Chapter 31
After reading the entire revelations, all I did was to stare blankly at the file of books.
My knees and hands are both shaking from all of the information. My original plan was just read the werewolves version, I didn't plan to fully trust them since I am still a vampire.
But having the series of connection of events? From the disappearing empires, the conflict between vampires and werewolves, the disappearance of the goddess and the things I've found inside the tower.
I weakly sat down, wala sa sarili kong niyakap ang sarili ko sa tindi ng kilabot na nararamdaman ko.
Hindi ko akalaing ganito kalalim ang kwento at misteryo sa likod ng toreng siyang nagkukulong sa akin.
Bawat maliit na detalye ay may kwento at malaking nakaraan. At tanging ang mga nilalang lamang na may malalim na pag-iisip at pang-unawa ang isa-isang makapapansin dito.
Nang mapakalma ko ang aking sarili ay tumayo akong muli at naghanap ako ng malinis na papel at panulat.
I need to note down the important things. I started from the day when the goddess ran away and escaped.
She hid herself inside a tall tower, sealed and locked herself alone. Isinulat ko ito sa papel.
But I stopped in the midway of writing, isang tore lamang ang nakasaad sa libro. Pero sinabi ni Haring Tiffon na pitong tore ang may kakayahang gumawa ng lagusan patungo sa mundong ito.
Biglang sumakit ang ulo ko.
There were only four existing towers, dahil pinaguho na ang tatlo. Is it possible na walang koneksyon ang ibang natitirang tore sa aking tore?
Umiling ako sa sarili kong naisip. Imposibleng walang koneksyon ang mga tore sa isa't-isa.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat.
If the goddess stayed inside the tower, where is she now? I bit my lower lip. Lalong lumalala ang mga katanungan.
Is it possible that she went inside this world? Hiding. Hindi malayong mangyari ito.
Then, who made the white curse? Is it possible that the white curse was originally come from the goddess?
Halos sabunutan ko ang sarili ko. The books I've read are damn conflicting with one another.
Sinabi ng isang libro na nagmula ang puting sumpa sa isang pamilya na kapwa naging mga bato.
Shit!
After outlining everything, I wrote the most intriguing words.
Goddess
The four towers with their unusual life
This world
White Curse
The family
Tumigil muli ang aking panulat, alam kong ito lamang ang mga inilabas ng libro pero may parte sa pagkakatao ko na sumisigaw na isa pa akong dapat isulat.
May kulang.
Think Kalla, hindi ka nag-aral at nagbasa ng napakaraming aklat kung hindi mo malulutas ang simpleng palaisipang ito.
Siguro ay kalahating oras na akong nakatitig sa papel habang pilit iniisip ang isang bagay na maaaring makatulong sa akin.
Ano ang kulang, Kalla?
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...