CP One: Don't

221 57 24
                                    

"Alpha! Beshy! Want some drinks? Or any foods? Uuwian kita malapit na ko medyo traffic lang kasi" malambing na chat sakin ni Karen. Baka mag papadrawing nanaman siya sakin ng paborito niyang Kpop artist, kaya naisipan akong tanungin kung ano gusto ko.

"Haha. Alam ko na yan! Buy me regular fries and sundae as always" reply ko. Alam niya na yun. Dahil madalas niya kong bilan ng fries at sundae twing malalate siya ng uwi.

"Alright, wait for me, after 10mins I'll be there" sagot niya sakin.

Nag luto na ko ng makakain namin. Para pag dating niya dito sa boarding house kakain nalang kami. Hindi pa naman ako masyadong gutom kaya hihintayin ko na lang siya.

*knock knock*

Teka baka siya na yun. Binuksan ko ang pinto. Ngunit ni isang tao sa labas ay wala akong naaninag. Anong meron? Nasan sila? Maaga pa ah. Bakit walang batang nag lalaro? Sinarado ko na kaagad yung pinto, baka hindi katok yung narinig ko. Pumunta ulit ako sa kusina para mag ligpit.

*Pst! You have one message*

May nagtext sakin. Si karen.

"Alpha, ilock mo yung pinto."

Huh? Nilock ko na kanina, teka icheck ko ulit.

*Boooogsh*

San galing yun? Parang narinig ko sa.. sht! bukas yung pinto. Naka double lock to. Imposibleng mabuksan to ng kahit sino. Kahit si karen hindi to mabubuksan. Dahan dahan akong lumapit sa pinto para tignan kung may tao pero kumuha muna ako ng mabigat na bakal na maaaring pang hampas sa mag nanakaw.

"May tao ba dyan?" Tanong ko. Habang unti unting papalapit sa pinto. Narinig ko biglang may nagsalita. Bumukas yung TV. huh? Sira yun panong nag bukas? Tumakbo ako kung saan nakalagay yung TV, pag punta ko ay naka patay naman ito. Nababaliw na ba ko? Mali ba ko ng rinig? Pero HINDI! Narinig ko talaga. Tumakbo ulit ako malapit sa pinto hawak ang bakal hindi ko pa pala nasasara to.

"Kung may tao man dyan, lumabas ka. HINDI AKO NATATAKOT SAYO!" sabi ko. Nakarating na ko sa pinto ngunit wala namang tao. Akala ko ay mga bata na nag lalaro, ngunit wala talagang batang nag lalaro. Sinarado ko agad ang pinto at muling tinawagan si Karen. Sumagot naman ito agad.

"Hello? Beshy! Nasan ka na ba?! 10mins lang sabi mo! 30mins na wala ka parin!" Sigaw ko sa kaniya na may halong kaba.

"Eto na! Nakabili na. Pauwi na ko" Sagot niya. "Namimiss mo nanaman ako? Ilang oras lang tayong di nag kita" dagdag pa nito.

"Faster!" Sigaw ko ulit. Sabay patay ng tawag.

Pumunta ako sa sala kung saan natatanaw ko ang pinto. Hawak ang cellphone at nag sesearch ako ng pwede kong idrawing mamaya.

*Knock!* *knock!*

Eto na talaga siya. Binuksan ko ang pinto at nakita siyang dala dala ang pinabili kong fries at sundae. Dumaan lamang siya sa harap ko na parang hindi niya ako nakita, ni hindi niya manlang inabot sakin yung pagkaing pinabili ko. Dumiretso lang siya sa kusina.

"Beshy! I'll cook your favorite adobo" masayang sabi ko sa kaniya upang masabag ang katahimikan. Ngunit hindi manlang ako nakarinig sa kaniya ng kahit anong komento.

"Lets eat, beshy! Gutom na ako. Ang tagal tagal mo kasi kanina eh. Pero hinintay parin kita" saad ko ulit ng may halong lambing, ngunit hindi niya nanaman ako pinansin.

"May problema ka ba? Galit ka ba sakin? Sorry napatayan kita kanina" sabi ko ulit, pero hindi niya nanaman ako pinansin. Nakatalikod siya sakin at nung bigla kong sinabi yon, ay hininto niya ang kaniyang ginagawa. Tinitigan ko siyang nakalikod, unti unti siyang humaharap sakin. Teka kinakabahan na ko ha.

