CP Thirteen: Jamie n' Justin.

57 31 1
                                    

[Jamie's POV]

Nakakatakot. Habang naglalakad papunta sa puting bahay. May biglang pumatak.

"Umaambon" bulong ko.

"Bilisan natin guys" sabi ni Anton. Kaya tumakbo na kami habang nakahawak pa rin sakin si Justin.

"Tingnan nyo" sabi ni Alpha. Tapos tingnan namin yung tinitingnan niya.

Bumukas yung head light ng kotse ni Anton. Bigla ding bumukas yung ilaw ng kotse ni Justin. Kinapa nilang dalawa yung susi at inilabas. Nasa kanila yung susi. Panong mag bubukas yun?

"Halika na" tawag ni Alpha.

Di na namin pinansin kaya sumunod na kami kay Alpha.

"Bukas yung pinto?" Bulong ni Anton.

Unti unti naming binuksan yung pinto. Ang dilim. Kaya kinuha namin yung cellphone namin pang flash light. Pag bukas ko ng flashlight ko.

"Aaaaaaah!!" Sht! Napaupo ako. Kasakit ng likod ko. Nabitawan ko yung cellphone ko.

"Anong nangyari?!" Tanong sakin ni Justin.

"Maaa..may babaeee" Di nako makapag salita ng maayos. Natatakot na talaga ko. Nakita ko siya sunog yung balat. Hawak hawak niya yung ulo niya. At nakangiti sakin.

"Nasan?" tanong ni Justin. May naaninag ako nung tinignan ko siya.

"Sa likod mo" bulong ko.

Nung tiningnan niya biglang nawala.

"Uwi na tayooo!" Sigaw ko.

"Nasan sila Alpha?" tanong ni Justin.

Nawawala sila. Nag kahiwa hiwalay kami. Biglang nag lock yung pinto. Tsss.

"Sht!" Bulong niya.

"Hanapin na natin sila" Sabay sabi ko kay Justin.

Hinanap namin sila Anton. Ang dilim naman. Walang katao tao dito sa bahay. Puro alikabok. At ang laki ng bahay. Ano ba to. Bat pa kasi ako sumama nakakainis naman eh. Hays.

Nakakatakot. Ang daming pintuan. Sa bawat loob ng pintuan ay mayroon pang ibang pintuan. At puro bukas kaya tinitingnan namin bawat kwarto.

"Alpha! Anton!" sigaw ni Justin.

"Ang daming manika." bulong ko.

"Baka kwarto to ng bata to. Pero nasan sila?" sabi ni Justin.

"Bakit naman kaya nila iiwan to? Baka naman patay na sila?" tanong ko.

"Aaaaaaah!!" Sigaw ko. NGUMITI YUNG MANIKA! Di ko alam. Baka sadyang may phobia lang ako sa manika. Niyakap ko si Justin.

"Bakit?" Tanong ni Justin.

"Yung manika" bulong ko.

"Jamie! Justin!" narinig kong sigaw ni Anton.

"Anong nangyari?" Tanong ni Justin.

"Naikot na namin buong bahay. Wala naman sila Karen" sabi ni Alpha.

"Tara na. Uwi na muna tayo. Gabi na" sabi ni Anton.

"Wag na tayong mag hiwahiwalay." Sabi ni Justin.

Sa sobrang daming pinto at daanan. Hindi na namin alam palabas kaya hinanap pa namin.

"Dun tayo pumasok kanina!" Sigaw ni Alpha at tinuro niya.

Pumunta kami sa pinto kaso nakalock pa rin. Ano ba yan.

"Naka lock parin" bulong ni Anton.

"Di ko sure pero may nakita yata akong pintuan palabas sa dinaanan natin kanina" sabi ni Alpha.

Pumunta kami kung saan niya nakita yung pintuan. At nakabukas nga yung pintuan palabas pero sa likod yata ito ng bahay.

"Guys" bulong ko at tinapik ko sila habang nakatingin sa nakita ko.

"What the?!" Sigaw ni Justin.

Yung kotse ni Justin at Anton unti unting lumalakad papalapit samin. Nakabukas ang ilaw sa loob kaya kitang kita na walang nag mamaneho at isa pa nasa kanila ang susi.

"Anong nangyayari natatakot nako" sabi ni Alpha.

"Puntahan na natin para makaalis na tayo dito" sabi ni Justin.

"Ayoko! Baka nasa loob yung killer!" Sigaw ko.

"Tara na. Wala yan. Nandito lang kami" sabi ni Anton.

Hinawakan ni Justin yung kamay ko at pumunta na nga kami sa kotse sinilip muna namin, nung nakita naming wala saka kami sumakay.

Gaya kanina nauuna pa rin kami kesa kila Anton dahil one way.

"Justin nawala yung bahay" sabi ko habang nakatingin sa likod.

"Hayaan mo na atleast naka alis na tayo" sabii ni Justin.

Binalik ko na yung tingin ko sa harap. Iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina. Nakakatakot. Di ko mawari kung pano sya namatay. nung nakita ko yung babae. Parang nasunog.

"JUSTIN!!" Sigaw ko sa kaniya.

*Blagsh*

"Justin naka bunggo ka" Bulong ko sa kaniya.

"Nakita mo ba yun?" tanong niya.

"Yung babae?" tanong ko.

"Oo" sagot ko.

"Tignan ko. Ako nalang bababa" sabi niya.

at bumaba na siya. tiningnan niya yung babaeng dumaan. Wala naman daw sensyas niya sakin.

"Anong nangyari?!" tanong ni Anton napahinto rin sila dahil nasa likod namin sila.

"May nabunggo kami. Pero nawala naman bigla" sabi ni Justin

"Waaaaaaaaah!!!!" sigaw ni Alpha hanggang dito rinig ko boses niya.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"May babae sa likod mo" sabi niya.

Kaya napatingin kami agad sa kaniya. Biglang bumaba ng sasakyan si Alpha.

"Alpha! San ka pupunta?!" Sigaw ni Anton.

"Alpha!!" Sigaw ko.

"Wag ka nang bumaba" sabi ni Justin.

Kaya hindi narin ako bumaba. Ilang sandali ay nakita kong nakabuhat ni Anton si Alpha pabalik ng sasakyan. Walang malay si Alpha.

"Anong nangyari?!" sigaw ni Justin.

"Di ko alam. Nakita ko na lang syang walang malay" sagot ni Anton.

"Tara na" sabi ni Justin.

Hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko kanina. Baka namamalik mata lang ako. Nakita ko si Alyssa kanina sa likod ni Justin. Sya kaya yung nakita ko din kanina? Hays. Baka siyaa din yung killer?

*****
QuinLx: Alyssa why are you here?

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now