Chapter 3

230K 12.2K 4.4K
                                    

Chapter 3


These past few days, everything was so strange. Palagi na lamang akong nakakatulog at magigising na parang may nakakalimutan.

Sinusubukan kong alalahanin ang mga imaheng nalabas sa aking isipan pero sumasakit lamang ang ulo ko.

Kahit si ina ay nagtataka na sa mga ikinikilos ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at dito ako natauhan, umaapaw na pala ang tubig sa lababo. Agad ko itong pinatay.

"Kalla, anong nangyayari sa'yo anak?"

Kahit ako ay hindi ko rin alam ang isasagot kay ina.

Buong linggong abala ang kaharian ng Lodoss Betronio dahil sa darating na kaarawan ni Prinsesa Theresa, maraming imbitadong kaharian mula sa iba't ibang imperyo na siyang inaasahan ng lahat.

Kasama ko si ina sa pagpupunas ng mga estatwa at larawan ng mga maharlika nang marinig namin ang usapan ng hari at reyna.

"Buong akala ko ay isasama ni Haring Gazellian ang kanyang mga anak na lalaki? Hindi ba magiging maganda kung makikipagmabutihan ang isa sa kanyang anak kay Theresa? Parsua Sartorias is a good kingdom." Pakinig kong sabi ni Reyna Meiya.

"Hindi rin alam Meiya, buong akala ko ay kasama niya maging ang kanyang reyna. Nakapagtatakang biglang nagbago ang isip ni Haring Thaddeus, gayong napag-usapan namin na may importante tayong pag-uusapan na kailangan ng presensiya ng aming mga reyna."

Kung ganoon isa lamang ang panauhin naming dumating na siyang ilang araw nang pinakahihintay ng aming hari at reya. Nagmula pala ang mga ito sa Parsua Sartorias, kung hindi ako nagkakamali ay dito nanggaling ang isa sa pinakamagaling na konseho sa mundong ito.

"Maaari pa rin naman siguro natin anyayahan si Haring Gazellian na pasunurin ang kanyang buong pamilya. Sa mga naririnig ko Aragon, ang ikalawang Prinsipe ng Sartorias ang pinakatinatangi ng bawat prinsesa mula iba't ibang kaharian. Our daughter deserves the finest Gazellian."

Ilang beses akong tumango. Kahit ako at ang kapwa ko mga babaeng tagasunod ay naaabot ng balitang ang ikalawang prinsipe mula sa kaharian ng Sartorias ang pinakamakisig na nabuhay ng bampira sa mundong ito.

Ang prinsipe ng mga nyebe. Nguniti hindi daw maganda ang ugali nito.

"Meiya, our daughter is still a little kid. At kung mauugnay siya sa kahit sinong Gazellian, hindi na natin kailangang mamili pa. A Gazellian is a Gazellian."

Lumayo na ako at nagpatuloy ako sa pagpupunas, ngunit sa paglipat ko nakarinig muli ako ng panibagong usapan.

Mula ito sa mga tagasunod na babaeng mas matatanda sa akin. Teen vampires. Mukhang hindi lang ako ang nakarinig sa usapan ng hari at reyna.

"Hindi ang ikalawang prinsipe ng Sartorias ang pinakamakisig sa lahat. Hindi mo ba naririnig ang ikalawang prinsipe ng Deltora? He is more handsome, halos lumuhod ang mga babaeng kanyang tinititigan. Yun nga lamang, baliw daw ito at natatagppuan na lamang kinakausap ang sarili sa salamin dahil sa sariling kakisigan." Naghagikhikan ang mga ito.

Ngumiwi ako sa narinig ko. Most of the royalties with handsome faces have a problem with their mind.

"Kalla!" napatalon ako at muntik nang mahulog ang pinupunasan kong estatwa.

"Mahal na prinsesa.." tumahimik ang mga tagasunod na nag-uusap. Habang matalim na nakatitig sa akin ang prinsesa.

"Hindi ba at sinabi ko sa'yong ako muna ang asikasuhin mo? O nandito ka para makipagtsismisan sa mga kapwa mo walang kwentang tagasunod?!"

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon