[Alpha's POV]
"Alpha!" Narinig kong sigaw sakin ni Angelica. Lumapit ako sa kaniya.
"Bakit mo ko pinapunta? Problem?" Sabi ko sa kaniya, sabay irap.
Kaibigan ko dati tong si Angelica, kaso simula ng siya mismo nag pakalat ng fake news ay lahat ng pinagsamahan namin kinalimutan ko na. Although friends parin turing ko sa kanya kaso di na kami close gaya ng dati.
"Ikaw nag pakalat ng video at picture ko no?!" Saad niya. Video? Picture? Ng? Bat ko gagawin yon? Eh ang bait bait ko.
"Anong video? Anong picture? Bat ako sisisihin mo? Wala akong kinalaman dyan!" Natatawa kong sabi na mas lalo niyang kinainis sakin. Mukha siyang tanga. Bintangera.
"Video naming dalawa ng ex ko. Anong wala kang kinalaman?! Eh ikaw lang ang nakakaalam non! And also ikaw lang din ang alam kong may galit sakin. Dahil sobrang naiinsecure ka!" Sigaw niya sakin.
"Sino ba naman kasing tangang makikipag landian na nga lang sa boyfriend eh ivivideo pa?" Pang aasar ko sa kaniya.
"Ah ganon? So lumalaban kana ngayon?" Sabi niya. Sabay sampal sa mukha ko. Hindi ako makagalaw dahil apat na tao ang humahawak sakin.
***
[James's POV]"Kung ayaw mong maniwala, edi wag! Hindi kita pipilitin. Pero hindi ako ang nag kalat non. At teka nga ako lang ba sa tingin mo ang may galit sayo? Wtf!" Narinig kong sabi ng babae. Teka may nag aaway? Saan banda yun? Ayun sila! nasa likod ng room.
Unti unti akong lumapit sa kaniya. Babae nakagapos. Puro pasa. Binugbog yata nila to. Pupuntahan ko ba? Mamaya madamay pa ko dito... pero hindi. Anong gagawin ko?
"Kung ayaw ninyong lahat na kumalat ang video na to. Pakawalan niyo siya!" Sigaw ko, habang vinevideohan ko sila. Kumuha ako ng mahabang patpat na pamalo sa kanila if ever man na sugudin nila ko.
Binitawan nila yung babae. Sabay lumayo. Pinuntahan nila yung ewan ko baka leader nila yon. Hinila ko yung kamay nung babaeng pinag titripan nila sabay umalis na.
"Maulit pa to, hindi ako mag dadalawang isip na ipakalat tong video tandaan nyo yan." Panakot ko sa kanila habang kami'y papalayo. Hawak ko yung babae at naiiyak na siya. Puro pasa sa katawan puro dugo yung sugat.
"Anong problema mo?!" Pag susungit niya sakin.
"Wow ha? Ikaw na nga tinulungan ikaw pa may ganang mag sungit ng ganyan. Wag ka na lang maingay dyan" Sabi ko sa kaniya. Nakakaloko naman. Siya na nga tinulungan. Di na lang mag pasalamat.
"Iniwan mo na lang sana ako don." Saad nito, at may gana pa akong irapan. Iwanan ko to dito eh. Kung di lang ako naawa.
"Madadamay ka lang. Sa susunod wag ka na lang mangialam kapag may nakita kang nag aaway." dagdag pa nito.
"Okay lang, kesa naman hayaan lang kita don na binubugbog ka nila. Ako yung nandon. Konsensya ko naman kung hindi kita tutulungan diba?" sabi ko sa kaniya habang nilalagyan ko ng gamot mga sugat niya buti nalang lagi ako may dalang first aid kit.
Uwian na pala. Buti dinala ko kotse ko ngayon, Ako na din naghatid sa kaniya sa bahay nila. Mamaya masundan pa siya ng mga kaaway niya. Tapos wala pa ako. Mamaya may mangyari pang masama sa kaniya.
Ano ba yan. Di ko naman kilala to pero parang ang hirap sakin na makita siyang inaaway. Basta alam ko lang gusto ko siyang protektahan.
"Kaya ko na, dito na lang ako. Salamat. Mag iingat ka" paalam niya sakin.
"Sige hintayin nalang kitang makapasok bago ako umalis" sabi ko. Pumasok na siya at ako naman ay umalis na. Pupunta na ng convinience store para bumili ng makakain ko mamayang gabi.
[Angelica's POV]
Hindi pa tayo tapos Alpha. Babalikan kita. Nakakainis. Sino ba kasi yung lalaking yon? Panira ng araw. Okay na sana eh. Makakaganti na ko.
"Pst!"
Sino yun? Nilingon ko ang paligid. Wala ni isang tao. Medyo madilim na din kasi kaya wala ng batang naglalaro. Wala man lang ding mga tao sa labas, ang aga aga pa lang pero ang dilim na. Medyo dulo pa man din yung bahay kaya ayaw nila akong isakay.
"Pst!"
Pangalawang ulit na! Naiinis na ko. Sino ba yun?! Nilingon ko ulit yung paligid ngunit wala namang tao.
"Kung sino ka man magpakita ka sakin!" Sumigaw ako. Bagamat ako lang ang tao at medyo madilim na, boses ko lang ang narinig ko. Binilisan kong mag lakad, mag susuot nalang ako ng earphone para di ako kabahan.
"Araaaaay!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. May tumusok sa likod ko. Matalim na bagay.. Dugoooo! Hindi ko maigalaw buong katawan ko.
May paparating na truck. San galing yun walang dumadaan na truck dito. Nagpakita ako sa driver ng truck upang humingi ng tulong. Ngunit mali ang inakala ko imbis na tulungan ako ay dumirediretso lang sya hanggang sa mabunggo ako.
"Tulooong" Wala na kong ibang sinabi kundi humingi ng tulong ngunit isa man ay walang tumulong sakin. Hanggang sa pumikit ang aking mata, sabay ng pag tulo ng dugo saking katawan.
[Alpha's POV]
"Angelicaaaaaa!" Napasigaw ako. Nananaginip lang pala ko. Napanaginipan ko si angelica. Ang sama ng panaginip ko. Hays.
Lumabas na ko ng kwarto. Para mag almusal. Wala si Karen? Ang tahimik. San nag punta yun. May nakita akong note sa harap ng ref.
"Beshy! Maaga akong aalis. Nakalimutan kong magsabi sayo kagabi. Niready ko na foods dyan. Tsaka bumili na din ako ng betadine, ginamot kona kaninang umaga yung sugat mo. Ingat ka kasi lagi. Call you later!"
Natats naman ako here. Ang aga aga ang sweet niya.
*knock knock!*
May tao. Pumunta ako sa pinto para tignan kung sino. Pag bukas ko ay wala namang tao. Sinilip ko ulit para sigurado ngunit wala namang tao. Sinarado ko na agad at nilock.
*knock knock!*
Tss. Ang kulit naman eh. Binuksan ko ulit yung pinto. Ngunit wala nanaman. Pinagloloko ako neto.
"Lumabas ka!* sigaw ko sa kung sino mang taong kumakatok. Hinintay ko sandali ngunit wala talaga. Sinarado ko na ulit yung pinto at wala na kong buksan pa ulit kung may kakatok nanaman. Pag lingon ko sa likod...
"Angelica?"
*****
YOU ARE READING
I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101
HorrorIf you want to be feel inlove, and scare. Read this story. Story about family, friends and someone important. Who will be killed and Who is the killer. Everybody should know at the same time how they can survived. FACE YOUR FEAR! ~Amnotquinlex. PUBL...