CP Eighteen: Red, Blue, Green.

43 23 0
                                    

Tinatry ko pa ring pag dugtungin yung binigay na mga tela at papel.

"Pano kaya yan?" Tanong ni Anton.

Inisip ko kung pano kaso di ko alam kung ano to.

"Di ko nga rin alam eh" sagot ko. Naalala ko nandito pa rin yung Phone ni Jamie.

"Yung phone ni Jamie nandito pa rin diba?" bulong ko.

"Tawagan ko kaya?" Sabi ni Anton. Oo nga no? Bat ba di namin naisip na tawagan kanina.

"Bat ngayon mo lang naisip?! Hays" Sigaw ko sabay irap sa kaniya.

"Ikaw nga din hindi mo naisip kanina eh" sabi niya sabay tawa ng pigil. Hays -_-

Biglang may tumunog. Saan yun?

"Palagay ko nasa labas" bulong niya.

Pumunta kami sa labas ng bahay sa likod pa rin kami dumaan naglayo kami ni Anton para mas mabilis mahanap.

"Eto na" sabi niya. Habang hawak niya yung cellphone.

"San mo nakita?" Tanong ko.

"Sa mga halaman nakalagay sa paso" sagot niya. Nagtaka naman ako kung bakit nandon.

"Open mo baka may makuha tayong information kung nasan sila" sabi ko.

"Blanko lahat ng message pati call number ko lang nakalagay na may missed call" sagot niya.

"Try ko tawagan si Justin" sabi niya.

Nag pahinga muna ako sa tabi medyo sumisikip nanaman dibdib ko.

"Nasa bahay daw si Justin may pinapagawa daw sa kaniya kaya di nakalabas kanina pero baka daw sumunod siya satin maya maya" sabi ni Anton.

Napapagod na ko. Kanina pa tayo nag hahanap nasan na kaya sila.

"Akin na number ni Karen at ni Mika tatawagan ko sila" sambit niya ulit.

Binigay ko yung phone ko sa kaniya para kunin niya yung number.

"Ano na?" tanong kong pabulong. Di nanaman ako makahinga ang hirap mag salita.

"Nakapatay yung phone nila" sagot niya.

"Pano na yan? Napapagod na ko puro na lang tayo hanap ng hanap sa kanila. Wala namang nangyayari lagi na lang tayong napapahamak" bulong ko sabay napabuntong hininga na lang ako.

"Alam mo babae kanina parang tinutulungan tayo. Parang hindi siya yung kalaban natin" sabi ni Anton. Tapos nagtinginan kami.

Wala akong nasabi sa kaniya. Gusto ko lang magpahinga muna.

"Pahiram ako nung tela tsaka papel na mayroong mga linya" sabi niya tapos ibinigay ko.

Mga limang minuto niyang tinignan, pinag aaralan kung pano yun tapos ako nag papahinga lang.

"Halika bilis" aya niya tapos tinayo niya ko.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay saglit lang" sabi nya tas sumakay na nga kami ng kotse pero binuksan nya muna yung pintuan ko. Ang gentleman talaga ni koyang.

Ilang sandali ay nakarating na nga kami sa bahay nila. Pumasok sa bahay nila tapos may ginawang parang ewan. Nagulat pa ko may biglang bumukas na parang pinto sa lalagyanan ng mga libro niya.

"Woow! Ano yan? Secret room? May pintuan pala dyan" sabi ko. kagaling may pa-secret room pa HAHA Sa pelikula ko lang napapanuod to.

Pag bukas nung secret door may hagdanan pababa so ayun bumaba kami. Mas lalo akong namangha HAHA.

Punong puno ng screen ng cctv. Ang daming machine. Ang daming pc. At astig yung paligid talaga yung wallpaper para kang nasa moon dahil yung paligid. May mga stars pa sa taas. Walang ilaw. Tanging screen at mga glowing in the dark lang na mga stars sa taas ang tanging liwanag.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

Hindi sinagot. Duh?! Snober. Binuksan niya yung parang scanner niya tapos pinagpatong patong niya yung mga tela at papel hanggang sa may nakita kaming nakasulat na north east south west. May nakadrawing na bahay medyo malabo sa bahay may linyang mahaba na pula. At may note na maliit pero hindi mabasa. Sa pangalawang bahay may linyang asul hindi ganong kahabaan may nakasulat din pero hindi mabasa. At sa pangatlong bahay may linyang green na maikli lang may nakasulat din pero maliitt gaya ng nauna.

"Sabi na location to eh" sabi ni Anton.

"Kaninong bahay naman tong mga to?" Tanong ko.

"Teka kuhanan ko muna" kinuhanan niya yung nakascan na tela at papel para may copy na kami. Tapos sinilip niya sa microscope niya kung ano yung nakalagay sa sulat.

"Kuha ka note bilis" sabi niya. May nakita naman akong notebook at ballpen sa gilid ko kaya binigay ko sa kaniya.

Ilang sandali habang ginagawa nya yun ay nag libot libot muna ako sa secret room na to. Medyo creepy kasi may mga nakadrawing na nakakatakot na mukha. Tapos may malaki pang aquarium may isda may ahas pa may pagong. Madami naastig ako HAHAHA.

"Eto na" biglang sabi ni Anton pinakita niya yung sinulat niya. Binasa ko

"Yung bahay na may pulang linya ay kung saan naroon ang cellphone ni Jamie."

"Sa bahay? Dun natin nakita yung phone diba?" bulong ko. Tapos binasa ko ulit yung pangalawa.

"Yung bahay na may asul na linya ay kung saan may nakakulong na isang babae na pinuntahan ng limang tao" napaisip ako. San naman to?

"Isang babae na pinuntahan ng limang tao? Hindi kaya si Mika yan? Nung pinuntahan natin siya?" tanong ni Anton.

"Eh diba apat lang tayo non? So may kasama pa tayong isa?" Kinilabutan naman ako don! Jusko. Haha

"Di ko alam pero feeling ko dun yon" sagot niya.

"Wag ka namang nananakot. Sige tingnan natin" bulong ko. Binasa ko ulit yung pangatlo.

"Yung bahay kung saan punong puno ng manika at madaming pintuan. bahay kung saan pinatay yung isang babae"

"Sa white house?" bulong ko.

"Siya yung babaeng tumulong satin kanina? Sino ba yun?" Tanong ni Anton.

"Ayoko ng pumunta dun" sabi ko. Nakakatakot kaya.

Biglang may nabasag sa baso sa gilid ko. May laman pang tubig hala.

"Baka gusto niyang tulungan natin siya" sabi niya.

"Ano to? Susi?" Dagdag nya pa. May pinulot siya galing sa nabasag sa baso.

"Puntahan muna natin yung bahay na may pulang linya halika na" aya sakin ni Anton. Sabay kinuha ko na yung mga gamit na kakailanganin namin.

*****

I'M COMING! (COMPLETED) #FaceYourFear #Horror101Where stories live. Discover now