CP Five: Flower

61 43 9
                                    

[ Alpha's POV ]

Bumalik na muna ako sa bahay upang makapag isip isip muna sa mga nangyayare ngayon. Habang sila Karen sinundan si Angelica. Bestfriend kasi namin noon si Angelica kaso nag kagulo gulo kami. Mag sosorry pa sana kami ni Karen kay Angelica kaso ganyan naman ang nangyari. Hindi man lang kami nakapag sorry sa kaniya. Hays.

"Pst!"

Huh? Sino yun? Nilingon ko ang paligid. Eto nanaman ba tayo sa hanapan?

"Angelica? Ikaw ba yan?" Bulong ko.

Kinakabahan ako. Sumarado lahat ng bintana, pati pinto papuntang kwarto ko. Gumagalaw lahat upuan.

"Lumabas ka! Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko sa kaniya. Parang familiar tong pang yayari na to. Nilingon lingon ko ang paligid.

Nakita ko sya sa salamin. Umiiyak ng dugo. Wala yung isang mata. Nakakatakot. Ang dilim ng paligid ako at sya lang ang nakikita ko. Nanghihingi sya ng tulong.

"Alyssa?" Bulong ko habang nakatingin sa kaniya. Unti unti kong naramdaman na may pumapatak na luha sa mga mata ko.

"Tulungan mo ko Alpha." Sabi niya at ramdam ko ang lungkot at luha sa mukha niya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ang tagal na kitang hinihintay, Sobrang namimiss na kita" Gusto ko syang lapitan. Gusto ko sya hawakan at yakapin ng sobrang higpit.

Walang halong takot ang naramdaman ko. Nanghihina ako. Wala manlang akong ibang magawa kundi ang umiyak. Dahil alam kong wala na sya. At lahat ng nakikita ko ay  sa tingin ko hindi totoo.

"Sorry, hindi manlang kita mahawakan. hindi manlang kita mayakap. Alam kong hindi na maibabalik ang lahat. Tulungan mo ko." naiiyak nyang sabi. At patuloy rin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Sino gumawa niyan sayo?" Tanong ko sa kanya.

Lalapitan ko sana siya ngunit bigla siyang nawala. Nagliwanag ang lahat ng paligid. Nanghihina ako. Nahihilo. Wala na kong ibang maalala kundi yon.

*****
Nagising ako andito na ko sa kama. Huh? Anong nangyari? May naaninag akong babae. Unti unti siyang lumapit sakin.

"Mika?" Tanong ko nang makita ko siya. Inirapan ko sya dahil naalala ko lahat ng nangyari samin.

"Oh? Bat naman ganyan ang reaksyon mo? Nakita kasi kita kanina nakahiga sa sahig." Sagot niya. Habang inaayos ang mga bag nya sa ibaba.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, binibisita ka. Ayaw mo man lang bang makita ang kambal mo?" Sagot niya habang medyo tumatawa.

Yes. Kambal ko siya, and last na nakita ko sya may tampuhan kami. Kaya medyo nasungitan ko siya.

"Nakita ko si Alyssa kanina." Sabi ko sa kaniya.

Natigil siya sa ginagawa niya, at biglang tumingin sakin.

"Wala na si Alyssa. Hayaan mo na siya" titig niya sakin habang nag sasalita. Saglit lang ay inalis niya na ang tingin niya sakin, at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

"Hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ko nahuhuli ang pumatay kay Alyssa" saad ko, tinignan ko ang phone ko kung saan kami pa ring dalawa ni Alyssa ang naka wallpaper.

"Hayaan mo, tutulungan kita." Nagulat pa kong sabi ng kambal ko. Seriously? Tutulungan niya ko? Ano nakain neto?

*****
[ Karen's POV ]

"May alam ka pa bang pwedeng gumawa neto kay Angelica?" Tanong ni James saken.

Kanina pa tahimik ang paligid mula basagin ni James ang katahimikan.

"Hindi ko alam, wala akong alam! Pero kung sino man siya humanda siya! Una si Alyssa! Pangalawa si Angelica! Sino sumunod?! Ako?!" Sigaw ko. Naiiyak nanaman ako. Sht. Hindi ko mapigilan ang galit ko, at umalis na ko.