*blagshhh!*

"Ano yun?" Tinignan ko kung ano yung nabasag. Litrato ko. Nabasag yung frame. Bakit? Wala namang gumagalaw ah. Ano bang nangyayari? Di ko na maintindihan.

"Alphaaaaaa!" narinig kong sigaw ni karen. Tumakbo ako papunta sa ka niya.

"Anong nangyari? Anong nangyari sa kamay mo? San ka nabubog?" Saad ko. Nanginginig yung kamay niya. Nag dudugo. Kumuha ako ng medical kit para gamutin ang sugat niya, at bumalik na din kaagad.

"Karen?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko siya. Kinabahan ako. Nakakatakot. Naka tingin siya sakin. Her eyes. umiikot yung mata niya ang bilis. Yung daliri niya hindi ko maintindihan kung bakit ganon may maikli may mahaba..

Unti unti siyang lumalapit. Habang umiikot ang ulo niya. Nakatalikod na lumalakad papunta sakin. Tumakbo ako papuntang kwarto. Nilock ko. Nag talukbong ako.

*Ring* *Someones calling*

Karen? Tumatawag si karen? Sinagot ko kaagad.

"Hello! Bes! Pauwi na ako. Sorry may inasikaso pa kasi ako. uwian na lang kita ng favorite mo!" Sabi niya sakin.

"Huh?" Tanong ko. Na naguguluhan. Nanaginip ba ako kanina? Ang weird ng panaginip ko. Nakakatakot.

"Anong huh? Oo na may ipapadrawing ako sayo mamaya hihi. See you!" Sabi niya sabay patay ng tawag.

Nananaginip ba talaga ako? 8pm na pala. Nakaluto na ko kanina. Lumabas ako ng kwarto. May babaeng nakatayo sa kusina. Parang nag hihiwa. Si karen? Kahawig ni karen. Siya ba to? Teka katatawag niya palang sakin pauwi pa lang siya.

"Karen?" Tinawag ko siya ng pabulong lang. Hininto niya ang hinihiwa niya at tumingin sakin.

"Oh bes, gising ka na pala. Nahimatay ka kanina nung nabubog ako. Kaya dinala na muna kita sa kwarto mo. Siya nga pala pinainit ko na 'tong niluto mo, gigisingin pa lang kasi sana kita upang kumain" sabi nito sakin.

Akala ko nananaginip ako pero totoo palang nangyari yun. Sino ba tong kaharap ko? Sino yung tumawag sakin? Naguguluhan na ko. Baka panaginip ko nanaman to.

"Teka lang beshy, cr lang ako saglit" tumakbo ako papuntang comfort room pero bago ako umalis ngumiti siya sakin. Nakakatakot yung ngiti niya. Trinay kong tawagan si Karen. Malakas yung ring ng phone niya. Sigurado akong maririnig ko iyon kapag tinawagan ko siya.

"Hello beshy? Malapit na ko don't worry" Bungad nito sakin.

"Karen? Bes? Ikaw ba yan? Sht. Umuwi ka na bilisan mo. Pleaseeee." Nanginginig kong sabi sabay patay ng tawag. Natatakot ako. Hindi ako makalabas ng cr. Sino ba yung babaeng yon?

*Knock!* *knock!*

"Alpha, dinner is ready. Come out from there" Sabi niya sakin. Ibang boses ang gamit niya. Alam kong hindi si Karen 'yon.

*knock!* *knock!*

Karen? Si Karen na ba yun? Nakailang minuto siyang kumakatok. Binuksan ko dahan dahan ang pinto ng cr. Walang tao. Wala na yung Karen na isa. Namalikmata ba ako? Wala ring kutsilyo sa lamesa na ginamit niya. Nag madali akong pumunta sa pinto. Binuksan ko agad.

"Karen?" Tawag ko. Sabay niyakap ko siya ng mahigpit

"Bakit beshy? Anong nangyare?" Tanong niya. Naiiyak na ko sa takot ngunit hindi ko parin masabi kung ano ang nangyari. Baka pag tawanan niya lang ako.

"Wala. Kain na tayo" sagot ko. Habang pinupunasan ko ang aking luha.



****

QuinLx: Are you still there? Let see kung hanggang saan ang tapang mo.

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now