Chapter 24

202K 9.9K 984
                                    

Chapter 24


"Inaakala nyo ba na maniniwala ako sa kasinungalingan nyo? Sinong mga pangahas ang magtatangkang pumasok sa silid ng hari?"

Finn held my hand tightly. He looked so nervous, sino nga ba ang hindi? Bakit kami nasa harap ng dating hari?

I thought he's already dead? Bakit kami dito dinala ng aklat na ibinigay sa akin ni Lorcan?

Nakarating na kaya siya sa lugar na ito. And what is this place? Nasasakop pa rin ba ito ng limang naglalakihang imperyo ng mundo ng mga bampira? Ngunit saan?

Sa Parsua? Lodoss? Mudelior? Interalias? Halla?

"That was our point, my king. Why would we enter the king's room? For death? Wala kaming masamang layunin sa pagpasok sa inyong silid, mahal na hari. Isa lamang itong pagkakamali."

Saglit na nagulat ang hari nang makilala niya ang kaanyuan ko, ang babaeng may dala ng puting sumpa.

I took my breath when the King held his sharp sword and used it to tilt Finn's head. My heart hammered as the King's brows furrowed as he look at Finn's face.

Nawala ang takot sa mga mata ni Finn at direkta nitong sinalubong ang mga mata ng hari.

"Who are you young man, have we met before?"

"I am Pri—isa akong salamangkero, mahal na hari. Humihingi ako ng tawad sa aming kapangahasan."

"Still, you are unforgivable." When the King was about to swung his sword, I immediately turned myself into a bird.

Natigilan ang hari sa ginawa ko, kahit ang babaeng bampira na siyang naging anyong ibon ay humuni nang napakalakas na parang gusto nitong pigilan ang hari.

Tuluyan nang tumayo sa kanyang pagkakaluhod si Finn at kusa akong dumapo sa kanyang balikat. Kahit ang ibong kapares ng hari ay ganito rin ang ginawa.

"W-Who are you both?" naguguluhang sabi ng hari.

"Nagmula pa kami sa malayong imperyo kamahalan at nagsasabi kami nang totoong wala kaming dalang masamang intensyon sa inyong kaharian." Sagot ni Finn.

"W-What happened to your woman? Bakit nagiging ibon rin siya?"

"She was cursed, h-have you seen her features? She's possessing the white curse and to make her feel the slightest presence of freedom a friend gave her an ability to transform into a bird." Suminghap ang hari sa sinabi ni Finn.

Humuni ang ibon at nagsimula itong lumipad, wala pa man akong kakayang bumasa at umintindi ng lengguwahe ng mga ibon alam ko ang gustong mangyari ng babae.

She wants me to follow her. Marahan kong inihaplos ang buong katawan ko sa pisngi ni Finn bago ako lumipad at sumunod sa ibon.

"I'll wait for you, Mon Amor."

Sabay kaming lumabas ng bintana at sinundan ang ibon. Nakarating kami sa isang silid at hantaran itong nagpalit nang anyo.

Nagtungo ito sa cabinet at naghagis ng maraming kasuotan. Mabilis itong nagsuot ng kanyang kasuotan.

"Come on, you need to transform yourself. I have a lot of questions." Sumunod ako sa kagustuhan niya.

Nagpalit ako ng anyo at nagbihis ako nang inihanda niyang kasuotan.

"Sinong kaibigan ang nagbigay sa'yo ng kakayahang maging ibon?" She asked while I'm busy fixing my dress. Naramdaman ko ang pag-zipper nito sa aking likuran para tulungan ako.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon