Chapter 14
Habang patuloy sa pagputi ang aking buhok ay nakikita kong nagsisimula nang magkulay itim ang buhok ng babae.
Ipinapasa na nila sa akin ang sakit o kung anumang klase ng sumpang dumapo sa kanya.
"No!"
I tried to remove my hands but they pushed me brutally. Hanggang sa tuluyan nang maging puti ang aking buhok, kahit ang aking balat ay nagsisimula nang mamutla.
"I'm sorry," bulong nito sa akin bago siya hilahin papalayo sa akin.
Napasubsob na lamang ako sa sisidlan habang patuloy na lumuluha, hindi na ito tubig kundi isang kumikinang na perlas. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Gusto kong lumaban ngunit wala akong kakayahan, habang buhay na ba akong magiging api? Habang buhay magiging biktima? Anong nagawa kong mali sa mundong ito?
"Tumayo ka na! Kailangan ka nang lagyan ng cadena sa'yong leeg!" Sigaw ng isang kawal sa akin.
Sa takot kong muling hagupitin ng latigo ay pinilit ko ang sarili kong tumayo, pero masyado nang mahina ang katawan ko dahil kusa na itong bumibigay.
My whole body landed on the cold floor.
Alam kong pinapanuod ako ng napakaraming bampira at nalulungkot akong wala kahit isa sa kanila ang nagbukas ng kanilang mga mata para makita ang katotohanan.
Sapilitang hinawakan ng dalawang kawal ang mga braso ko, gusto kong magsalita at magmakaawa. Bawat galaw ng katawan ko ay may kapalit na hapdi at sakit, hindi na yata ako tatagal pa.
Sa nanlalabo kong mga mata ay pilit kong sinalubong ang mga mata ng isang kawal pero ang ikinagulat ko ay ang biglang pagputi ng mga mata nito, hanggang sa unti-unting mabalot ang katawan nito ng puting bato na kawangis ng kanyang pigura.
Nakarinig ako ng malakas na sigawan at singhapan ng mga bampira.
"Anong demonyo ang sumapi sa babaeng 'yan?!" bumitaw sa akin ang isang kawal.
Nagtataka akong lumingon sa isang kawal pero nang sandaling nagtamang muli ang aming mga mata ay bigla rin itong naging bato.
"Isang halimaw!" sigaw ng isang konseho.
"Anong nangyari sa puting sumpa?!" tanong ng panibagong bampira.
Nabalot ako ng takot sa aking sarili, anong nangyayari sa akin? Bakit sila natatakot sa akin?
Nang sandaling lumingon akong muli sa panibagong bampira at magtama ang aming mga mata ay agad itong naging bato.
"Halimaw!"
Kita ko ang pagtatakbuhan ng mga bampira dahil sa akin.
"Huwag kayong titingin sa kanyang mata! May sa demonyo ang kanyang mata!" sigaw ng isa pang konseho.
Si Prinsesa Theresa, ang reyna, ang hari at ang konseho ay dumistansya sa akin. They are all avoiding my eyes.
"Kill her! Just damn kill her!" sigaw ni Prinsesa Theresa.
"No! Hindi maaaring mamatay ang nagdadala ng puting sumpa, dahil may posibilidad itong lumipat sa inosenteng bampira sa imperyong ito na hindi na kakailanganin ng ritwal." Giit ng konseho.
May umatake sa aking likuran at marahas piniringan ang aking mga mata, naramdaman ko rin ang pag-cadena sa aking leeg.
"Saan natin siya ikukulong? Mapanganib siya kung mananatili siya sa palasyo."
BINABASA MO ANG
The White Curse (Gazellian Series #2)
VampireKallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trapped inside an ancient high tower, feared like a monster. But what if a wounded "magician" got lost i...