Chapter 29
Curse is the vampire's greatest enemy. Maybe they ruled this world and can overpower the other life being, but vampire's weakness is considered to be the cruelest pain.
Walang bampira ang binigyan ng abilidad labanan ang kahit anong sumpa at kailanman ay walang bampirang nanalo dito na walang tulong ng ibang lahi.
Ngunit habang tumatagal at lumilipas ang mga panahon may nananatili pa kayang ibang nilalang na handang tumulong sa katulad kong bampira?
Our creature is forever hated.
Isang bagay na kailanman ay mahirap tanggapin, dahil ang pagkakamali ng isang lahi mula sa nakaraan ay dala-dala na rin namin ngayong kasalukuyan.
Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang dugong umaagos mula sa mukha ni Finn.
If I could just cure him with my kisses, if I could just make this curse away from me. Kung maaari ko lamang patunayan na pag-aari ko ang salamangkerong ipinaglalaban ko ngayon.
But I can't be selfish, karapatan niya ang kalayaan.
"Haring Tiffon, maaari ba na bigyan nyo kami ni Finn ng oras para mag-usap?" pansin ko na nanghihina na si Finn.
Ayokong lubos pa siyang masaktan, tama ang mag-asawang hari at reyna. Mas makabubuti para sa akin na manatili dito at hayaan na lamang si Finn na maging malaya para kilalanin ang babaeng talagang itinakda sa kanya.
Lumapit na si Reyna Lumina sa kanyang asawa para ilayo ito kay Finn. Sinaway na ng reyna ang kanilang mga kawal at sinabing hayaan na lamang kami.
Hindi rin nagtagal ay kami na lamang ni Finn ang naiwan sa loob ng silid. Nahihirapan pa itong tumayo, nag-iwas ako ng tingin sa kanya sa likuran ng aking kulambong panakip.
"K-kalla, please? Bumalik na tayo sa tore. Hindi rito ang mundo mo, hindi rito ang mundo natin. Sumama ka na sa akin, huwag ka magpabulag sa mag-asawang 'yan." Nahihirapang sabi nito.
"Shut up Finn, please? Tama na. Hanggang dito na lang ang kaya kong paglaban, natatakot akong sumugal, natatakot ako sa pwedeng mangyari lalo na at walang kasiguraduhan. Natatakot akong muling mag-isa." Nagpatakan na ang mga perlas mula sa aking mga mata.
"Sino? Sinong nagsabi sa'yong iiwan kita Kalla? Ang mag-asawa ba? Nais ka lamang nilang agawin sa akin, nangako ako sa'yong hinding-hindi kita iiwanan." Halos magmakaawa na sa akin si Finn.
Nang nag-akma siyang hahakbang patungo sa akin ay umatras ako.
"H-Huwag ka nang lumapit sa akin, Finn. Binigyan na kita ng pabor, pinalalaya na kita. Walang kaligayahan sa babaeng katulad ko, laging may nakapagitan sa ating dalawa, may limitasyon at walang katapusang komplikasyon. Umalis ka na at hanapin ang babaeng itinakda sa'yo." Sinasaksak ng sarili kong mga salita ang nahihirapan kong dibdib.
"Pabor? Pabor ba ang tawag dito? Kalla! Pinapatay mo ako! No, hindi ako hihiwalay sa'yo, patayin muna nila ako. Hindi ako hihiwalay Kalla. Ano ba itong mga sinasabi mo? Masaya naman tayo, hindi ba? May mali ba akong nagawa sa'yo Kalla? Tell me, babaguhin ko. May ayaw ka ba sa ugali ko? Tell me, babaguhin ko Kalla."
Mahigpit akong umiling sa kanya, halos lahat ng katangian ng isang lalaking karapat-dapat mahalin ay nasa kanya. Wala nang hihilingin pa ang babaeng nagmamay-ari sa kanya.
"Finn, huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. Hanggang dito na lang tayo, hanggang dito na lang." Nanghihinang sagot ko.
"Ano ba Kalla?! Anong hanggang dito na lang?!" napapikit ako sa lakas ng sigaw niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/136779742-288-k210121.jpg)
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...