malakas na sigaw ko.

"The action she had done wasn't illegal. May basbas ni Finn ang mahikang inilapag niya, kung sakaling kitilin mo siya ikaw ang lalabas na masama." Suminghap ako sa sinabi ng hari.

Hindi kasalanan ang pagkitil sa isang sanggol?

Halos sabunutan ko ang aking sarili nang muling sumagi sa isip ko ang pangalan ni Finn. How could he?

"I need to stop him, saan siya maaaring dumaan?" tanong ko sa babaylan.

This isn't happening, after I had nearly killed this damn enchantress here I am now asking for her damn information.

"And why would I give it to you?"

"Dahil wala na akong pakialam kung lumabas na akong masama sa mga bampira sa lugar na ito. Wala nang bago. Ayusin mo ang sagot mo kung ayaw mong ang 'yong dugo ang unang magpaligo sa aking malinis na kamay." Matalas na sabi ko sa kanya.

I saw how she gulped in three times while looking at me. Huwag niyang ginagalit ang babaeng isinumpa, dahil sa sandaling maubos ang aking pasensiya hindi na niya gugustuhing muling makatagpo ng isang katulad ko.

Nakita ko rin na tinitigan siya ni Haring Tiffon kaya wala itong pinagpilian kundi sabihin sa akin kung saan dumaan si Finn.

Sinabi nitong hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating sa kabilang mundo si Finn dahil may kalayuan ang lagusan simula rito.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon