Chapter 19

204K 11.3K 2.3K
                                    

Chapter 19


Simula nang dumating sa aking tore ang makisig na salamangkero ay napapadalas akong nag-aanyong ibon.

I need to make myself full, dahil kumukuha ito ng dugo sa akin para manatili itong buhay at humihinga.

Kumpara sa akin at sa ibang mga bampira, mas madalas itong mauhaw. Natatandaan ko pa na nagawa kong makayanan na hindi uminom ng dugo sa loob ng ilang buwan. Pero ang salamangkerong ito ay mukhang parang laging babawian na ng buhay.

His words are the most heart tagging statement I've ever heard. Sa tuwing nagbibitaw ito ng salita, sinasampal ako ng konsensiya na sinasabing isa akong babaeng walang puso para lamang pabayaan ang isang hamak na salamangkerong mauhaw hanggang dalhin na sa kanyang kamatayan.

Nagbigay akong muli ng isang malakas na huni para bigyan ito ng hudyat na paparating na ako.

Agad akong sumampa sa bintana nang makarating ako sa tore, nakaupo lamang ito sa may harap ng aking tokador na may salamin, marahan itong nagkasubsob dito habang pinagmamasdan niya ang sumasayaw na ballerina sa aking music box.

Simula nang makita niya ito ay lagi ko na lamang siyang napapansing nakatitig at tulala rito.

Lumingon ito sa akin.

"Kalla.." tumayo na ito at isinarado ang music box.

Nagtungo ito sa may bintana at tumanaw sa labas. Ito lagi ang ginagawa niya nang makapagbihis ako.

Lumipad ako patungo sa aking tokador, mabilis ibinalik ang aking totoong anyo at nagsimulang magbihis.

"How's your fly?"

"Good, nauuhaw ka na ba?"

"Hindi pa," may kasama itong pag-iling. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang ito, kanina lamang ay nagtangka itong kagatin ako.

"Are you good? You looked gloomy."

"Really?"

"Yes.."

Nang makapagbihis ako ay humakbang ako patungo sa kanya at tumanaw rin sa labas ng bintana.

"Where did you get that music box?"

"The music box," I smiled bitterly when I remembered King Thaddeus Gazellian.

Hindi ko man lang nasulyapan ang mga labi nito sa huling pagkakataon at nagawa ko pa na idawit ang kanyang pangalan sa isang malaking eskandalo.

"A gift from my second father," I almost whispered.

"Second father? Stepfather?"

"No!" mahigpit ang pagtutol ko.

"Oh, sorry.."

"Maybe you won't believe on me, but I considered the late King Thaddues Gazellian as my second father." Agad itong napalingon sa akin na may nakakunot ang noo.

"W-Why is he and your mother---"

"No! It wasn't like that. Hindi nga sila magkalapit ni ina, si Haring Gazellian ang tumulong sa akin noon nang may isang prinsipe mula sa Parsua na sumama sa kanya. He was my protector when he was alive." Nanatiling nakakunot ang noo nito.

"He was protecting you? Why?"

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagtaka sa mga katanungan niya.

"Kilala mo si Haring Gazellian?"

"Ofcouse, he was admired by all. Why was he protecting you?" nagkibit balikat ko.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon