Chapter 20

219K 11.1K 2.5K
                                    

Chapter 20


Ito ba talaga ang nakasaad sa librong ibinigay sa akin ni Lorcan? How can a curse will be weaken through sex?

Sa tagal nang aking pagbabasa ng iba't-ibang aklat wala pa akong nakasalubong na ganitong klase ng paraan. Ngunit maaari ko ba itong ihambing sa ilang paraan ng mga bampira?

Most vampires used their mate's presence to gain their power back. Mabilis naghihilom ang mga sugat o maging karamdaman sa tuwing magkalapit ang dalawang bampirang itinakda sa isa't-isa.

It could be through exchanging of bloods, kiss, touch or making love. But that doesn't include us, hindi kami magkapareha ng salamangkerong nasa harapan ko.

It could be just lust? At gusto ko man itanggi ito ay hindi ko magawa. I've been attracted to him, even the way his fangs dig my skin and the way he looked at me.

Ibang-iba ito kay Lorcan, I can't even compare them with one another. Lorcan was friendly and always willing to help, but this man in front of me..he's—yes, he's also willing to help but there is something in his eyes..hiding..and it could very very dangerous.

I should be careful, I should distance myself because of this feelings, but all I can see is myself playing with fire.

Madaling hindi paniwalaan ang mga sinasabi niya, pero ito ako at tinatanggap ang mga sinasabi niya.

And this is madness.

It could be lust, it could be lust Kalla.

Kasalukuyan nang naglalabasan ang mga pangil ng salamangkero, mga matang nagniningas at ang kamay nitong humahaplos sa aking pisngi.

Kusang pumipikit ang mga mata ko. When I tried to open my eyes again, looking at him between dark fabrics it didn't even hinders me to adore his fascinating face.

Napakakisig niyang salamangkero.

Mas lalong lumalim ang mga titig nito, mga pangil nitong handang kumagat sa bawat parte ng aking katawan at ang magaang haplos niyang nakatutunaw.

"S-Salamangkero.."

"Will you allow me?" His thumb caresses my lips.

Lalong tumindi ang panunuyo ng lalamunan. Hindi ko magawang makasagot at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang agos ng tubig na nagmumula sa labas.

"Hinding-hindi mo ito pagsisihan, Kalla. Paliligayahin ka nang bawat parte ng aking katawan." Hinuli ng kanyang kanang kamay ang ilang hibla ng aking buhok at masuyo niya itong hinalikan habang ang mga mata'y nakatitig sa akin.

"N-Natatakot akong—" tipid itong ngumiti sa akin.

Muli itong bumaba at bumulong sa akin.

"Allow me to close your eyes, hayaan mo akong magsilbing mga mata mo." I want to pull my hair for nodding at him.

Ngumisi ito sa ginawa kong pagtango sa kanya. Mabilis itong nakababa sa lamesa at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Inalalayan niya akong makabangon ngunit hindi niya ako hinayaang makababa sa ibabaw ng lamesa. He draws another handkerchief from his suite, mabilis siyang naglaho sa harapan ko hanggang sa maramdaman kong nasa likuran ko na ito.

"We'll not be using your veil, Kalla."

Ramdam kong ibinuhol niya lamang muna ang dulo ng panyo at hinayaan niyang sumampay muna ito sa aking leeg.

"S-Should I get down?" nangangatal na tanong ko.

Muli itong nagpakita sa harapan ko, ang makisig na salamangkero. Umiling ito sa akin habang nagniningas ang kanyang mga mata.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon