CP Twelve: White House

38 30 0
                                    

"Nakita niyo naba sila Karen?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa nga din eh. Di pa rin namin sila makontak" sagot ni Jamie.

Tinignan ko si Mika. Naalala ko nasa kaniya phone ni James.

"Baka naman nakila James sila?" Tanong ni Justin.

"Tara puntahan natin" sabi ni Jamie.

"Sasama ako" sabi ko sa kanila. Gusto ko lang ring makasiguro na ligtas sila.

"Mika mag pahinga ka muna dito. May mga pasa at sugat kapa. Hindi pa magaling" sabi ni Anton sa kaniya. Pumayag naman si Mika kaya naiwan siya sa bahay. Kaming apat ulit ang pumunta.

May kutob talaga akong si Karen ang pumapatay. Kaya delikado si James sa kaniya. At nandito na nga kami sa bahay nila James.

"Alpha! Nakita ko to sa gate nila James" tinawag ako ni Jamie at ipinakita ang sulat.

"From James,

Guys tulungan niyo ko."

"Patingin nga" sabi ko. Ibinigay naman ni Jamie yung note sakin.

"Sabi ko na ba si Karen ang killer!" Sigaw ko sa kanila. Nang gigigil nako. Hays.

"Guys! May nakita pa kong note galing kay karen" sabi ni Justin

"From Karen,

Kung mabasa niyo man to. Please tulungan niyo po kami ni James Dela Cruz. Nandito po kami ngayon sa Villa Gonzaga sa may malaking puting bahay. Di namin alam kung sino ang nag dala samin dito please tulungan nyo kami."

"Fake yan! Kung nandon sila bakit napunta dito yung letter?" Sabi ko. I'm sure hindi talaga totoo yun.

"Baka naman totoo tong sinasabi ni Karen?" Sabat ni Justin.

"Kung talagang totoo yan. Dapat dun sa letter ni James kasama yung pangalan ni Karen" sabi ko.

"Puntahan natin?" tanong ni Anton.

"Baka patibong yan." Sabi ko.

"Sige kami nalang ni Justin ang pupunta" sabi ni Jamie.

"Hindi. Sige sasama ako" sabi ko nalang. Ayokong mag punta sila dun ng sila lang no.

Pumunta na nga kaming apat sa Villa Gonzaga para hanapin yung malaking puting bahay. Sila naman nag tanong kung saan yung Villa Gonzaga. Baryo daw yon. Baryo pero may malaking puting bahay? Sabi ko na hindi totoo yun e. Inabot ng 3hrs dahil kumain pa muna kami ng tanghalian.

"Welcome to Villa Gonzaga" bulong ni Anton.

"Andito na tayo" bulong ko din at tumingin siya sakin.

Walang katao tao. May mga bahay pero layo layo sila. Bukid. Iilan lang at wala pang tao. Nasan sila? Humigit 2 oras na naming nilalakbay tong Villa Gonzaga. Walang kanto. Iisa ang daan at one way pa. Medyo bundok at puro puno din parang gubat na nga dito.

"Anton" bulong ko.

"Parang sobrang layo naman yata neto. Hindi kaya kadulu duluhan tong bahay?" Sabi ni Anton.

"Anton parang nadaanan na natin to kanina" bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Huh?" Nagtatakang sabi ni Anton.

"Paikot ikot lang tayo dito Anton!" Sigaw ko sa kaniya.

Tinawag namin si Jamie at Justin.

"Bes umuwi nalang tayo. Feeling ko paikot ikot nalang tayo dito" sabi ko sa kanila.

"May dala kayong flash light? Guys dumidilim na" sabi ni Justin.

"May flash light cellphone ko" sagot ni Anton.

"3 hours na nating nilalakaybay to. Nakita ko yan kanina ng tatlong beses. Parang umikot lang tayo" sabi ko sa kanila.

"Oo ako din hindi lang tatlong beses. Para ngang paikot ikott lang tayo" sabi din ni Justin.

"Balik na tayo. Parang niloloko lang tayo ni Karen. Baryo to wala namang puting bahay dito" Sabi ni Anton.

"Sige tara na" sabi ni Jamie.

Pag balik namin sa sasakyan. May naaninag ako sa center mirror tiningnan kong mabuti.

"Aaaaaaaaaaaaah!!!!!!" Sigaw ko. May babae! Nakakatakot yung mukha niya. Sunog yung buong katawan niya at puti yung dalawang mata.

"Anong nangyari?!" Tanong sakin ni Anton.

"Wag mokong hawakan!" Sigaw ko. Pag gilid ko sa pintuan ng sasakyan.

"Woaaaaaaaaah!!!!!" Yung babae! Nasa harapan ko! Nakakatakot. Tinanggal niya yung ulo niya hinarap niya sakin. Tumalikod ako. Nanghihina na ko. Tama na! Nakita ko si Anton sinasakal sya nung babae.

"Anton!!!!" Sigaw ko. Pinipigilan ko yung babae. Tumingin siya sakin. Mas nakakatakot dahil nakita ko yung buong mukha niya. May tahi yung bibig niya. Sobrang puti ng isang mata niya. Yung kabilang mata niya umiikot. Naiiyak na ko. Natatakot nako.

"Anton" bulong ko.

*Knock*knock*

Napatingin ako sa salamin. Si Jamie! Pag tingin ko ulit kay Anton wala na yung babae. Pero ramdam ko yung sakit ng pag kakasakal niya kay Anton. Binuksan ko yung pinto.

"Anong nangyari?!" Tanong ni Jamie.

"Hindi si Karen ang pumapatay! May demonyong pumapatay!" Sigaw ni Anton.

Bumaba kami ng sasakyan ni Anton.

"Guys!" Sigaw ni Justin. May tinuro siya bandang kaliwa.

"Puting bahay?" Bulong ko.

"Kanina naman wala yan ah?" Bulong ni Anton.

"Nakakatakot" sabi ni Jamie.

Hinawakan ni Justin kamay ni Jamie.

"Wag kang matakot" bulong ni Justin.

"Pupuntahan ba natin?" Tanong ko.

"Tara na andito na tayo" sabi ni Anton.

"Tara walang mag hihiwa hiwalay" sabi din ni Justin.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now