"Uy Karen! hintayin mo nga ako. San ka ba pupunta?!" Sigaw ni James sakin.

Pumunta ako sa play ground, sa gilid ng hospital kung saan inoautopsy si Angelica. Umupo ako sa damuhan. Madilim na kaya mas maganda ng dito muna ko.

"Saksi ako sa pag kamatay ni Alyssa" Sabi ni James. Sumunod pala siya. Teka alam niya?

"Huh? Alam mo kung sino pumatay kay Alyssa?" Natigil ang pag patak ng luha ko ng marinig ko kay James yon.

"Oo, Nandon ako. Pero hindi ko kilala yung babaeng pumatay sa kaniya" Sagot niya.

"Babae?!" Sigaw ko.

"Oo, babae, mahaba ang buhok. Hindi ko nakita yung mukha niya likod lang ang nakita ko. Nakita kong may hila hila siyang babae, ngunit sa takot ko ay pumunta na lang ako agad sa mga pulis para mag report" Napaisip ako. Sino yun?

"Mad'describe mo ba yung babae?" Tanong ko.

"Mahaba ang buhok. Hindi ganon katangkaran. Payat, at may tattoo sa paa right side flower" sagot niya.

"Shit" bulong ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Isa samin ang pumatay kay Alyssa" sagot ko. at biglang napatingin si James.

"Huh? Kayo? Sinong kayo?" Tanong niya sakin na parang naguguluhan.

Umalis na ko at umuwi sa bahay. Iniwan ko na si James sa play ground. Payat, mahaba ang buhok, hindi ganon katangkad at may tattoo na flower sa paa. Walo kaming may tattoo sa paa na flower.

Ako, si Alyssa, Si Alpha, Si Mika, Si Kristine, Si Leanne, Si Angelica, at Si Jamie. Kung totoo ang sinasabi niya. Dapat walang makakaalam na sinabi sakin ni James yon. Isa samin ang pwedeng maging killer.

"Mika?" Nakita ko siya sa sofa, nakatingin sakin.

"Hi sweetie" sabi niya saken. Sabay beso beso.

"Oh, musta? Tagal mong di nag pakita ah? Buti nakita mo tong boarding namin" tanong ko sa kaniya.

"Madali lang naman mag tanong eh. De joke lang sinabi sakin ni Kristine location niyo" sagot niya. Sabay tawa.

"nabalitaan mo na ba tungkol kay Angelica?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya. Mukhang di niya pa alam.

"Nakita na lang siya malapit sa bahay na inuuwian niya na wala na siyang isang mata at wala na siyang puso bali bali yung mga katawan niya at yung ulo niya mahahatii na sa katawan niya" sagot ko medyo naiiyak nanaman ako naaalala ko sya. Hindi tao ang gumawa non sa kaniya kundi hayop. Walang puso ang gumawa non. Hindi makunsensya

"Ha? Saan? Bakit paano? Nasan siya?! Gusto ko syang puntahan! Papatayin ko ang gumawa neto sa kaniya!" Galit na galit niyang sabi. Humahagulgol na siya sa iyak. Ramdam ko ang galit na nararamdaman niya. Maski ako ay gusto ko ring patayin yung gumawa non sa kaniya.

"Bukas na lang natin siya puntahan. Mag pahinga muna tayo ngayon. Diyos na lang ang bahala sa taong gumawa non sa kaniya." Sabi ko kay Mika. Pinunasan ko ang luha ko. Wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang. At ibigay ang hustisya na nararapat.

Pumasok na ko sa kwarto ko. May isa pa namang kwarto kaya dun na natulog si Mika. Iniisip ko pa rin kung sino gumawa non kay Angelica. Parehas na nangyari. Baka iisang tao lang ang gumawa non. Kailangan kong malaman kung sino. Mag iimbestiga ako.

*****
QuinLex: Alpha, Mika, Kristine, Leanne, Jamie at Karen. Who is the killer? Angelica and Alyssa Died. ❌ Who's next?

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now