Last Chapter

62 20 1
                                    

"Ikaw ang may gawa nito? HINDI! Nananaginip lang ako! Matagal ka ng patay! Gising Alpha!" Sabi ko habang sinasampal yung mukha ko baka sakaling magising ako sa panaginip.

"Hindi ka nananaginip" bulong niya sabay tumawa.

"Bakit mo to ginagawa?! Pakawalan mo sila Jamie!" Sigaw ko. Hindi ko naramdaman nakatali na pala ko. Pano nangyari yuuuun?!

"Masyado silang madaldal. Yes ako ang may gawa. Pero hindi ako ang nag simula" una niyang sinabi sakin.

"Hindi ikaw?" Tanong ko.

"Bakit hindi mo itanong yung kakambal mo at si Anton" sagot niya.

Tiningnan ko si Anton. Nilapitan niya ko at lumuhod siya sa harap ko

"Hindi yun yung gusto kong mangyari. Patawarin mo ko. Mag eexplain a.."

"Traydor ka. Pinagkatiwalaan kita. Akala ko kakampi ka pero nag kamali pala ko. Lahat pala ng akala ko ay akala ko lang talaga" bulong ko. Kasabay ng mga luhang pumapatak sa mukha ko.

"Please makinig ka sakin.."

"Tama na yang drama mo Anton" narinig kong salita ni Leanne.

"Hindi talaga ako ang may pakana nito. Yung kakambal mo.Siya ang pumatay kay Allysa, kay Angelica..." sambit nito na mas lalo kong ikinagalit dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Bakit ganun? Anong nangyayari? Anong dahilan? Bakit?

"Bakit niya pinatay si Allysa? Kasi masyado siyang madaming nalalaman tungkol samin. At si Angelica? Pinatay niya kasi nalaman niyang binubog ka ni Angelica. Tama ako diba? Alam mo mahal na mahal ka niya" sabi pa nito.

"Hindi niya magagawa yun" bulong ko. Pinipilit kong makaalis sa pinag tatalian ng kamay ko.

"Sinong pumatay kay Kristine?" Tanong ko sa kaniya na inaambahan ko. Sumasakit na yung kamay ko nag susugat ka dahil sa pilit kong inaalis.

"Ako" sagot niya na pangiti.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Trip ko lang. Akala nyo siya pumatay sakin? Inagaw niya kasi sakin si Sam"sagot niya.

Nakita ko si Anton na medyo nag init yung dugo niya. Nag iba yung timpla ng mukha. Binalak niyang sugudin si Leanne kaso nag labas ito ng baril at itinutok sa noo ni Anton.

"Anton please wag!" Sigaw ko. Kung napatay niya si Kristine hindi malabong mapatay niya si Anton.

"Kung may binabalak ka wag mo ng ituloy" sabi ni Leanne.

Nasan si Mika? Gusto ko siyang makita. Gusto kong marinig yung mga paliwanag niya. Kilala ko yung kambal ko. Hindi niya magagawa yun.

"Alphaaaaa! Tulungan mo kami!" Narinig kong may sumigaw. Alam kong boses ni Karen yun.

"Ano bang kailangan mo?!!!!" Sigaw ko.

"Ikaw. Dapat mamatay ka na! Ikaw lang naman talaga ang target ko. Nakakatuwa kang panuorin na nag papakahirap mang hula kung sino ang pumapatay at inaakala mong patay na ako. "

"Anong gusto mo?! Ibibigay ko!" Sigaw ko ulit.

Nakarinig ako ng putok ng baril na ito naman unti unting kinahiga ni Leanne. Sa kaniya tumama yung bala. Nakita ko si Mika na hawak hawak yung baril.

"Patawarin mo ko kambal ko" Sambit nito. At agad din itong umalis.

Kinalagan ako sa pag kakatali ni Anton.

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now