Chapter 25

216K 10.4K 1.1K
                                    

Chapter 25


Kapwa kami nakatitig ni Finn kay Haring Tiffon.

"Isa ang toreng siyang dinaanan ko ang kanilang pinaguho, dahilan kung bakit hindi na ako kailanman makakalabas pa nang mundong ito. Ngunit hindi ko ito pinagsisihan." Masuyong sumulyap ang hari sa babaeng nakaupo sa harap namin.

"Nais ko nga palang ipakilala sa inyo ang prinsesang bumihag sa akin, ngayon ay siyang aking reyna. Lumina Gazellian." Sabay kaming tumungo ni Finn biglang pagbibigay galang.

Pero mabilis rin ibinalik ni Finn sa usapan ang atensyon naming lahat.

"Isa lamang ang ibig sabihin nito, kailangan naming makabalik sa tore sa lalong madaling panahon."

"Maaari, ngunit papaano?" tanong ng hari.

"Papaano? Hindi ba at kayo mahal na hari ang lubos na dapat may alam nito?"

"Si Lorcan pa lamang ang nagagawang magpabalik-balik sa dalawang mundo." Sagot ni reyna Lumina.

"Saan siya dumadaan?" nagtatakang tanong ko.

"Walang nakakaalam," sagot ng hari.

Natigilan na kami ni Finn sa sinabi ng hari.

"Maaari ka ritong manatili, hija. Oo, kinatatakutan ang puting sumpa sa mundong ito pero hindi ito katulad ng pinanggalingan mo na kailangan ka pang pagmalupitan. You can stay here where you can feel the presence of freedom."

Ngumiti ako nang sabihin ito ng reyna, makakaranas na ako ng kalayaan na siyang pinakamimithi ko.

Masaya akong lumingon kay Finn pero hindi katulad ko mukhang hindi siya nasiyahan sa narinig namin.

"Lalabanan namin ang sumpa, lalabas kami sa tore ni Kalla. Makakaranas siya ng kalayaan sa mundong pinanggalingan namin."

"Finn hindi na natin kailangang magpakahirap pa, sa mundong ito hindi na ako matatakot, hindi na natin kailangan sumugal, hindi na nila ako titingnan bilang isang halima—" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang pumasok na sa isip ko ang bagay na kinatatakutan ko.

Bakit ko nga ba kailangang isama si Finn sa mundong hindi naman siya nararapat?

Wala siyang sumpang katulad ko, wala siyang dapat katakutan, hindi siya naghahangad ng kalayaan dahil meron na siya nito.

"Kalla, ilalabas kita sa tore." Nang lumingon na siya sa akin ay ramdam ko na ang pamamasa ng sulok ng aking mga mata.

"Finn, hindi ko hinihiling na manatili ka kasama ko.Kung nais mong bumalik sa tore hahayaan kita, wala akong karapatang pigilan ka." Agad niyang hinwakan ang mga kamay ko.

"No, ilalabas kita sa tore." Pilit kong tinannggal ang mga kamay ko sa kanya.

"Natatakot na akong lumabas na tore, Finn. Nakakatakot na ako sa mundong kung tingnan ako ay parang isang halimaw, siguro nga ay may dahilan kung bakit ako dinala ng tore sa mundong ito. Siguro ay ang mundong ito na ang tatanggap sa akin sa kabila ng sitwasyon ko."

"Minsan ba ay ipinaramdam ko sa'yo na hindi ka katanggap-tanggap, Kalla?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay hinayaan ko ang sarili kong maging ibon at lumipad papalabas ng bintana. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa aking pangalan.

Lumipas lamang ang ilang minuto ay kasunod ko na ang anyong ibon ni reyna Lumina. Hinayaan niya akong pumili ng direksyon at sinusundan niya lamang ako.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon