Chapter 7
"You may cry, but walk like a royalty and be my princess tonight, Kalla."
Napatitig ako sa prinsipe dahil sa biglaang sinabi nito. His tone was serious and when I looked at him, all he did was to grin at me.
Hindi ko nga siguro makukuha ang ugali nito. He's an unpredictable prince.
Lumingon ito sa isang direksyon kaya sinundan ko ito. Dalawa ang mahabang pila ng iba't-ibang nilalang mula sa mga imperyo ang nakahilera para lamang makita ang mga katawan ng hari.
Iba't-ibang klase ang maaaring maging katapusan ng mga bampira. May mga bampirang nagiging abo sa kanilang kamatayan, may mga bampira rin na nanatiling buhay ang katawan.
Masyadong komplikado ang maaaring maging kamatayan ng isang bampira, ayon sa ilang librong aking nababasa.
Pero tatlo lamang ang madalas na nagiging dahilan ng kamatayan ng isang bampira. Sumpa, isang digmaan at pagkitil sa sariling buhay dahil sa matinding kalungkutan..kalungkutan ng pag-iisa.
I can still remember how my mother tried to kill herself when my father died. Vampire bond is unbeatable na kahit kamatayan ay hahamakin, kaya humahanga ako sa reyna ng imperyong ito dahil nanatili itong buhay sa kabila ng pagkamatay ng kanyang hari.
Sinabi sa akin ng prinsipe ng Deltora na nagkulong na lamang ang reyna sa ilalim ng palasyo at naiintindihan ko ito. Pagdating nang panahon, sa sandaling muli siyang lumabas nais kong sabihin sa kanya kung gaano siya kamahal ng hari dahil isa ako sa buhay na saksi.
"Maaari ba akong pumila, mahal na prinsipe?"
"No, hindi na natin kailangang pumila. But for the meantime, hindi muna tayo maaaring lumapit. Nasa unahan pa si Zen, I can't make a scene with him. I respect King Thaddeus."
Tumango na lamang ako sa sinabi nito. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala maganda ang relasyon nito sa prinsipe ng mga nyebe.
Dinala ako ng prinsipe sa nakahilerang upuan na malayo pa sa ilang panauhin.
"I'll just get our drinks." Paalam nito sa akin.
Kahit nasa malayo ako ay pinipilit kong tanawin ang kabaong ng hari. Tatlo rin ang maaaring sapitin ng isang bampira sa kanyang kamatayan, maaari itong maging abo, malusaw ang katawan hanggang sa malusaw na parang bula o maaari rin namang maiwang buhay ang katawan.
Ang kahihinatnan ng katawan ng isang bampira ay depende sa anong klase ng paraan ng kayang kamatayan.
There are different kinds of curse that will turn vampire into ashes, but there are also kinds of curse that will leave their body behind. Hawak ng nagsumpa ang kagustuhan sa magiging kapalaran ng nasumpa.
Ganito rin sa iba't ibang sandatang nalikha sa mundong ito, may mga espada o palaso na ginawa para maging abo ang mga bampira pero meron din namang ginawa para manakit at magpahirap. Ang mga ganitong sandata ang nag-iiwan sa buong katawan ng bampira. Ngunit ang ibig sabihin lamang nito, mas higit na hirap at sakit ang pinagdaanan ng bampira bago lisanin ang mundong ito.
Ito lamang ang ilan sa mga kaalamang nababasa ko mula sa mga aklat sa palasyo. At ngayong buhay pa rin ang katawan ng hari, isa lamang ang malaking pahiwatig nito.
King Thaddeus Leighton Gazellian died in pain. And he didn't deserve it.
Muli kong pinahid ang mga luhang lumandas mula sa aking mga mata. I want to reach him, I want to see his face.

BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...