Chapter 45

196K 10.1K 3.4K
                                    

Chapter 45

King Dastan, the goddess from the legend's daughter, Prince Zen, Rosh, Caleb, Casper, Finn and I.

How can we successfully infiltrate the university without being caught? Hindi biro ang mga presensiyang itatago ni Cora kung nagkataon.

How can we start?

Hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung saan kami magsisimula.

Nanatiling kaming hindi kumikilos habang hinihintay namin ang sasabihin ni Cora o ni Haring Dastan.

"How are we going to use Finn as bait? Saan natin siya ilalagay?" Caleb asked.

"You make sure that I won't be entering that university alone, I risked my damn life running away from it." Umiiling na sabi ni Finn.

Muling nagusot ang ekspresyon ng mga Gazellian sa sinabi ni Finn.

Hindi ko masisisi ang mga ito, siguro kung sakaling hindi tumakas si Finn ay nasa ayos pa rin ang lahat.

"Hindi ba maaaring may maiwan sa atin? I think it will be risky if all of us will enter. Hindi naman siguro kalaban ang mga nasa unibersidad para palakihin ang ating pwersa."

"Sumasang-ayon ako sa sinasabi ni Kalla." Narinig kong sabi ni Cora.

"I object," mabilis na sabi ni Caleb.

"Ako rin, hindi ako magpapaiwan." Tipid na sabi ng prinsipe ng mga nyebe.

"Ako rin, I'm sorry." Nagsalita na rin si Casper.

"Walang magpapaiwan sa kanila, Kalla." Finn sighed. "They wanted to see Evan."

"It's been eight years, bigyan natin ng kaunting kasiyahan si Evan sa walong taon niyang pag-iisa sa unibersidad." Nagsalita na ang hari.

"Huwag ka mag-alala Kalla, gagawin namin ang lahat para hindi tayo mahuli. Naaawa lang kami kay Evan, walong taon na siyang aral nang aral. We knew that he wanted to see us for the long eight years." Tumango ang mga Gazellian sa sinabi ni Casper.

"Tapos makikita nyong hindi pala nalulungkot si Evan, may babae." Natatawang sabi ni Finn.

"Huwang mong igaya si Evan sa'yo, Finn." Matigas na sabi ni kamahalan.

Natigilan si Finn sa pagtawa dahil sa seryosong boses ng hari. Si Evan ang kausap ni Finn noon nang una kong narinig ang boses niya sa tore.

And King Dastan was right, base sa batuhan nila ng salita ng kapatid niya higit na mahalaga dito ang pag-aaral.

"He sacrificed his ten years for the sake of Parsua Sartorias. Hindi man lang kami nakatanggap ng liham sa unibersidad na nagkaroon sila ng problema sa kanya. Anong nangyari sa isa? Tumakas."

Natigil sa pagtatalo ang mga Gazellian nang humalakhak muli si Rosh.

"Come on, you were all cut in the same cloth. Stop fighting Gazellians, parang hindi kayo kumuha sa akin ng babae. Even your great Evan."

"Let's stop talking about the nonsense as of this moment. Kalla, mas maganda kung papasok ka sa unibersidad sa 'yong anyong ibon." Tumango ako sa sinabi ni Cora.

"We proceed with Prince Rosh idea, we use Finn as bait and we pretend as ordinary vampires who wanted to join the university. I can do something with your presence and appearance."

"What's the plan inside?" tanong ni Casper.

"Sa sandaling makapasok tayo, saka natin iisipin ang pwede nating gawin. We need to study the university, we need to know who's the powerful inside. Hindi natin alam ang kalakaran sa loob, kailangan ay alam natin kung papaano gumalaw sa loob habang naghahanap tayo." Paliwanag ni Cora.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon