CP Two: Schooling Period

157 51 17
                                    

[Mira Alpha Santos POV]

"ARAY KO NAMAN!" Sigaw ko. May bumangga sakin. Kasakit ng braso ko. Hays.

"Sa susunod kase tignan mo dinadaanan mo!" Sigaw rin ng lalaking bumangga sakin.

"Ikaw na nga nakabangga, ikaw pa tong may ganang magsabi niyan. Eh hindi mo din naman ako nakita." Mahinahon ko ng sinabi dahil pinag titinginan na kami ng mga istudyante sa paligid. Kinuha ko yung bag ko at librong nahulog sa pag kakabangga niya.

"Alpha beshy!" Tinawag ako ni Karen habang kinakawayan ako. "Anong nangyari?" Tanong niya sakin, habang tinutulungan akong tumayo.

"Wala may lalaki kasing walang respeto na bumangga sakin, ni hindi man lang ako tinulungang tumayo" Sagot ko sa tanong niya.

"Gwapo ba?" Nang aasar na tanong niya.

"HINDI ! " Pasigaw kong sagot. Nakakainis. Wow ha? May gana pa siyang tanungin yon.

"Ano ba itsura?" Tanong niya ulit na parang nangungulit na nang aasar.

"Di ko alam. Hahaha. Kaya nga sabi ko hindi eh. Kasi hindi ko naman nakita yung mukha niya" HAHAHAHA eh hindi ko naman kasi talaga nakita, at panigurado pangit yon. Pangit ugali eh.

Naghiwalay na kami ni Karen dahil hindi ko naman siya kaklase. Mag kaiba kami ng major. Balik sa dating gawi. Kunwari nakikinig pero ang totoo hindi ko naman talaga maintindihan lahat ng tinuturo ng mga teacher. Hays. Basta makapasa okay na. Gagraduate din ako.

"Mira!" May tumawag sakin. Lumingon ako. Si kristine. Hays Mira nanaman ang tawag sakin, ayokong tinatawag na Mira.

"Problema mo? Bakit ba?" Tanong ko sa kaniya, sabay irap. Ginising niya kase ako.

"Lunch break na. Hindi ka kakain? Sabay nga ako kumain sayo, wala kasi akong kasama eh" Sabi niya habang papalapit sakin. Lunch break na pala hindi ko manlang alam nakatulog yata ako HAHAHA.

"Wait lang 5mins" Saad ko sabay dukdok sa arm chair ko. Inaantok pa talaga ko.

"Miraaaa!" Sigaw niya ulit. Nakakainis. Parang ilang minuto palang akong nakatulog! enebeyen. Tumayo nako. Kinuha ang bag at umalis na, hindi ko pinansin si kristine.

"Hindi mo manlang ako hinintay!" Nagtatampong sabi ni Kristine. Habang nag mamadaling sumabay sa mabilis kong lakad.

"Pano ginising mo ko. Cr muna tayo." Sabi ko sa kaniya. Pumunta kami sa cr para makapag hilamos ako.

*pst! you have one message*

from: Angelica

"Alpha are you free later? Punta ka sa room after lunch. See you!"

Whatever! Ang layo layo ng room nila eh. Di ko na nireplyan pumunta na kami ni Kristine sa canteen para mag lunch.

"Miss, pwedeng makishare ng table, mag isa ko lang naman" nagulat pako biglang nag salita yung lalaki.

"Oo sige lang" sagot naman agad ni Kristine sa lalaki.

"Ikaaaaw?!" sigaw nung lalaki, ano ba? Lagi na lang akong ginagulat. Sino ba t...

"Ikaaaaw?!" Napasigaw rin tuloy ako. Ano ba yan! Sinabi ng ayoko ng ginugulat! Nakakainis!

"Magkakilala kayo?" Tanong ni kristine habang tuloy parin siya sa pag kain.

"Hindi. Sino ba yan?" Sagot ko. Di ko naman talaga kilala. Hahaha. Ginaya ko lang yung reaksyon nung lalaki.

"So hindi mo na ko maalala? Ako lang naman yung binangga mo kaninang umaga" Naiiritang sabi niya na parang manununtok pa yata.

"Excuse me! Ikaw ang bumangga sakin! Mahiya ka!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko kasi nakita yung mukha niya kanina kaya hindi ko alam itsura niya.

"Ikaw ang bumangga sakin!" Naiinis niyang sabi.

"Kumain ka na lang, ang dami mong alam" mapang asar na sabi ko, at mas lalo siyang nainis. Binilisan niyang kumain at umalis na din kaagad.

"Anong problema nun?" Tanong sakin ni Kristine.

"Hayaan mo lang siya. Wala akong pakialam dun" natatawa kong sabi habang inuubos ko na ang pagkaing nasa harapan ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nag lakad pabalik ng room. Habang nag lalakad ako ay nasisite kong pinag titinginan nanaman ako ng mga walang kwentang taong nasa paligid ko. Madalas akong nakakarinig ng mga negative comments tungkol sakin.

Ang sama ko raw tumingin, malandi daw ako, ang sungit sungit ko raw, wala raw akong respeto sa ibang tao. Hahahaha. Kulang na nga lang sabihan na din nila akong mamamatay tao.

"Bakit ba lagi ka na lang nilang pinag titinginan ng masama? Kaaway mo ba yun? Sasapakin ko yun eh. Sila yung nag papakalat ng mga fake news tungkol sayo" biglang sabi ni kristine sakin.

"Hayaan mo lang sila. Mas lalo lang lalala yang mga yan kapag pinansin ko pa" sagot ko. Answer confidently with a heart. Hahaha. Eh totoo naman kasi talaga.

"Ah. Oo hayaan mo na lang tama ka" sabi niya sabay tawa.

"Bakit pala ayaw mong tinatawag na Mira?" Dagdag niya pa. Jusko, ang daming tanong. Reporter ba?

"Mira kase ang tawag ni mama at papa sakin" Sinagot ko na lang ang tanong niya. Wag niya masubukang tanungin kung bakit pa ulit, at iiwan ko to.

"Ah. Bakit? Anong masama dun?" tanong niya ulit. Sabi ng wag ng itanong kung bakit eh. Nakakatamad kaya mag explain.

"Basta kasi wag. Alpha nalang itawag mo sakin" sagot ko. Pansin kong nararamdaman niyang ayokong pag usapan.

"Ok sige" maikling sabi niya, at nag patuloy nalang sa paglakad.

Nang makarating kami sa room ay naalala ko. Pinapapunta nga pala ako ni Angelica sa room nila. Ano ba yan. Kinuha ko sa bag yung earphone ko at nakinig muna ng music habang nag lalakad papunta sa room nila.

****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now