CP Twenty: Code.

34 18 1
                                    

Habang nag lalakad kami tinitignan ko pa rin yung kahon. Pano kaya to?

"Papasok ba tayo sa bahay niyo?" Tanong ni Anton.

"Oo titignan ko kung pwede yung susi dito parang yun yung susi eh" Sagot ko.

"4 numbers? Ano kaya to?" Bulong ko. Habang nanghuhula sa mga numbers.

"Nasan na yung kotse ko?" tanong ni Anton. Habang papalapit kami sa bahay.

"Ayun oh" tinuro ko nasa gilid ng bahay.

"Diba dito natin iniwan yan?" tanong ni Anton.

"Naglakad mag isa. Halika na pasok na tayo" sabi ko at pumasok na nga kami. Hinanap ko yung susi na ginamit kay Anton.

"Eto yung isa" inabot niya sakin yung isang susi.

"Ako na lang mag hahanap ikaw na mag try" sabi niya at ako naman ay binaba ko yung kahon kaso ayaw pumasok nung susi.

"Ayaw hindi eto yun" sabi ko.

Binigay niya yung dalawa pang susi.

"Ayun! Nabuksan ko na yung sa lock na susi!" Sigaw ko.

"Pano naman yung code? 4 numbers" bulong niya.

Tinignan ko yung susi ang nakalagay na number ay 012. Trinay ko isa isa.

0121, 0122, 0123 pati 1012, 2013, 3012.

"Ayaw ba?" Tanong ni Anton habang nag hahanap pa ng ibang clue sa code.

"Ayaw naman" sagot ko.

"Tignan kaya natin yung sumunod na line. Blue line baka may clue don. Gusto kong makita yung nasa loob neto. Baka siya yung babaeng namatay sa puting bahay" sabi ko kay Anton.

"Teka. Eto oh. Blue line sa bahay na may nakakulong na babae na pinuntahan ng limang tao" sabi niya.

"Apat lang tayo non. Wag kang ano dyan kinikilabutan ako eh" sabi ko.

"Puntahan na natin?" tanong niya.

"Bukas na lang gabi na oh" sagot ko.

"Tyaka napapagod na din ako" Dagdag ko pa. Sabay napaupo na lang ako. Ramdam kong tumutulo yung luha ko.

"Tama na yan. Mahahanap din natin sila matatapos din tong problema na to" sabi niya. Tapos pinasandal niya ko sa balikat niya.

"Puro na lang problema. Gusto kong malaman kung bakit namatay si Alyssa. Tapos si Angelica pa. Si Kristine nag bigti. Si Leanne nawawala. Wala ng balita sa kanila. Tapos yung mga kasama pa nating nag iimbestiga nawawala din. Ano ba yaaaaan" sabi ko sa kaniya di ko mapigilan yung luha ko.

"Mag pahinga ka na lang muna" bulong niya.

*****
[Anton's POV]

Pano ko bang masasabi sa kaniya? Nahihirapan na siya. Ang hirap para sakin makita niyang umiiyak. Gusto ko siyang tulungan pero hindi pwede.

*****

[Alpha's POV]

Nagising na lang ako nandito na ko sa kwarto. Ang linis ng bahay.

"Anton?" bulong ko. Nasan si Anton? Lumabas ako ng kwarto pero wala siya. Pumunta ako sa kusina baka nagluluto siya, pero wala pa din.

Hinanap ko yung cellphone ko. Para tawagan siya.

*Calling Anton Gomez*

"Sorry you're out of load bal.."

Hays. Wala nga pala akong load. Ano ba yan. Kagandang cellphone walang load. Tapon ko na yata to.

*Pst! You have one message*

"Anton:

Teka bibili lang ako ng pag kain natin. Wala man lang kasing pag kain dyan. Nagugutom na ko hihi."

Kala ko ba naman pati siya iniwan na rin ako. Bumili lang pala ng pag kain.

Tiningnan ko yung kahon parang bukas naman na. Tanggal yung lock na code.

"Eto na mcdo mo kain na tayo" biglang nagsalita si Anton sa likod ko.

"Tignan mo to! Nakabukas na yung kahon" kinakabahan ako panong nabuksan to?

Lumapit siya tapos tinawanan ako. Tiningnan ko siya

"Sakin ka pa ba walang bilib?" Sabi niya tas tumawa ulit.

"Pano mong nabuksan?" Tanong ko.

"Hinulaan ko. Hindi ako nakatulog kagabi no kakahula dyan. Inisa isa ko 10000, 0002, 0003, 1000, 1002 jusko kita mo eyebags ko laki na" sabi niya. Tas pinakita yung eyebags nya haha mukhang ewan.

"Ano code?" Tanong ko.

"0820 yata" sagot niya.

"Ano laman?" Tanong ko.

"Di ko alam di ko tiningnan. Natatakot ako eh" sagot niya nubayan kalalaking tao eh.

Binuksan ko yung kahon. Shit! Natapon ko yung kahon.

"Bakit?" Tanong ni Anton. Ano laman.

"Sa dinami rami bakit manika pa laman nyan! Hays" Sigaw ko. Kinabahan ako bigla. Tss.

"Oo nga pala takot ka nga pala sa manika" sabi niya. Unti unti niyang nilapitan yung manika. Tapos tinignan niya.

"May nakasulat oh. Nakita ko sa bulsa ng damit niya" binigay niya yung sulat sakin.

"6444552 ? " bulong ko.

"Parang nakita ko na to" sabi ko ulit.

"Kumain na muna tayo at para mapuntahan na natin yung blue line. Itatago ko muna ulit tong manika sa kahon. Hahanap pa ko mamaya ng clue" sabi ni Anton. At tinago niya na nga yung manika.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now