"Dito ba yung daan noon? Papuntang bus station?" tanong ko kay Anton.
"Oo dito yung natatandaan ko eh. May tindahan na malaki na madadaanan" sagot niya.
"Eto na yata yun" tas tinuro niya.
Bumaba kami pinuntahan namin yung kwarto kung saan nakita namin si Mika noon.
Pag tingin namin sa labas puro dugo may kutsilyo pa. Dali dali naming binuksan ni Anton yung pinto. Pag bukas ko ng pinto nakatali si Mika. Parang ganito yung nangyari sa kaniya noon.
Pinuntahan ko siya tinanggal ko pag kakatali. May sugat siya sa braso pero hindi ganon kalalim.
"Ako na gagamot. May dala akong first aid kit" biglang nagsalita si Anton sa gilid ko.
Tiningnan ko yung blue line kung saan patungo medyo malapit lang naman yata.
"Tapos na. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Anton.
"Gusto akong patayin ni Karen! Kinuha niya si Jamie! At James!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Mika.
"Buhay si James?" Bulong ko.
"Oo buhay siya. Kinuha siya ni Karen" sabi ni Mika.
"Eh nasan sila? San niya dinala?" Tanong ni Anton.
"Hindi ko alam. Iniwan niya lang ako dito. Ilang beses akong nag makaawa sa kaniya pero wala parin" kwento niya habang nag pupunas ng luha.
"May pupuntahan pa kami. Sinusundan namin yung blue line. Kung gusto mo sumama ka samin o mag pahinga ka muna sa bahay ilock mo yung pinto" sabi ko sa kaniya.
"Masyadong delikado sa bahay niyo, gusto mo dun ka muna sa bahay dun ligtas ka. May pag kain din don kuha ka nalang kapag nagugutom ka" sabi ni Anton.
Hinatid na muna namin si Mika sa bahay nila Anton. At bumalik na din kami sa bus station para tingnan yung blue line.
Unti unti naming sinundan hindi na kami nag lakad dahil wala namang blue stone na kagaya dun sa red line.
"Eto na last. Ano meron dito? Puro damo" Tanong ni Anton.
"Aaaaaaaaaaaaaah!!!! Shit!!!" Napasigaw na lang ako. Biglaa nalang tumulo yung luha ko sa nakita ko.
"James?!" Wala na ring ibang masabi si Anton.
"SINO SUSUNOD?! AKO?!" Sigaw ko kasabay ng mga luhang pumapatak sa mata ko.
"Sinong gagawa nito sayo? Jameeeeees!!!" Pinipilit niyang pabangunin si James. Haaaaaaays.
"Ayoko na Anton" bulong ko.
"May sasabihin ako sayo" bulong ni Anton. Humarap siya sakin tapos hinawakan yung kamay ko.
"Ano yun?" Tanong ko habang pinupunasan yung luha.
"Di ko alam kung mapapatawad mo pa ko. Sorry. Sorry sa lahat" sabi niya. Napatingin nalang ako.
"Bakit anong kasalanan mo?" tanong ko.
*Someone's Calling*
095638*****"Hello? Sino to?" tanong ko.
"Alpha nandito kami sa puting bahay na pinuntahan natin noon. Tulungan mo kami bes" sabay patay nung tawag. Alam kong kay Jamie yung boses na yun.
"Kailangan na natin silang puntahan halika na" aya ko kay Anton.
*Someone's Calling*
093678*****"Hello?" Tanong ko.
"Kambal sasama ako sa inyo. Gusto kong tumulong" Narinig kong boses ni Mika sa kabilang linya. Sabay pinatay yung tawag.
"Puntahan muna natin si Mika sa bahay nyo bago tayo pumunta sa susunod na bahay" sabi ko kay Anton.
"Pano si James?" Tanong niya.
"Sabihin nalang natin sa pulis" sagot ko.
Pinuntahan namin yung pulis at inireport namin yung nangyari kay James. Nag imbestiga naman sila. Pagtapos ay pinuntahan na namin si Mika sabay dumiretso na kaming tatlo agad sa puting bahay.
Habang papunta kami ay naramdaman kong tumutulo nanaman yung luha ko. Ang dami na palang nangyari sa mga nakaraan.
"Sana ako na lang yung pinatay kesa sila. Sana sakin na lang binaling lahat ng galit nung pumapatay. Sana ako na lang para wala ng nadamay. Kasalanan ko lahat to eh" bulong ko. Siguro naman narinig ako nung salamin na kaharap ko.
Mapapabuntong hininga ka na lang talaga sa mga nangyayari.
"Dito na tayo" biglang sabi ni Anton. Bakit ang bilis? O sadyang naligaw lang kami nung una naming punta.
Pagkababa namin ay tiningnan ko yung bahay. Ang laki pala talaga kaya kapag di mo kabisado maliligaw ka talaga.
Bukas yung pinto nung bahay kaya binuksan ko na. Ako yung unang pumasok.
"Teka lang" hinawakan ni Anton yung kamay ko.
"Sorry" bulong niya. Tapos niyakap niya ko.
"Para san?" tanong ko.
"Nandyan ka na pala. Ang tagal na kitang hinihintay" May narinig akong nag salita sa likod ko.
"Leanne?" Bulong ko.
*****
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...