Chapter 5
All I want was to witness King Thaddeus funeral. To see my second father for the very last time and to mourn freely just like his beloved citizens.
Ito lang ang tangi kong kahilingan sa pag-alis ko sa aking imperyo, para makarating sa Parsua Sartorias ngunit bakit ako naiipit sa ganitong klaseng sitwasyon?
I was trapped inside this unusual place, how can I describe this? It is place made of glass with penetrating shades of sunlight that gives life to different kinds of plants around. But the whole space was dominated by red roses.
Namumutiktik ng pula ang buong kapaligiran.
The witch told me that I'll be in Parsua Deltora and the statue with an engraved Le'Vamuievos confirmed it.
And right now, I am facing a certain prince with his psychotic mind. Ngayon ko pinagsisihan na hindi ko pinag-aralan ang mga partikular na maharlika sa bawat kilalang imperyo.
Tanging sakop lamang ng nalalaman ko ay ang bawat pagkakahati ng mga imperyo. Ilang mga haring nanunungkulan dito, kilalang mga prinsipe at mga konseho.
Mas pamilyar ako sa mga taga Parsua Sartorias dahil sa kwento ni Haring Thaddeus.
"Inuulit ko," seryosong sabi nito.
Wala na sa kanyang pwesto ang prinsipe, sa halip ay nasa harap ko na ito at naniningkit na ang mga mata sa akin.
Nakaluhod ako habang ginagapos ng kanyang mga alagad na kababaihan habang ay isa naman ay may hawak na espada.
"Maawa po kayo.."
Pupugutan ako ng ulo!
"Ano po ang malaki kong kasalanan mahal na prinsipe? Wala po akong masamang nais sa inyong imperyo, nais ko lamang magtungo sa Parsua Sartorias ngunit dito ako dinala ng mangkukulam na nakausap ko." Ipinagtapat ko sa kanya ang katotohanan.
Ayokong isipin niya na ipinadala ako ng ibang imperyo para kumuha ng mga impormasyon laban sa kanila.
Hindi ako maaaring mapatay sa lugar na ito, hahanapin ako ni ina. Kailangan kong makabalik.
Naramdaman kong lumuhod siya sa akin at marahan niyang hinawakan ang baba ko. He lifted my chin and my eyes met his. It was glowing again. Red of eagerness.
"Sino ang pinakamakisig na prinsipeng nasilayan mo?" muling tanong nito sa akin.
Dahil sa matinding takot ko sa kanya, hindi na nagawang gumalaw ang aking mga labi at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.
Hinintay nilang lahat na magsalita ngunit nanatili akong tahimik. At sa pagtagal ng pagtitig ko sa kanya, sa pagriin ng nagniningas nitong mga mata sa akin.
"Nagbago ang isip ko, ipakain sa Leon ang babaeng 'yan." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
There is something wrong with him! He's crazy!
"No! Pakawalan nyo ako!" ginawa ko ang lahat para makapiglas ako. Pero wala pa rin akong nagawa dahil tuluyan nila akong nadala sa isang malaking kulungan.
Napasigaw ako nang bigla na lamang sumugod ang nakakulong na Leon sa harap ng rehas. Ramdam ko ang pangngangatal ng aking tuhod at ilang beses akong umiiling sa prinsipe.
"Ipapasok na ba namin siya mahal na prinsipe?"
Lumapit muli sa akin ang hayop na prinsipe. Muling nagningas ang mga mata nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...